ASL Chapter 11

119 2 0
                                    

Chapter 11

~Ring ring ring........~ nagising ako sa tunog ng ringtone ng cellphone ko. Yung feeling na inaantok ka pa at di mo alam kung sasagutin mo ba yung tumatawag sayo o hindi. Pero di mo din naman matiis kasi baka may emergency. Bumangon na ako sa kama na masakit yung ulo. Nakapikit kong kinakapa yung table ko pero shiiiiiiiiiiiitttt!!!! Di ko kwarto to!!!! Wait!! Pakshet!! Oo nga pala, dito ako sa kwarto ni Andrea . Pero asan siya?

“Don’t tell me na iniwan mo ako ditong mag isa?” bulong ko sa sarili ko. Haaaaay. Iniwan nga ata ako sa kwarto. Anyways, nahagilap ko din sa wakas sa table ni Andrea yung cellphone ko na kanina pa ring ng ring. Si Trevor ang tumatawag.

“Hey bro? Wassup?” bati ko sa kanya na medyo inaantok pa.

“Heeeeeyyy bro!! Are you free for a party next Friday?” bati niya sa akin.

“What party?” tanong ko sa kanya.

“It’s a party para sa mga people like us you know.” sagot niya in  a lil bit or a very conyo way it is.

“Alright. I’ll see you then. But hey, may kwento ako sayo about this girl I......” I was gonna tell him about Andrea nang bigla niya akong ni-cut off.

“Bro, just tell me about that pag nagkita tayo. I gotta go. Bye!” sabi niya sa akin na medyo nagmamadali.

Ewan ko ba dun kay Trevor, palagi nalang nagmamadali. Tiningnan ko nalang yung orasan sa cellphone ko at 11:30am nap ala. Pero anyways, ang sakit ng ulo ko talaga. Nakahubad akong tumayo at kinuha yung mga damit ko. May nangyari sa amin ni Andrea. Pakshiyet! Pero anong nangyari kagabi? Bakit parang konti lang yung naaalala ko? But anyways, kung ano man yun eehh gusto ko yun. Shiyet, nakascore agad ako kay Andrea. Yung unexpected pa. Sarap! Kahit di ko maalala masyado eh alam ko na may nangyari sa amin. Pero bakit di ko masyadong maalala lahat. Yung alam ko lang is uminom kami ng beer tapos nag momol momol  tapos....ayyyyyy ewan.

Pero sayang, nagising ako na mag isa. Haayyy Andrea. Kung alam mo lang yung pangarap ko sa moment na to. Na sana pag gising ko sa umaga eh ikaw ang unang makita ko. Anyways, move on move on din. Palabas na sana ako sa mallit niyang kwarto nung mapansin ko na may sticky note na nakadikit sa pintuan niya.

~”Thank you for last night. Text mo nalang ako sa 0917....... PS Andrea”~ yan ang nakasulat dun sa papel.

“Thank you lang sasabihin mo sakin? Pagkatapos mo akong iwan na natutulog sa kwarto mo?” bulong ko sa sarili ko. “Oh sige you’re welcome” dagdag ko.

Lumabas na nga ako ng kwarto niya at dumiretso na sa labas ng unit. Grabe, parang kagabi lang eh plano ko lang kumain sa labas pero di na ako natuloy sa labas kasi iba na yung kinain ko. Hehehe. Bumalik na nga ako sa unit ko at dumiretso sa kwarto ko. Sa sobrang hilo ko pa eh humiga na muna ako. Habang nakatingin ako sa kisame ehhh bigla akong napangiti sabay sabi ng “Yesssss!!! Yes!!!!! Yessssss!!! Shet ka Lucas!! Ang galing galing mo!!” hahahahaha. Ngayon lang talaga nag synced in sa akin ang lahat. Pakshet. Akalain mo naman yun. Hahaha. Ayyy wait, may binigay na number sa akin si Andrea. Itetext ko ba sya? Nakakahiya. Pero sige itetext ko siya.

Kinuha ko yung cellphone ko at nagtype ng itetext ko sa kanya. ~Hello Andrea. Good morning~ aayyyy parang ang corny naman. Sandali erase erase erase!! ~Hi miss pretty. Kamusta? Lucas here.~  isesend ko na ba to? Bakit parang napaka-usual naman nung text ko?  Erase? Ayyy ewan. Sige tap send. Sent!!

“Ano kayang irereply niya?” tanong ko sa sarili ko na medyo excited. Weeeeeehh. 1st time ko actually na maexcite sa isang reply ng isang tao. Siguro isa ito sa mga sign na gusto mo ang isang tao kapag excited ka sa texts niya.

~Ding~ tunog ng cellphone ko. Pakshet may nagtext. Sandali. Ayyy si Trevor. Okay?

~Dude. Next Friday. Okay?~ panira naman tong si Trevor. Bahala ka nga jan. Ibang text ang hinihintay ko.

Umabot na ng isang oras ang paghihintay ko sa text ni Andrea pero wala parin akong narereceive. Sandali. Baka di ako nakakareceive ng text? Baka sira ang network? Pero naisip ko lang “Agad agad? Pag walang narereceive na text eh sira ang network agad?” oo nga naman. May point nga naman ako. Pero baka siya naman ang walang signal tapos di niya nareceive ang text ko? Ayyy ewan. Masyado akong nag iisip.

Since wala naman siyang text eehh nag isip nalang ako ng pwede kong gawin. Then I realized na gutom na nga ako, so the best thing to do is to cook. Yep, marunong ako magluto kasi palagi kong sinasamahan sa kusina ang mommy ko nung bata pa ako. Di man ako ganun kagaling pero pwede na akong magluto para sa sarili ko. Anyways, ako lang din naman ang kakain ng lulutoin ko so magrereklamo pa ba ako?

Dumating na ang 6pm. Nakapagluto na ako, nakakain na, at nakapaglinis na ng banyo pero wala paring text si Andrea. Siguro busy lang talaga siya. Pero hindi eehh, gusto ko siyang makausap. Gusto ko siyang makatext. Gusto ko siya. Oo, gustong gusto ko siya.

~Ding!~ tumunog ang cellphone ko, may nagtext. Paksheeeeet dre!! Si Andrea. Bwahahahahahaha. Nagtext siya!!

~Hi timang. Hahahaha. Sorry medyo busy sa school today. Tsaka sorry din kung iniwan kita sa kwarto kanina.~  sabi niya sa text niya. Ano ba naman yan? Bakit timang ang tawag niya sa akin? Aaaaaahhhhhh. Oo nga pala. Sandali, rereplyan ko tong aning aning na to.

~Hello aning!! Okay lang yun. Hahahahaha.~ text ko sa kanya habang nakangiti akong mag isa sa kwarto ko.

~Anong aning? Sobra ka na aaahh. Hmp.~ text niya sa akin.

~Ohh sorry na. Uuwi ka ba later? Kumain ka na ba? Kung hindi ka pa kumakain eehh wag ka ng dumiretso sa mcdonalds ah. Nagluto ako ng Adobo, if you want eh dalhan nalang kita sa unit mo~ pagyaya ko sa kanya.

~Oh sige ba. Basta kelangan matamis na medyo maalat yan ha. Pag di masarap yan naku humanda ka sa akin. At wag na wag mong lalagyan ng gayuma yan ha. Hahaha.~ sagot niya sa text ko.

~Hahahaha. Opo. Sige see you later.~ text ko sa kanya.

Gusto ko sa isang babae ang weird, makapal ang mukha, baliw, kalog at syempre may pagka-sira ulo. Kaya nga siguro gusto kita kasi totoo kang tao.

Ang Story ni LucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon