ASL Chapter 7

119 4 2
                                    

Chapter 7

Naramdaman or naranasan mo na bang makasakay yung crush mo sa elevator? Yung moment na di ka mapakali? Yung awkward kasi di mo alam yung gagawin mo? Yung feeling na kinikilig ka pero huwag magpapahalata? Yung moment na shiyet nagsesex na kami sa isipan ko? Okay, stop Lucas!!

~”Ding”~ tunog ng elevator. Habang pabukas ito eh nag iisip ako ng pwede kong sabihin/tanongin/landiin sa magandang kasama ko ngayon. “Uhhhm, gusto mo tulongan na kita sa mga dala mo? Baka nahihirapan ka?” mabilis na sabi ko. Shiyet, nagamit ko din yung utak ko sa wakas.

“Okay lang ba?” OMG, nagtanong sya kung okay lang. Isa lang ibig sabihin nun, gusto nyang magpatulong.

“Oo naman. Okay na okay.” sagot ko.

“Bait naman. Diba Lu... Uhhmmm.. Luther? Tama ba?” inaalala nya yung pangalan ko.

“Ano ba yan. Kagabi ko lang sinabi yung pangalan ko tapos ngayon di mo na maalala.” pabiro kong sabi sa kanya. Pero shiyet di nya naalala yung name ko. Meaning hindi ganun kalakas ang impact ng kapogian ko sa kanya. Diyahe naman oh. Pakshet!

“Haha. Sorry na. Luna? Ludacris? Lumba luma? Lulu? Lurde? Lusviminda?” natatawa nyang tanong. Pero di ko talaga matanggap yung LURDE? Kilala nyo yung singer ng Royal? Hahahahaha. Royal tru orange. Hahahahaha. Peace.

“Last mo na yan aahh. Hahahaha. Binaboy mo naman ang pogi kong pangalan.” confident na sabi ko.

“Lakas ng loob. I like your confidence Lu.”  nakangiting sabi nya.

“Well that’s makes me who I am. Kelangan ko ng confidence lalo na pag may kaharap akong kasing equal ng pagkagandang lalake ko.” sabay kindat sa kanya.

“Wow. Stop melinyoing me.” sabi nya.

“What? Melinyoing?” tanong ko. Ano daw? Lentik. Conyo? Hahahaha.

“I mean, bagyong melinyo. Mahangin, mayabang. Ganun?” Booom!! Mayabang daw? Huhuhuhu.

“Grabe ka naman. Iba naman yung nagyayabang sa nagsasabi ng katotohanan.” Confident na sagot ko.

“In fairness. Consistent mo Mr Lu!” nakangiting sagot nya. At bakit sa lahat ba naman ng name eh LU pa yung naisipan nyang name ko.

“Oh sige, dahil gusto mong malaman ang name ko. Magpapakilala na ako. Stop calling me Lu. Okay? Lucas is way better. Or Luke. Kahit anong itawag mo sakin huwag lang talaga yung Lu.” oo nga naman. Parang di bagay sakin yung Lu.

“Okay Lu.” nyeta naman. Ang tigas ng ulo ng babaeng to. Pero okay lang. Ganda nya naman. “Anyways, andito na tayo sa labas ng unit ko. Thank you sa pagtulong sakin ah.” Aaaahhhh nice. Unit 2124 sya. Pag sinwerte ka nga naman oohhh. Unit 2136 naman ako.

“Walang anuman. Basta pag may kelangan ka eh sa unit 2136 lang ako. Okay?” sabi ko.

“Sige. Sabi mo eh.” sagot nya.

“Pwede ko bang malaman ang last name mo?” pahabol ko na tanong. “I mean, uhhhhm, for ano. Uhhhhm, sa facebook sana. You know....” medyo nahihiya kong tanong sa kanya.

“Just follow me nalang sa instagram its.......” ayun na nga. Binigay nya sakin yung instagram account nya. Pero patay!! Wala akong instagram!!

Oh well, sabi nga nila pag nangangati eh kamutin. Pag di mo kayang kamutin mag isa eh di maghanap ng kakamut. Kapag wala, eh di gumawa ng instagram account. Brilliant idea. Lesdodis!!!

Ang Story ni LucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon