Chapter 28
Nagising kinabukasan si Ebrahim na nakayakap sa kaniya si Jimmy. Hinaplos ito sa ulo saka hinalikan sa noo.
Nang silipin ang asawa ay tulog pa din ito.
Bumukas ang pinto saka pumasok ang ama. Lumapit ito saka umupo sa gilid ng kama.
"Si Atty. Nandiyan may mga kasama" Mahinang sabi ng asawa.
"Sinu dad?" Tanung nito na mahina din ang boses.
"Pamilya nung nilibing niyo sa museleo"
"What? Wait dad" Saka dahan-dahang tinanggal ang kamay at paa nito saka pinalitan ng mga unan.
Kinumutan ang dalawa bago lumabas kasama ang ama.
...
Pagbaba ni Ebrahim matapos makapagsipilyo at makapaghilamos. Nakabihis narin ito. Tumayo ang tatlo.
"Sit down please" Saka na siya umupo. Bumalik ng umupo ng ang tatlo.
Inabot ng Atty. Ang isang envelope. Saka tiningnan ni Ebrahim.
"Sila ang pamilya niya Ebrahim" Napatingin Ito sa kanila saka binalik kay atty.
"Sina Mr. And Mrs. Mejia" Pakilala ni atty.
"What happened?" Tanung ni Ebrahim na nakakunot ang noo.
"Ninakaw po sir ang bangkay ng anak namin nung nasa morgue po ito. Nang balikan na namin para kumain lang wala na ito. Nireport namin sa police pero wala ring nangyari"
"Ang pinsan niyo pala ang kumuha ng bangkay ng anak namin. Akala namin kayo dahil sa museleo niyo ito nakalibing. Pero pinaliwanag na samin ni Atty. Ang lahat"
Dagdag pa nito."Wala kaming nilamayan nung burol niya. Wala din kaming nilibing ng araw na ililibing na siya" Dagdag ng asawa nitong babae na umiiyak.
Nilapag ng isang maid ang kape ni Ebrahim.
Mayron na ang tatlo ng kape."Thank you. Now that you already knew. Anung plano niyo?"
"Kung magsasampa kami ng kaso sir sa pinsan niyo wala rin pong mangyayari. Gusto lang po namin na magkaroon siya ng maayos na libing" Ang sabi ng lalaki.
"Sige. Ako nang bahala sa lahat. Kelan ba plano niyo?"
"Bukas po sana sir"
"Sige. Bahala na si Atty. diyan. I'm sorry sa ginawa ni Paul sa pamilya. I know how you feel na mawalan ng anak dahil naranasan ko narin yan non"
"Pero buhay po ang anak niyo sir"
"Oo. Pero ang pakiramandam sobrang sakit" Napakingon ang tatlo sa hagdan. Pati si Ebrahim ay ganundin.
Ang asawa at si Jimmy.
"Siya na ba ang inaanak ko?" Napatayo si Atty.
"Yes Atty. Son come" Lumapit ito. Hinalikan ni Ebrahim ang asawa sa pisngi saka pinaupo.
"Anak siya ang ninong Alvin mo" Nagmano si Jimmy.
"He really look like tito Efraim and tito Rafael"
Saad nito."Yes atty. He really is. Hon. Sila yong pamilya nung nilibing natin sa museleo"
Bakas sa mukha nito ang pagkagulat.
"I'm sorry" Wika ng asawa.
"Honey okay na. Ako ng sasagot sa libing nito ulit. Yong museleo na sinira nila ipapaayos ko yon para dun niyo na siya ulit ilibing"
BINABASA MO ANG
The Lost Successor And His Fate
Fiksi UmumFate of The Lost Successor and his Long way to the Truth and Love. Hindi interesado si Jimmy malaman ang tunay niyang pagkatao. Ni malaman ang tunay nitong mga magulang. Iniwan ni Jimmy ang kinalakihang pamilya para magtrabaho sa maynila para isalba...