Chapter 2
"Dito na ako sa labas ng bahay ni Rhianne, Luke ang tagal mo naman!” reklamo ni Trevor habang kausap ko sa cellphone.
"Sandali lang dude pababa na ako. Sige na takits." sabi ko habang inaayos ko ang damit ko.
Nung paalis na ako biglang napasigaw si Rhianne "Ooops!!! Yung kiss ko?". Sa sobrang pagmamadali ko eh nag flying kiss nalang ako sa kanya sabay diretso sa labas ng bahay. Yun yung sign ng “friendship” namin. Kung di kaya ng tunay na kiss, eh di idaan nalang sa flying kiss. Kami yung perfect example ng friendzone. Ginagawa namin lahat ng ginagawa ng mag asawa sa loob ng kwarto pero magkaibigan lang kami. Nagsesex kami pero magkaibigan lang kami. Nagdedate kami from time to time pero magkaibigan lang kami. Hanggang dun lang yun. Magkaibigan lang po kami.
Nakita ko si Trevor na nakangiti at medyo may kung anong gustong sabihin. "Hahahahaha. So pinagpalit mo talaga yung class party natin para jan sa Rhianne na yan ah? Alam ba to nila tita?"
"Malamang hindi. And don't you dare tell them. Alam mo naman. Hahahahaha." sabi ko.
"Dude, its 2013 na! Tsaka 21 years old ka na. Di ka na bata. Ako alam ng parents ko na nakikipagsex na ako. Malamang alam narin nila na nakikipagsex ka. Hahahaha. Ikaw loser ka. Tingnan mo naka Samsung S3 ka nga pero wala ka namang load. Lumalaki tuloy yung bill ko sa plan sa kakatawag sayo." pagmamayabang nya habang nagdadrive ng kotse nya.
"Ok sorry na dude". Sagot ko sa mayabang ko na best friend. Matagal ko ng kaibigan si Trevor Careon. Kinder palang kami eh magkaklase na kami kaso pumunta sila ng family nya sa US nung Grade 3 kami. Bumalik sila ulit nung High School na ako at syempre iisa lang ulit school namin until mag college na kami. Mayaman ang family nila Trevor kaya siguro mayabang yung mokong. Well naniniwala nga naman talaga ako na magyabang or umarte ka ng naaayon sa itsura at sa laman ng bulsa. Sa case ni Trevor, may karapatan naman syang magyabang talaga.
Nakarating na kami ng bahay at sinalubong kami ng Mama ko "Good thing at sumama ka Trevor. It’s been a while since I saw you.”
“Yes tita, wala din namang celebration sa bahay so I’d rather come here .” sagot nya sa Mama ko sabay halik sa pisngi.
“Oh magbihis ka na muna Luke sa kwarto mo para naman di ka haggard. Ano bang ginawa mong bata ka sa party nyo?” tanong ng Mama ko.
Medyo nagblush ako. Nakakahiya naman kay Mama. Yung totoo Ma, gusto mo talagang malaman? Hahahaha. Weh? Di nga? Hahahaha. Natawa nalang ako sa isip ko. “Nagparty ma. Syempre gumalaw galaw.” sagot ko na medyo di makatingin ng diretso. Napakaloser ko sa pagsisinungaling talaga.
“Oo nga tita eh. Ang galaw galaw ni Luke sa party. Masaya po kasi yung party na pinuntahan nya. Maraming paputok.” dagdag ng punyeta kong bestfriend habang nakatingin na nakangiti sa akin.
“Oo ma, maraming pumutok, este paputok kaya medyo haggard.” pakshet this life. Hahaha. Lord patawarin mo na ako. Alam ko naman yung THOU SHALL NOT LIE sa 10 commandments pero lord... ayun nawala yung naiisip ko. Basta Lord sorry na ha.
Pumasok na kaming dalawa sa kwarto ko. Magbihis na ako para sa salu salo. Diretso naman sa laptop ko si Trevor.
“Pagamit ng laptop mo Luke, I’ll just check my facebook.”
“Sure. So kamusta na palang pinopormahan mong chicks? Yung pinakita mo sa facebook mo last time. Kayo na ba nun?” tanong ko habang naghahanap ng damit na pwede kong isuot.
“Yeah. I’m done with her. I have a new thing now. C’mon here. Look, maganda ba sya?” tanong ni Trevor habang turo sa facebook screen yung babaeng may name na Stacy Delgado.
Well, sa dami ba naman ng magagandang nakikita ko eh parang generic nalang sya. Kumbaga dito sa Maynila, lumabas ka lang ng bahay nyo eh may makikita ka ng maganda. Pare pareho lang ugali nila. Pare pareho lang hanap nila. Kumbaga ang magaganda para lang sa gwapo. Pero minsan din naman eh ang magaganda para lang sa mayayaman. Well, kumbaga it’s a win/win situation. Pero ano bang pinaglalaban ko? Hahaha. “She’s fine. She looks pretty. But nothing much.” sagot ko.
“Well, I saw her sa event ng friend ko na photographer. She’s doing photoshoots and modeling and all that. Pero she’s still a student. I think you’ll like her.” dagdag nya.
“What do you mean?” tanong ko.
“I mean, pwede mo syang idate or ligawan if gusto mo.”
“Eh diba sabi mo she’s your new thing?”
“It’s not a big deal bro. Maraming isda sa dagat. Kelangan mo lang ng lambat.” sabay kindat sakin ng bestfriend ko.
“Hahahahaha. Ang hilig mo sa isda. Ang langsa mo.” patawa kong sagot sa kanya.
“Okay lang ang malangsa, wag lang malibog. Hahahahaha.”
Natawa nalang kaming dalawa ni Trevor. Nagpatuloy na ako sa pagbibihis habang patuloy parin ang pagbabrowse ng facebook at ibang social networking accounts nya.
After kong magbihis, bumaba na kami para sa salu-salong hinanda ng family ko for our Graduation..
BINABASA MO ANG
Ang Story ni Lucas
RomanceThis is a tagalog-english romantic/comedy (drama in the future) story about a young boy named Lucas. He is about to enter the real world after graduation and is excited to face a new chapter of his life. He is a happy go lucky kid that enjoys playin...