Chapter 26

2 0 0
                                    

Chapter 26

Nakatanggap ng tawag ang ina ni Ebrahim.

"Hello sweetheart. When? Okay.Okay got it. Take care on your way home. Can i speak to him? Pambihirang matanda"

"Mom what did he say?"

"Bukas na sila uuwi"

"Why? Akala ko ba ngayon?"

"Dahil magpapaalam pa daw siya sa mga kaibigan niya at iinum pa daw sila ni Panio. Sinabi kong gusto ko siyang kausapin pero binabaan ako ng lintik"  Natawa naman si Ebrahim.

"Okay na daw po ba sila?"

"I think so. Masaya ang daddy mo ng nakikipag usap. Why dont you call him kung sasagutin niya tawag mo"

"I already knew dad. Okay we have still a lot of time to prepare mom"

"Simulan mo na anak"

"What are you doing mom?"

"This is for my apo"

Niyakap ang ina.

"I love you mom" Saka hinalikan sa pisngi ang ina.

...

Masaya ang buong araw ko ngayon dahil nakikita ko kung gaanu kasaya si Tatang. Si Nanang at si Jade. Wala na silang poproblemahin pa. Promise ni lolo dad. Oo yon na tawag ko sa kaniya.

Misnan kasi pag nagkakamali ako ng tawag pinapalo niya ako ng baston niya.

Nandito ang lahat ng mga kaibigan ko maliban kay Gary at June.

Halos buong barangay nandito na ngayong gabi. Ilang litson kasi ang pinagawa ni lolo para sa kanila. Ibat ibang klase ng pagkain na galing pa ng maynila.

Siyempre di nawala ang inuman.

Parang piyesta dahil may pa sounds pa si lolo.

Parang isang panaginip lang ang lahat.

Dati isa lang akong batang minsang nangarap na umangat sa buhay. Magkaroon ng sapat na pera para sa pamilya ko. Maipatayo ng maayos ang bahay namin.
Maisalba ang lupa ni Tatang.

Akala ko habang buhay na akong ganito.

Noon marami akong katanungan sa buhay ko na hindi masagot.

Akala ko nag iisa talaga ako. Hindi pala. Marami palang nagmamahal sa akin.

Natigil ang pagmumuni ko ng nagsalita si lolo. Naka microphone pa talaga siya.

"Thank you for coming. Where's my poging apo" Lumapit ako sa kaniya ng hilahin ako ni kuya Henry.

Nakakahiya kaya.

"I know sobra ng napamahal si Jimmy sa inyo. Pero kailangan ko na siyang iuwi sa totoo niyang tahanan. Akala namin kasi namatay na siya sa aksidente 20 years ago. Pero dahil sa ibang tao na nagmalasakit at tinuring siyang tunay na pamilya nandito siya ngayon. Salamat Panio at Estella dahil pinalaki niyo ng maayos ang apo ko. Kay Jade na tinuring mong tunay na nakakatandang kapatid"

Lumapit sakin si Jade at yumakap na ngayon ay umiiyak na. Bihira na siguro kaming magkita dahil kailangan ko rin ng oras sa totoo kong pamilya.

"Makikita niyo parin naman siya pero hindi na tulad ng dati. Sa lahat ng mga kaibigan niya dahil tinanggap niyo siya kahit alam niyo ang katotohanang hindi siya anak ni Panio. Kaya bilang pasasalamat ko walang uuwi hanggat di nauubos ang mga pagkain"

Lahat ay nagsigawan at nagpasalamat din. Nagbigay din kasi si lolo dad ng pera sa mga bata. Pati si Jade mayron. Tuwang tuwa nga ito dahil marami siyang natanggap. Pero sa sandaling ito hindi. Kailangan ko na kasi sila munang iwan.

The Lost Successor And His FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon