Chapter 8
It’s been a week since the last time I saw her. Nakapagcreate na ako ng Instagram account at nafollow ko narin sya dun. Kaso hindi naman masyadong active yung account nya. Haaaaay Andrea..... Kelan kaya kita makakasabay sa elevator ulit? Or kelan kaya kita masasalubong sa unit 2124? Crush na crush ko talaga siya. Alam mo yung feeling na nag iimagine ka na siyota mo yung crush mo? Yung sweet kayo sa isa’t isa tapos momol momol. ;)
“Grrrrrrr. Magising ka nga Lucas!!” sabi ko sa sarili ko habang nakahiga sa kama ko. Pero totoo nga yata talagang ang crush ay parang hospital bill. Pag ang crush lumagpas na ng week eehhh hala ka mahal na yan. Pero hindi din, ni hindi ko nga siya ganun kakilala. Baka may putok siya? Or baka mabaho ang hininga? Pero parang hindi, ang ganda nya eeh. Naempacho lang siguro ako sa kanya. Alam mo yung empacho? Empachuation (Infatuation)? Sandali, macheck na nga lang yung instagram account nya ulit.
~“Yiz foh... #zelfie”~ teka, OMG. Oh my god, bakit ganun yung caption ng post nya sa instagram?
“Putragis, ang jejemon amputa.” sabi ko sarili ko.
“Lahat nalang ata ng nega nakita ko sa kanya pero bakit crush ko sya?” tanong ko sa sarili ko. Kasi naman parang di naman sya yung babaeng gusto ko talaga. Siguro totoo nga yata yung opposite attracts. Aaaayyy, parang mali. Sandali. Uhhhhhmmmmm, ay puta!!! Ginogoogle ko, ohhh tama ako. Opposite attracts. Lol.
It’s almost 9pm na, di ko manlang napansin ang oras. Di na ako nakapagluto ng dinner ko. Nasasayang tuloy yung mga binibili kong stock na meats sa ref kasi di ko nagagalaw. Alam mo yung sa sobrang boring mag isa sa bahay eh parang tinatamad ka nalang gumalaw. Sabi nga nila pag boring eh magselfie ka nalang. Well, yun nga ginawaa ko buong araw aside sa kakaimagine kay Andrea.
Anyways, dahil nalipasan na ako ng gutom eehh lalabas nalang ako para kumain. Nakakatamad ng magluto pa. Habang ako ay papunta ng elevator, naisip ko na mapapadaan na naman ako sa unit ni Andrea. Palaging sarado yun. Siguro yung last time na nakita kong bukas yun ehh yung day na pumasok sya dun nung nakasabay ko sya sa elevator. Siguro busy sya or baka may iba pa syang bahay na inuuwian.
Pero habang papalapit ako sa unit ni Andrea, nakita kong bukas ang pintuan. Naririnig ko sa labas yung music na pinapatugtog sa loob ng unit nya. Alam mo yung “A thousand years” ni Christina Perri, yung theme song ng movie na Twilight. Yun yung naririnig ko sa loob. Huminto ako sa gilid ng pintuan ng unit nya. Hindi ko alam kung sisilip ba ako o hindi. Titingnan ko lang naman kung andun ba sya. Malay mo, after a week makikita ko na ulit si crush ko.
“Huwag ka ng magtago jan sa gilid ng pintuan ko.” sabi ng isang babae sa loob.
Putragis naman, nakita ako. Napansin ko sa may bandang pintuan ay may isang malaking salamin na makikita yung reflection ko doon sa loob. Minsan din naman may pagka bobo din ako. Pero okay lang. Confirmed na andun nga sya. Umalis na ako dun sa giliid ng pintuan at nagpakita sa kanya.
“Uhhhhmm, sorry. Tinakot ba kita?” nahihiyang tanong ko sa kanya.
“Actually hindi. Lucas diba?” nakangiti nyang sagot. May hawak siyang beer at napifeel ko na lasing na siya kasi namumula na yung mukha nya. “Bakit ka tumitingin jan sa gilid ko? Iniistalk mo ako no?” nakangiti niya paring tanong sa akin.
“Ahhhh, ano. May ano kasi, nakita ko kasing bukas yung pintuan mo. Eh baka nakalimutan mo lang isara. Alam mo na, madaming magnanakaw nowadays.” palusot ko sa kanya.
“Weh? Hindi nga? For sure gusto mo lang akong makita.” confident na sabi nya.
“Aaaahhhh ano... Uhhhhmmm....” shit punyeta naman oohhhh, nawala na ako. So alam nya na crush ko sya? Siguro napapansin nya sa kilos ko?
“Crush mo ko no?” dagdag na tanong niya.
“Actually, medyo totoo. Hehe.” nahihiyang sabi ko sa kanya.
“Nakita ko nga yung post mo sa instagram eh. Pinost mo pa talaga yung picture ko na may caption na #crushie.” Dagdag nya.
Ayyy ampf, so ginagamit nya pala yung instagram nya. At nakita nya na pinost ko yung picture nya sa account ko. Nakakahiya.
“You wanna drink beer?” pagyaya nya. Sheeeeet. Niyaya niya akong uminom.
“Sure!” mabilis na sagot ko. “Kaso baka magalit ang kasama mo dito?” sabi ko.
“Wala. Wala akong kasama dito.” sabi nya.
Pinapasok niya ako at pinaupo sa maliit niyang sofa. Mas maliit yung unit niya kesa sa akin pero kompleto narin yung mga gamit niya. Nakita ko sa maliit niyang mesa na may dalawang bote ng beer na nakalagay doon. So nakainom na siya ng dalawang beer. May problema kaya siya? O sadyang lasinggera lang talaga siya?
“Bakit ka pala nasa labas kanina?” tanong niya.
“Wala. Ano. Lalabas sana ako para maghanap ng dinner.” sagot ko sa kanya.
“So di ka pa pala nagdidinner? Tapos iinom ka?” tanong niya ulit.
“Hindi. Ano. Uhhhhmmm, kaya ko naman eh. Nung student palang ako nasanay na akong uminom kahit walang kinakain.” sabi ko.
“Okay sabi mo eeh.” sabi nya sabay abot ng isang beer sa akin.
Kanina iniisip at pinagnanasaan ko lang siya. Ngayon kainuman ko na. Sabi nga nila kapag may alak, may balak. Let’s see. Game!!
BINABASA MO ANG
Ang Story ni Lucas
RomanceThis is a tagalog-english romantic/comedy (drama in the future) story about a young boy named Lucas. He is about to enter the real world after graduation and is excited to face a new chapter of his life. He is a happy go lucky kid that enjoys playin...