Chapter 32
Hindi naging madali kay Jimmy ang lahat ng makarating ng amerika.
Ilang araw palang ito ng bigla siyang magkasakit. Ilang araw ito sa ospital dahil sa bagong klima nito.
Nang magsimula na siyang mag aral ay di naging madali sa kaniya ang lahat. Parating Jimmy ang naisusulat niyang pangalan niya imbes na Nate.
Unang lingo niya ay wala siyang nanging mga kaibigan. Lalo na at puro banyaga ang mga kausap niya. Pero nagkaroon siya nung mag isang buwan siya sa pinapasukan niya.
Nakakilala siya na katulad niyang may kalahating dugong banyaga. Tulad niya ay ganun din sila nung una.
Nagkaroon siya ng dalawang malapit na kaibigan. Sina Clay at Peter. Kilala na rin sila ng ama nito.
Kumukuha siya ng gusto ng ama. Para alam nito magpatakbo ng isang negosyo. Gusto sana niya ng pagluluto pero nangako naman ang ama ng pag natapos ito ay libre na siyang kumuha ng kahit ng anung gusto niya.
Hindi siya nawalan ng komunikasyon sa mga kaibigan niya sa pilipinas. Tuwing may time ito ay kausap niya si Dandi o Milo sa skype. Minsan Tatang at Nanang nito kasama si Jade.
Nagpapadala din ito sa kanila.
Pinanganak ang kapatid niyang si Timmy Shaun kaya may inuuwian ito ng maaga.
Di na muna ito sumasama sa mga kaibigan para gumimik.Gusto ng ama na enjoyen nito ang pagiging binata pero mas gusto niyang kasama ang kapatid. Pero paminsan-minsan ay sumama din siya.
Nagkaroon siya ng girlfriend si Stacey. Isa siyang puro pinay pero nakatira na since birth sa amerika. Pero on-off ang relasyon ng dalawa. Hindi kasi pareho ang gusto nilang dalawa.
Alam din ng magulang at mga kaibigan ang tungkol sa kaniya.
Natapos siya ng pag aaral at sinorpresa siya ng ama dahil may admission na siya para mag aral ng pagluluto sa italy. Ang matagal na niyang pangarap.
Hindi na mahirap sa kaniya dahil marami na siyang mga librong nabasa na binibili ng ama nito. Idagdag pa ang dating mga libro ng ina.
Natapos siya ng isang taon. Sumali pa ito sa ilang open competition sa pagluluto sa ibat ibang bansa. May mga pagkakataon na hindi siya pinapalad pero di siya nawalan ng pag asa. Hindi yon ang naging dahilan para sumuko siya.
Nag open siya ng isang kainan sa pilipinas sa tulong ni Enrique. Habang nasa amerika ito ay si Enrique ang nag ayos ng lahat. Dahil sa bigay na pera ng ama at ng lolo niya kaya siya nakapagpuhunan. Si Enrique din ang inatasan niyang maging manager ng Resto niya.
Alam ng ama. Pero tutol ito ng una ngunit wala din nagawa ang ama.
Ilang taon na pero di parin ito nakakauwi ng pilipinas simula ng dumating sila ng amerika.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
The Lost Successor And His Fate
General FictionFate of The Lost Successor and his Long way to the Truth and Love. Hindi interesado si Jimmy malaman ang tunay niyang pagkatao. Ni malaman ang tunay nitong mga magulang. Iniwan ni Jimmy ang kinalakihang pamilya para magtrabaho sa maynila para isalba...