Chapter 20

2 0 0
                                    

Chapter 20

Natigil ang paglalaro naming basketball ng may dumating na kulay itim na kotse.

Pinagbuksan siya ng isang security at lumabas ang daddy ni sir Ricky.

Kasama kong naglalaro si Kuya Elmer. Ang dalawang hardinero at dalawang guard.
Sabi ni sir okay lang naman daw na maglari kami. May isang ring kasi dito malapit sa garahe.

Lumapit ito sa amin.

"Magandang hapon sir" Bati namin sa kaniya.

"Magandang hapon din. Jimmy?"

"Opo"

"Ikaw pala ang nagligtas sa anak ko. Salamat" Inabot ko ang kamay niya.

"Walang anuman po"

"Nagmeryenda na ba kayo?Magpapabili ako ng meryenda niyo"

"Salamat po sir"

"Call me tito Paul"

"Po?"

"Sandali magpapabili lang ako" Saka ito umalis.

Nagpabili ito ng ilang box ng pizza at drinks.
Nagmemeryenda kami ng bumaba si sir Ebrahim.

"Sir"

"What is this for Paul?" Salubong ang mga kilay nitong hinarap si sir Paul.

"What?Masama na bang magpameryenda sa mga tao mo?"

"Kaya kong ibigay yon sa kanila"

Ang sabi ni nanay Ana hindi daw magkasundo ang magpinsan. Si sir Paul daw sakim sa pera.

"C'mon Ebrahim its just a small thing. Here" Inabutan ito ng softdrinks na may straw.

"Pero di nito kinuha"

"Papahiyain mo ba ako sa harap ng mga tauhan mo?" Walang nagawa si sir kundi tanggapin ito. Ininum niya pero umalis ito at tinapon sa basurahan. Nakita kong ngumiti si sir Paul.

Siya na rin ang nagpresentang nagligpit ng mga kalat namin.

Buti nalang di nagalit si sir Ebrahim samin. Pero di na siya umimik ng makita kami ulit.
Mapilit kasi si sir Paul.

...

Collins's Doctors Hospital

"I want a result asap" Kausap nito ang isang doktor.

"Sige po sir" Saka na ito pumasok sa Lab.

"Hindi mo ako maiisahan Henry. Hindi mapupunta si Jimmy sa mansiyon ng walang dahilan"

Ilang oras din itong naghintay ng result hanggang matapos.

"Mr. Collins" Saka inabot ang isanv sobre.

"Let's talk in pivate sa ibang araw. Keep it as a secret"

"Opo"

"Good" Saka na ito umalis.

...

Henry POV

Panu ako makakaalis dito andaming bantay. Kung makakalabas man ako sigurado maraming guwardiya sa labas.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si tito Paul may hawak na envelope.

Hindi. Hindi to maaari.

Pinakita pa niya ito at winagayway sa ere.

"Are you excited with the results?Ako excited na Henry. So you want to open it?" Lumapit ito sa akin at inabot. Nang kukunin ko na ay saka niya binawi.

The Lost Successor And His FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon