ASL Chapter 5

154 4 6
                                    

Chapter 5

“Isa pong chicken fillet with rice tsaka coke float.” yan ang order ko habang nakapila sa couter. Di naman obvious kung san ako napadpad diba? Well, mas gusto ko po talaga sa Jollibee kaso McDonalds lang yung nakita ko dito sa loob ng Eastwood City Mall. Siguro meron ding Jollibee dito kaso di ko lang siguro naeexplore pa yung lugar.

Habang naghihintay ako ng order ko sa counter, may isang matangkad na girl ang umoorder naman sa kabilang counter. Well, matangkad sya kaso nahihiya akong tumingin kung anong itsura nya. So yung gilid lang nya yung nakikita ko.  Pero hindi eehh, gusto kong makita yung mukha nya so dahan dahan akong titingin sa gilid ko. Kunwari naghahanap ng table. Ayan na, titingnan ko na. Shiiiitttt!!! Nakatagilid din sya so di ko din makikita yung mukha nya. Yung hair nya lang na medjo curly yung nakikita ko at ang party girl na peg nyang pananamit. Meron syang dalang bag na halatang laptop yung laman. At wow aaahhh. In fairness sexy sya. Wooooot!

“Isa nga pong large fries, one piece chicken with extra rice, isang spaghetti, tsaka coke float po. Lagyan mo narin ng regular coke yung spaghetti.” naririnig ko syang umoorder sa kabilang counter.

Ayyyy!! Ano ba yan. May kasama sya. Isang coke at isang coke float ang inorder nya so its either kaibigan nya or boyfriend nya yung kasama nya. Or baka family nya? Well, tingnan natin.

So naibigay na yung inorder ko, syempre naghanap na ako ng pwesto. At syempre sa pinakagilid at pinakasulok ang gusto ko para walang istorbo sa mga dumadaan na kung sino sino. Malaki yung space nung napwestohan ko kasi walang halos gustong umupo dun.  Anyways, habang sinisimulan ko na paglamon ko sa inorder ko eh napansin ko na may pumwestong customer sa harap na table ko pero di ko na pinansin nung una kasi gutom na ako. Nung tiningnan ko na, sheeeettt, yung babaeng matangkad na kulot ang buhok ang nasa harapan ko. Pakshet nakatalikod naman sya ngayon. Wala ba talagang chance para makita ko yung mukha ng punyetang hipon na to? Well, nag aasume na ako na hipon sya kasi di ko pa naman nakikita yung mukha nya. Teka, asan ang kasama nya? Don’t tell me? Ohhhh my god!! Sya kakain lahat ng inorder nya? What the!! Seryoso ba to? Ohhhh mahabaging diyos!! Patayin nyo na ako. Hahahahaha.

“Buuurrrrp.” narinig ko sa kabilang table.

Pakeningshet!! What did I just heard? A loud burp from that girl in front of me? Ohhhh my god!! Kill me!! Lord, kill meeeeeee!! Hahahaha.

Well, may mga tao talaga sa mundo na hindi tugma ang itsura nila sa pagkatao nila. Ika nga, don’t judge the book by its cover. Looks can be deceiving. Yun nay yun!

Sa sobrang pagkaturn off ko sa kanya eh nawala na yung gana kong makita yung mukha nya. Pero parang gusto ko parin. Hehehehehe.  Curious lang talaga ako. Sabi ko na sa inyo eh, magulo akong kausap. So naghintay akong matapos sya sa kinakain nya. Habang tumatagal, narerealize ko na hindi din naman ganun kadami yung kinain nya. In fairness kaya ko din naming kumain ng one piece chicken with extra rice, one large fries, one spaghetti, isang coke float, at isang regular coke. Ayyyy, oo nga madami nga talaga. Sige turn off na talaga ako. Hahahaha.

Biglang tumunog yung alarm ng iPhone ko. Naalala ko nga pala, sinet ko yung alarm kasi akala ko makakatulog ako kanina. Pero bwisit hindi ko makita kung san ko napasok yung phone ko. Halukay ube ako sa bag ko para mapatay ko na yung lintek na alarm ko. Grrrrrrrrrrrrr. Di ko talaga makita.

“Excuse me.” bati ng isang babae.

Napatingin ako ng biglang..... Holy sheeeeet!! Oh my god!!  Ang ganda ng babaeng bumati sa akin.  Yung feeling na umalis for 5 seconds yung kaluluwa mo. Yung feeling na tulog ka at tumulo yung laway mo. Yung feeling na tinigasan ka habang naglalakad sa kanto. Yung feeling na patay ka na pero buhay ka pa. Ohh my god!! Tumigil yung mundo ko for about 5 seconds. Ok sige, 3 seconds. Yung tipong nagbuffer yung utak ko. Loooooooaaaaaaaaaddddddddddiiiiiinnnnnnggggggg.... 3 seconds yun.

“Yes po?” magalang na sagot ko.

“Pwede pong makisaksak?” tanong ni pretty girl.

“Uhhh. Uhhhmmm. Anong isasaksak? I mean. Ano. Uhhhm. Saan? “ medyo nawala ako ng very very light lang.

“Yung charger ng laptop ko. Pwedeng pasaksak jan sa saksakan sa ilalim ng table mo?” sabay turo sa ilalim ng table ko.

“Uhhhm, sige sure. Aalis narin naman ako eh. Tapos na ako.” sagot ko sa kanya. Sheeeet naman Lucas!! Bakit sinabi mong aalis ka na? Nyeta naman!!

So papanindigan ko na. Aayosin ko na yung mga gamit ko at aalis nalang. Haaaaaaay. Sayang yung pogi points.

“Thank you kuya ha.” sabi nya habang nililipat mga gamit nya sa table ko.

“Hindi. Okay lang yun. Paalis narin naman talaga ako.” medyo liar po ako. Haist. Sayang. Kahit manlang name nya di ko makukuha.

“Bait naman. Thank you ulit......” sabi nya sabay hand sign na parang tinatanong nya yung name ko.

“Luke... Yeah, you can call me Luke.”

“Ayun. Thanks Luke.” pasasalamat nya. Sheeeet tatanongin ko ba sya ng name nya? “Andrea pala.”

OMG! Did she just mention her name? Wow. Hahahaha. Cloud 9. Last name please? Hahahahaha.

“You’re welcome Andrea.” sagot ko. Umalis narin ako. Pero in fairness ahhh, nawala yung turn off ko sa kanya. Yabang ko pa kanina, don’t judge the book by its cover pa ako. Ulol ako!! Hahahaha. 

Ang Story ni LucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon