ASL Chapter 1

509 5 2
                                    

Kung may mga maling grammar or errors, pagpasensyahan nyo na po. Salamat!! Follow me in Twitter/Instagram: @Lemuel_Adrian   :)

Chapter 1

"Lucas Pangilinan Jr from the College of Management!" Tinawag na pangalan ko, aakyat na ako sa entablado, sa wakas tapos na pagpupuyat ko sa thesis, di ko na makikita yung terorista kong adviser, ayoko ng magmemorize ng kung anu ano para lang makapasa sa exam tapos di din naman magagamit in real life. Yes!! Magkakatrabaho na ako!! Magkakapera na ako!! Pwede na akong magkapostpaid. Unli text and call na ako forever!! Yesssss!! Graduate na ako!! Batch 2013!! Weeeeeeeeeeh!! Salamat Lord!

Tuwang tuwa lang po ako kasi graduate na ako. Pagbigyan nyo na. Hehehe. Anyways, ako si Lucas, pwede nyo kong tawaging Luke or Cas. 21 years old, fresh na fresh, taga Fairview QC. Mabait daw ako sabi nila kaso sabi naman ng iba eh hindi daw. So confused ako kung mabait ba talaga ako o hindi. Pero tingin ko talaga ang gwapo ko. Sa paningin ko ang gwapo-gwapo ko talaga. Shet ang gwapo ko lang. Hahahaha. Pero pagbigyan nyo na. Hehehehe. Nabully kasi ako nung kabataan ko. Sa sobrang kapangitan ko, tinawag akong baboy o unggoy. Tapos sa sobrang katabaan ko pa eh naalala ko pang tinawag akong Majin Boo. Shet ang pangit ko lang nung bata ako. Di ko matanggap. "Baboy na nga, unngoy pa!!" sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. So habang tumatanda na ako eh inimprove ko yung sarili ko. Nagdiet ako. Inayos ko yung pananamit ko. So ang gwapo ko na. Hehehehe.

"Hey Mr. Lucas Pangilinan Jr!" tawag ng Mama ko sa akin habang tinitingnan ko yung diploma kong fake. "Congratulations Anak! Meron na kaming napatapos. Sobrang proud kami ng Papa mo sayo." sabi ng Mama ko habang kaholding hands ang Papa ko na naka wheelchair. Yes, naka wheelchair po ang Papa ko. Pero wala po syang cancer okay? Nabangga yung dinadrive nyang kotse. Unfortunately, yung mga paa nya yung napuruhan so kinailangang putolin. After nung accident, yung Mama ko na nagtake over ng lahat. Proud ako sa Mama at Papa ko, kahit na ganito lang kami eh di kami naghihirap. Naibigay nila sa akin lahat ng kelangan ko mapa emotional or financial man. "Thank you Ma. Thank you Pa. I love you both po." saad ko sabay yakap sa kanila. "Ohhh, tama na yang yakapan. Basta umuwi ka mamaya Lucas. May gift kami sayo sa bahay." sabi ng Papa ko.

"Parang gusto ko yan ahh." sagot ko sa Papa ko. "Sige pa, uuwi ako mamaya ng maaga pero pupunta lang ako sa party ng class namin muna."

"Sige. Nagpahanda na ako ng kaunting salu-salo later. So I want you to go home early. Okay? You can bring your bestfriend Trevor later if you want." sabi ng mama ko.

"Alright ma. See you later. I love you." sabay bigay sa kasambahay namin yung bag tsaka toga ko. So ayun umalis na ako.

Tumunog yung ringtone ng phone ko. Nagtext si Rhianne "Hi Babe! Congrats on your graduation. Are you ready for party.......with me? Just with me. You know my address. You know the drill." Wow aahhh. Sa panahon ngayon yung babae na yung nagyayaya sa lalake. Sa panahon ngayon marami ng santa santita. Yung tipong sa tingin mo di pa nabubutas pero yung katotohan eh butas na butas na. Sa loob ang kulo. Sila yung mga babaeng palaban at strong daw pero masarap magmahal. Pero hindi din, kung totoo yan eh di sana jinowa ko na sya noon pa. Nakakaturn off no?

Tok! Tok! Tok! Kumatok ako sa pintuan ng kwarto ni Rhianne. Okay, pumunta ako sa bahay nya. Hahahaha. "Hi Babe, I thought you're not coming kasi di ka nagrereply."

"Wala kasi akong load kaya di na ako nakapagreply" sagot ko sa kanya.

"Bakit mo naman naisipan pumunta dito instead of your graduation party?" tanong ni Rhianne.

"Well, I think you know the answer to your question. I know the drill right? So lets start the drill, shall we?" sabi ko sabay buhat papunta sa kama nya.

So nagstart na yung fire drill. Kelangan ko pa bang i-explain? Hahahahaha. Yes, we did it that day. Pagbigyan nyo na ako. Bata ako, fresh, mapusok, marupok, maharot. Gusto ko maranasan yung normal na ginagawa ng mga adults. So this is it. Walang commitment. Sex lang. Well, maganda naman si Rhianne kaso she's not the right fit for me. And I think the feeling is mutual. Laro lang muna. Pareho kasi kaming di pa ready. Takot din akong masaktan, so as much as possible gusto ko na ako yung iniiyakan or hinahabol palagi. Gwapo ko lang no? Sarap lang. Hahahaha. Pero seryosong usapan, wala pa sigurong deserving na babae sa puso ko. Dadating at dadating din ang panahon at mahahanap ko din ang taong magpapatino sakin.

Ang Story ni LucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon