Chapter 36
Pagpasok ko sa sasakyan ay nakangiting si Anya ang bumungad sa akin.
"Sir. Kumusta po yong meeting niyo?"
Tanung nito sa akin."Mabuti. Nagmeryenda kana ba?"
"Oo. Dun sa venue ng meeting"
"Would you mind if magcoffee muna tayo somewhere?"
"Sige sir Nate"
As i expected. Dinala ko siya sa starbucks malapit na sa opisina ni dad.
Hindi ako nagkuwento kundi siya lang. Nakikinig lang ako sa kaniya. Siya pa rin si Anya na nakilala ko. Madaldal.
Nang marinig ko ang phone ko.
Si dad?
"Dad. Sige dad. Opo" Iba ang tono ng boses ni dad kaya malamang galit ito. Nalaman na siguro na iniwan ko si kuya Dante don.
"Ihahatid na kita"
"Ah..Sige"
Nang maihatid ko si Anya ay dumiretso na ako ng bahay. Nakauwi na daw kasi si Kuya Dante.
Naghihintay na si dad sa sala pagdating ko.
Nakakunot ang noo at seryoso ang mukha."Dad" Mahina kung sabi pero rinig ni dad.
"Ilang ulit mo pa ba akong sasawayin bago ka magtanda Nate"
"Dad saglit lang naman yon"
"Kung di ka pa tatawagan hindi ka pa uuwi. Nate mahirap bang sundin yong pinapagawa ko?"
"Dad. Wala naman nangyari sakin. Ligtas ako see?"
"Sa ngayon Nate. Panu bukas? Uulit ulitin mo ganun ba?"
"Dad napaka unreasonable niyo naman na"
Sagot ko kay dad."We are not talking how am i being unreasonable Nate. We're talking about your safety"
"Dad sinu pa bang magtatangka sa atin?"
"Marami Nate!Aantayin mo nalang na may mangyaring masama sayo bago ka matauhan! Hindi mo alam kung gaanu ako nag aalala tuwing lumalabas ka kahit na may kasama ka! Nag aalala ako na baka isang araw mawala ka ulit samin ng mommy mo!"
"Dad. I'm sorry" Saka ako yumakap kay dad. Hindi ko alam na nag aalala parin pala sila hanggang ngayon.
It's been six years and more na kaya.
"Sorry dad. Hindi na po mauulit" Saka ko na naramdaman ang ganting yakap ni dad.
"Hind na namin kaya ng mommy mo na may mawala kahit ni isa sa inyo ng kapatid mo anak. We're doing our best to protect you and your brother son. Wag mo sanang baliwalain yon. Pag nagkaroon ka ng anak you'll understand what i mean anak"
"Sorry dad"
"Okay but dont do this again son. Wag mong iiwan si Dante please. Dante will be your personal bodyguard simula ngayon at the sametime your driver son"
"Fine dad"
"And about Anya"
"Dad. Kung pipigilan niyo na naman ako.."
"No. Hindi yon anak. Sayo na siya magtatrabaho simula bukas"
"Dad? Hindi dad. Temporary lang si Anya sakin dad"
"Anak anu ba talagang plano mo sa kaniya? Pag isipan mo munang mabuti yang gagawin mo anak"
"Napag isipan ko ng mabuti yan dad. Thank you dad" Saka ko niyakap si dad.
BINABASA MO ANG
The Lost Successor And His Fate
General FictionFate of The Lost Successor and his Long way to the Truth and Love. Hindi interesado si Jimmy malaman ang tunay niyang pagkatao. Ni malaman ang tunay nitong mga magulang. Iniwan ni Jimmy ang kinalakihang pamilya para magtrabaho sa maynila para isalba...