Chapter 4
Finally, today lilipat na ako sa new address ko. From QC to another part of QC. Welcome eastwood life. New condo, new house. Well, to endings and new begginings. Sobrang saya ng student life ko pero I ended my student life from that day I went up to that stage with my toga. New beginings, new career. Well, ito na yung part ng life ko na finally magiging responsible na ako.
“Haaaaaaay. I’ll miss my room.” bulong ko sa sarili ko habang pinagdadrive ako ni manong Chito papunta sa new condo ko.
“Wag kayung mag alala ser, sabi ba ni mam Lendah (Linda talaga dapat yun) mag aayos parin ang rom nyo ba. Di magagalaw ang imung gamit duun” sagot ni manong Chito in a very Visayan accent. In fairness kay Manong Chito, matagal na syang nagwowork sa amin bilang driver. Simula nung maaksidente si Papa eh sya na ang all around driver namin. Kaso minsan nagugulohan ako sa accent nya.
“May nubya ka na ba ser? Kasi matagal na aku nagtrabaho sa inyoba peru wala ko nakitang may nubya ka gindala sa bahay nyu,” tanong ni manong sakin.
“Wala kuya eh.” diretsong sagot ko sa kanya.
“Wag nyung sabehin ser ni berjin pa kayu?” natanong nya.
“Ikaw pa talaga nagtanong nyan manong ha.” medyo natatawang sagot ko.
“Eh di nagmamasterbet lang kayu ser nyan?” napatawa narin sya sa tanong nya.
“Oo kuya nagmamasterbet ako. Masterbet!! Masarap magmasterbet!! Sige masterbet pa!! Hahahahaha.” pajoke kong sagot sa kanya. Natawa nalang kami pareho sa kotse. Pero hindi ehh, di talaga ako maka get over sa masterbet!! Ohhhhhaaaa!! MASTERBETTTTT!!! Hahahahahahahaha.
Dumating na nga kami sa eastwood at finally nailipat narin ng delivery ang mga gamit ko. Almost whole day kong inayos yung condo para naman magmukhang presentable. Nalipasan narin ako ng oras at napansin ko na gabi na pala.
“Sa wakas!! “ bulong ko sa sarili ko. “Naayos ko na mga kelangan ayusin. Haaaaay.” sabi ko sa sarili ko. Parang excited ko lang nung mga nakaraang araw kasi lilipat na ako ng condo pero ngayong nakalipat na ako parang ang lungkot naman. Buhay nga naman. Pag wala, ginugusto. Pag nakuha na, inaayawan na. Pero hindi naman siguro sa ayaw ko na dito sa condo. Nahohomesick lang siguro ako. Kaya ko to. Dapat responsible na ako.
Nagmomoment ako nung biglang nag ring ang iPhone ko, ito yung postpaid na niregalo ng parents ko. Tumatawag sila Mama. “Hello ma? Napatawag ka?” bati ko sa telepono?
“Oh anak, kamusta yung first day mo jan?” inaasahan ko na talaga ang tanong na to. Siguro naman kahit sinong magulang magtatanong sa 1st day ng kahit na anong ginawa mo sa buhay mo. Yung di lang siguro alam ng Mama ko is kung kamusta yung 1st sex ko. Hahahahaha.
“Okay naman ma. Nakakapagod pero nakakahomesick din.” sabi ko na medyo pasweet.
“Wag kang mag alala anak. Masasanay ka naman pagdating ng araw. Tsaka QC lang ang Eastwood, QC din naman ang Fairview. Pwede kang umuwi dito kahit araw arawin mo pa.”
Wushooooo. Yung Mama ko nagbibigay ng idea na umuwi ako dun araw araw sa house namin. For sure namimiss nya narin ako. Hahahahaha.
“Oh sige ma. Salamat Ma aahh. Bukas may pupuntahan pala akong interview dito sa may eastwood lang. C all center company sya. Try ko lang na puntahan at baka makuha ako.” paalam ko sa Mama ko.
“Ikaw na bahala anak. Malaki ka na so dapat alam mo na kung saan ka magtratrabaho.”
“Sige Ma. Salamat po. I love you”
“Sige na anak. I love you din. Bye na.” ayun natapos din ang pangangamusta ng Mama ko.
Medyo naka feel na ako ng gutom so naghanap na ako ng pagkain. Unfortunately, walang laman ang ref ko. Hindi pa pala ako nakakapamili ng groceries so I decided to go out para mamili at para kumain narin. Dumiretso na ako sa eastwood mall para mag-grocery. In fairness sa lugar na nilipatan ko, maganda sya. Accessible sa lahat. Bababa ka lang ng elevator and charaaaaannnn ayan na lahat ng establishments na kelangan mo. Amazing. Pero sobrang pagod at gutom ko na talaga. Ikaw ba naman mag ayos ng bahay ng isang buong araw tapos di pa nakakakain, jusko mutant na ako. Then I saw a restaurant. Game!!!
BINABASA MO ANG
Ang Story ni Lucas
RomanceThis is a tagalog-english romantic/comedy (drama in the future) story about a young boy named Lucas. He is about to enter the real world after graduation and is excited to face a new chapter of his life. He is a happy go lucky kid that enjoys playin...