Chapter 21
Kasalukuyan nagkukuwentuhan sina Anya at ang mga kaibigan.
"Si Revin yong nasa second floor?" Tanung ng kaibigan.
"Hello. Di ako magkakagusto sa walang pinag aralan at bobo. Ginamit ko lang naman siya dahil may pera siya. Guwapo lang naman siya"
"Eh si Jimmy?" Tanung.
Halatang kinilig pa si Anya.
"Gusto ko siya"
"Eeehhhhh" Sabi ng dalawa.
"Okay lang kahit wala siyang pera masipag naman siya"
"Di kayo na"
"Sabi niya dadalawa siya dito. Hanggang ngayon wala parin siya"
"Baka busy"
"Siguro nga. Miss ko na nga siya eh"
Kantiyaw ulit ng dalawa.
...
Doctors Hospital.
Di agad ako nakaalis sa apartment dahil napaiyak pa ako sa kotse.
Bakit masakit sa dibdib?
Bakit kailangan pa niyang sabihin sa mga kaibigan niya ang bagay na yon.
Alam ko naman na wala akong pinag aralan.
"Jimmy" Napatayo ako sa tawag ni sir sa akin.
"Sir"
"Okay kalang ba?"
"Opo. Kumusta na po si nanay Ana?"
"Kritikal ang kundisyon niya. Dont worry magiging okay din siya. Iuwi mo na ang asawa ko dahil nagiging emosyonal na siya. Makakasama yon sa kaniya.Susunod nalang kami pag stable na ang lagay niya"
"Sige po sir" Pinuntahan namin si mam.
"Honey ihahatid kana ni Jimmy. Susunod nalang ako dun pag okay na si nanay"
"Natawagan mo na sila mommy?"
"Yes Honey. They are on there way na sabi ni dad. Dont worry okay?" Saka niyakap ang asawa.
"Mag iingat kayo"Hinalikan sa noo.
"Halikana mam" Inalalayan si Helena.
Nakikita kong umiiyak si mam sa likod dahil kay nanay Ana. Galing pa siya sa kuwarto namin kanina ni kuya Elmer.
Anu kayang nangyari sa kaniya. Nasabi na nito minsan na may hypertension daw siya at sakit puso dahil narin daw sa katandaan.
Pero okay pa naman siya kanina ng iwan ko siya.
...
Nang makarating kami sa mansiyon au sinamahan ko muna siya sa kuwarto. Pinakalma hanggang makatulog ito.
...
Paul's Mansion
Naghihintay si Enrique sa sala na dumating ang ama. Kanina pa ito palakad lakad.
Bumukas ang pinto saka pumasok ang ama.
"Dad. Nasan si Henry?Anung ginawa mo sa kaniya?"
"I'm tired Enrique" Nilampasan lang ito.
"Dad!Answer me!" Parang kumulog sa lakas ng boses ni Enrique.
"Sabi ng walang kinalaman si Henry!"
"You dont know anything about Henry son. Ginagago kana nung tao hindi mo pa alam. You cant trust him son"
"What do you mean dad?"
BINABASA MO ANG
The Lost Successor And His Fate
General FictionFate of The Lost Successor and his Long way to the Truth and Love. Hindi interesado si Jimmy malaman ang tunay niyang pagkatao. Ni malaman ang tunay nitong mga magulang. Iniwan ni Jimmy ang kinalakihang pamilya para magtrabaho sa maynila para isalba...