Chapter 38
Pababa na ako para pumunta ng pool ng makita ko si Harold na kasama si mommy sa labas sa veranda ng sala.
May pinag uusapan ata sila.
"Sir Nate. May lakad ba tayo ngayon?" Tanung ni Dante sakin ng makita ako. Nagkakape ito sa may sala.
"Mamaya kuya. Bakit nandito si Harold kuya?" Tanung ko sa kaniya.
"Hindi mo ba alam?Mommy mo ang may hawak ng Accounting kaya siya kausap ni Harold"
Oo nasa accounting pala si Harold. Pero diko alam na si mommy pala ang may hawak ng accounting ng kumpanya ni dad.
Kaya pala kasa-kasama niya si mommy pag may mga meeting siya.Pero bakit di pumapasok si mommy?
"Kanina pa ba siya kuya?"
"Mga trenta minutos mahigit na siguro"
Nagulat nalang ako sa biglang paghawak ni Timmy sa kamay ko.
Nakaswimming trunks na ito.
"Let's go bb"
"Sige kuya. Pakisabi kay Anya pagdating niya nasa pool lang ako kuya"
"Sige"
Saka na kami pumunta ng pool para maligo.
Alam ni Timmy lumangoy kaya walang problema kahit mag isa niya. Pero siyempre para makasigurado di siya naliligo ng walang kasama.
"Bb!Here i come!" Saka ito tatalon sa tabi ko.
"Nag sunscreen ba kayo?" Tanung ni mommy ng makalapit na ito saka umupo sa gilid ng pool.
"No" Sabay pa kami ni Timmy.
"Sabi ko...Timmy stop!" Sinasabuyan kasi siya ni Timmy ng tubig.
"Maligo kana din Honey" Saka siya binuhat ni daddy at nagpatilapon sila sa pool.
Tawa nalang kami ni Timmy ng tumili si mommy sa gulat.
"Sorry Honey" Saka niyakap ni daddy si mommy.
Kumalambitin si Timmy sa leeg ni daddy sa likod niya.
"Umuwi na si Harold mom?" Tanung ko kay mommy.
"Oo may mga tatapusin pa kasi siyang mga report"
"Bakit diko alam mom?"
Nagkatinginan sila ni daddy.
"You're not asking son"
"Pero bakit di ko ata nakikitang pumapasok si mommy?"
"Dahil dito sa bahay ang opisina ng mommy niyo. Bakit pa niya kailangan pumasok kung puwede naman dito sa bahay. Pumapasok lang siya pag may importanteng gagawin siya"
"Ah kaya pala"
"Sir Nate nandito na si Anya. Nahiyang pumunta dito"
"Sige kuya ako nalang pupunta don"
"May lakad ba kayo anak?" Tanung ni dad.
"Wala dad. May pag uusapan lang kami na gagawin niya dad" Saka na ako umahon.
"Ako na po" Ako ng nagsuot ng roba saka pinuntahan si Anya.
"Sir" Tumayo ito ng makita ako.
"Sit down Anya" Saka ako umupo sa tabi niya ng umupo siya.
"May nakausap na po ako na mag aayos ng bahay nila. Mga materyales nakapag canvass narin ako. Heto ang lahat ng cost pati labor narin ng mga mag aayos"
BINABASA MO ANG
The Lost Successor And His Fate
General FictionFate of The Lost Successor and his Long way to the Truth and Love. Hindi interesado si Jimmy malaman ang tunay niyang pagkatao. Ni malaman ang tunay nitong mga magulang. Iniwan ni Jimmy ang kinalakihang pamilya para magtrabaho sa maynila para isalba...