ASL Chapter 13

101 2 0
                                    

Chapter 13

 

“Cheers!” sabi ni Andrea habang nakaupo sa maliit kong sofa. Yep, nasundo ko na siya sa from megamall. Namili kami ng kung ano anu dun kanina, syempre ng paborito naming beer para sa inuman. Pagkatapos naming mamili eh umuwi na kami dito sa condo ko.

“Cheers! “ sabi ko sabay inum sa beer na hawak ko. “So how was your day Miss Aning?” tanong ko sa kanya.

“Okay lang naman. Same same lang. Busy day at school as usual. And then..... uhhhm..” biglang natigilan siya sa sinasabi niya.

“And then what?” tanong ko.

“Naku, wala. Wala yun.” sabi niya.

“You know what, ang hilig mong mambitin no?” sabi ko sa kanya.

“Eh wala naman talaga.” nakatawa niyang sabi sakin.

“Okay. Masyado kang secretive. Konting konti lang yung alam ko sayo, pero sa akin parang alam mo na yata lahat. Well, di lahat pero almost.” pagrereklamo ko. “Kahit nga age mo hindi ko alam. Mag iisang buwan na tayong magkakilala, pero parang di pa kita kilala. Alam mo yun?” dagdag ko.

“Ayyy. May ganun? Hahahaha. Nakakatawa ka.” nakangisi niyang sabi. “Okay!! Age lang naman pala yung gusto mong malaman pero ang dami mong sinabi. Hahahaha.” nakatawa na talaga siya ngayon. “I’m 19 years old. Ohh ano pa? Ano pang gustong mong itanong?” tanong niya sa akin.

Uhhhhhhmmmm. Kung pwede ba kitang ligawan? Ugghhhhh. Kinakabahan ako. Nahihiya akong tanongin siya. Natotorpe ako pag kaharap ko siya. Ewan.  Siguro totoo nga yatang natotorpe ka sa taong gusto mong seryosohin. Shall I take the risk? What if mabasted ako? Well, okay lang. Kahit mabasted naman ako eehh parang hindi din kasi may nangyayari narin naman sa amin. Ayoko naman na nganga nalang yung abot ko sa kanya. Ligaw tingin lang? No way.

“Uhhhmmm. Pwede ka bang..... ano..” ooohhh Lucas. Chillax!!! Kaya ko to. “Pwede ka bang..... aaaaahh wala.” nakakainis no? Ewan. Di ko kaya.

“Oh see? Sinong nambibitin? Hahahahaha. Ewan ko sayo!!” sabi niyang nakatawa. May point nga naman siya. Nginitian ko nalang siya sabay inum ng alak.

Napansin ko na okay lang sa kanya kahit mabitin siya sa gusto kong sabihin. Yung tipong wala lang sa kanya. Yung parang wala lang sa kanya yung nagkikita kami palagi, na nagsisiping kami palagi, yung lumalabas or nagdedate kami. Ni maramdamang gusto ko siyang maging siyota eh di manlang niya napansin. Haaaaaayyy Andrea, pwedeng hiramin ko muna yang puso mo? Ipanghihilod ko lang. BATO EHH!!

Naubos na namin yung beer at si Andrea aayyy wala parin tigil sa kakadaldal. Pag lasing nga yata tong babaeng to eh unli talk na sya.

“Hahahahahaha. At yung  kaibigan ko na isa napaniginipan niya daw si Ai-Ai na nalalaglag yung damit habang nagcoconcert. Hahahahaha. Tapos pinipilit niya daw ayusin yung damit niya kaso yung kabilang dibdib naman yung lalabas. Hahahaha.” obviously eeehhh nakatawa siya habang kinikwento yun.

Hahaha. Yung moment na hindi naman talaga nakakatawa yung kwento niya pero matatawa ka nalang on how she delivered the story. Ang ligalig niya talaga kapag lasing. Nakakatuwa lang. Nakatawa parin siyang nagkukwento until she saw my necklace. Yung kuwintas na cross na nabili ko sa unisilver. Naalala ko noon na napatingin din siya sa kuwintas ko.

“Is there something wrong? Ano bang meron sa kuwintas ko? Sabi mo noon naalala mo yung Dad mo nung makita mo to.” sabi ko sabay hawak sa kuwintas ko.

Hindi ko alam pero yung maligalig na kausap ko eehhh parang naging malungkot na ngayon. Aning nga yata talaga to. Ano bang nangyari sa tatay niya?

“Uhhhmmm. May I know what happened to your dad?” curious na tanong ko sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Story ni LucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon