Chapter 39

3 0 0
                                    

Chapter 39

Nasa bar ng mansiyon si Nate  umiinom mag isa. Matapos kasi niyang makitang umiyak si Anya ay parang dinudurog din ang puso din nito.

Pagkatapos niyang magshower ay dumiretso na ito sa bar.

"Can i join you son?"

Kinuhanan niya ang ama ng baso saka sinalinan ito ng alak.

"Gusto mo bang umuwi muna sa la union?" Napatingin si Nate sa ama.

"Hindi ko sinasabing talikuran mo ang mga problem mo. Gusto ko lang makapag isip ka ng maayos"

"Mahal ko si Anya dad" Saka na ito umiyak.

"I know son. I know. Nasaktan kalang kaya ka ganyan"

...

Kinabukasan ay maagang umalis si Nate para pumunta ng La union. Kasama niya si Dante.

Nagising si Timmy na mag isa na niya sa kama.

"Bb" Bumaba ito ng kama saka hinanap sa walk-in closet. Sa banyo. Kinukusot-kusot pa nito ang matang lumabas ng kuwarto dumiretsong kuwarto ng magulang.

"Mommy where's Bb?"

"Wala si Bb anak. May pinuntahan" Kinarga ito at nilapag sa kama para bihisan.

"Where did he go? Why he left me mommy?"

"Saglit lang si Bb anak. Importante lang yong pinuntahan"

"When he comeback mommy?"

"Siguro sa susunod na araw ganun. Babalik din si Bb anak wag kang mag alala. Hilamos kana saka breakfast na tayo"

"Where's daddy?"

"Pumasok na sa work anak. Let's go"

Pero kunti lang kinain ni Timmy.

Matamlay din ito buong araw. Ni hindi ito naglaro sa mga laruan niya. Natulog ito sa may kuwarto ni Nate ng tanghali.

...

Nakarating sina Nate ng tanghali.

"Jimmy" Salubong ng dalawang matanda sa binata ng makababa ito ng van.

"Nang! Tang!" Niyakap nito ang dalawa ng mahigpit.

"Si Jade po?"

"May pasok ngayon"

"Kunin natin mga pinamili namin" Tinulungan si Dante na magbaba ng mga grocery.

"Magtatagal ka ba dito anak?" Tanung ng matandang lalaki.

"Mga ilang araw po siguro. Marami pa po kasi akong naiwan sa maynila na kailangan gawin"

"Di ka man lang magtatagal anak?" Tanung ng matandang babae.

"Hindi po Nang. Siguro sa susunod po pag di na po ako busy. Tarana po sa loob. Kuya Dante tawagin mo yong dalawa"

"Sige"

"Di ka man lang nagsabi di kami nakapaghanda"

"May binili na po kaming mga pananghalian. Wag na po kayong mag alala"

"Pareng Jimmy!" Napalingon si Jimmy.

Si Milo at ang mga kaibigan.

"Uy!" Nagyakapan ang mga ito.

"Halikayo pasok. Kain tayo pananghalian"

"May dala kaming pampulutan" Hila ni Gary ang isang kambing na buhay pa.

The Lost Successor And His FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon