Chapter 10
“Ayyy sandali.” sabi niya. “kukuha lang ako ng pagkain mo ha.” dagdag niya.
“Uhhmm, okay” biglang nacut yung pagpapantasya ko sa kanya. Binitawan ko na yung pisngi nya at dumiretso na sya sa maliit nyang kitchen. Lasing na talaga tong babaeng to. Kasi naman mapifeel mo talaga pag lasing na yung isang tao. Yung the moves. You know? Pero shiyet, may urge na parang may gusto akong mangyari tonight. Dahil ba sa alak to or dahil sa crush ko lang talaga siya? Anyways, bahala na.
Nakangiti siyang bumalik sa sofa na may dalang adobong baboy. “Oh kumain ka na. Ako yung nag....” napatigil siya at parang bigla nalang siyang nalungkot ulit. Nakatingin siya sa suot kong kuwintas na cross na nabili ko sa unisilver noon pa. Alam mo yung mukha na parang may nagflashback? Ganun yung itsura niya ngayon. Yung moment na nung nakita niya yung kuwintas ko ehh naalala niyang sumakay sila ng tatay niya sa barko noon tapos nalunod yung barko. Dahil sinave siya ng tatay niya eh namatay ito at binigay ng tatay niya yung kuwintas as his memory. Pero naimbento ko lang yung kwento na yun sa isipan ko. Sana naman hindi ganun yung nangyari.
“Bakit? Uhhhmmm, bakit ka natigilan? Is there something wrong?” tanong ko.
“Ahhh wala, may ano. May naalala lang ako jan sa kuwintas mo.” sabi niya.
“Sino?” curious na ako now.
“Aaaahh, ano. Yung tatay ko.” Sagot nya.
Aaaayyy puta. Seryoso ba to? Napatingin ako sa kanya na gulat. Hahahaha. “Don’t tell me sumakay kayo ng barko?” sabi ko.
“Huh? Barko? Ewan ko sayo. Hahahahaha. Barko ka jan. Anong kinalaman ng barko sa kuwintas mo?” nakatawa niyang sabi. Ayan, mas okay yan. Mas okay na nakatawa lang siya. Pero napifeel ko na meron siyang gustong sabihin na something deeper. Yung napifeel mo na may mas deeper reason yung pag iinom nya ngayon. Pero bakit niya pinipigilan ang sarili niya? Siguro dahil di pa niya ako ganun kakilala kaya nahihiya pa siyang mag open sa akin.
“Alam mo kung nahihiya kang mag open sa akin eehh okay lang. Pero kung di mo na kaya eehh okay lang din kasi andito lang naman ako handang making sa drama ng buhay mo. Kanina pa ako naghihintay ng kwento mo, kung bakit ka nagpapakalasing pero lahat ng sagot mo puro safe. Ni konting details ng drama mo eeh di ko manlang narinig.” Pagrereklamo ko sa kanya. Di ko narin napigilan yung sarili ko. Epekto ng beer to.
“Okay ka rin no? Lakas ng loob. Hahahaha.” Nahihilo na yung mukha niya habang sinasabi niya iyon. “Gusto mo ba ako?” tanong niya sabay inom ng beer niya. Inubos niya ng straight yung natitirang laman ng bote niya.
“Wow. Paano mo naman nasabing gusto kita?” ang naging sagot ko. Pero hindi ba obvious na gusto kita?
“Kasi napifeel ko na gusto mo ako.” Sabi niya sa akin sabay tayo. Tumabi siya sa upoan ko at nilapit yung mukha niya sa mukha ko. Oh my goodness. Intense. Sige ilapit mo pa. “Gusto mo ba kong halikan?” tanong niya sa akin.
“Bakit? Gusto mo bang halikan kita?” sabi ko.
“Oo. Bakit ayaw mo?” sabi niya in a very teasing way. Nagulat ako sa sagot niya. Di ko ineexpect na siya pa mismo mag aaya sa gusto kong mangyari.
Hindi ko alam pero yung urge na gusto ko siyang halikan eehhh nasa pinaka-peak na. Hinawakan ko yung mga labi niya. “Gosh. You’re so beautiful.” Hindi ko napigilang sabihin iyon sa kanya habang nakatingin lang siya sa akin. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Pero shit gusto ko to. Unti unting nilalapitan ng labi ko ang mga labi niya. Yung feeling na nakaslowmo ang lahat. Yung parang nasa movie lang.
Naglapat na ang mga labi namin at gumanti narin siya ng halik. Ang lambot ng mga labi niya. Ang sarap sa pakiramdam na ewan. Yung mga halik na nag aalab. Yung halik na merong meaning. Yung halik na ngayon ko lang natikman.
Sabi nga nila, ang salitang “MEDYO” ay higit pa sa salitang “SOBRA”. Bakit? Kasi ang makasama ka ngayong gabi, “MEDYO” masaya lang naman ako. :)
BINABASA MO ANG
Ang Story ni Lucas
RomantiekThis is a tagalog-english romantic/comedy (drama in the future) story about a young boy named Lucas. He is about to enter the real world after graduation and is excited to face a new chapter of his life. He is a happy go lucky kid that enjoys playin...