Chapter 12
“Sarap naman.” sabi ni Andrea habang kumakain ng adobo ko. Halos patapos na siya sa kinakain niya at halos inubos niya rin yung isang Tupperware ng chicken adobo na dala ko.
“Alam ko. Luto ko yan so dapat masarap yan.” pagmamayabang ko sa kanya. Nakatitig lang ako habang sarap na sarap siya sa luto ko. Ang lakas naman kumain ng babaeng to.
“Eh ako masarap ba?” sabay kindat nyang tanong sa akin.
Diretsahan? Hahahaha. Nagugulat nalang ako sa mga tanong ng babaeng to. Walang pakundangan, pero gusto ko yun.
“Uhhhmm, anong masarap ka? Anong ano... uhhhhm...” actually nawala ako talaga sa tanong niya. Hahahaha. Naghahanap ako ng words na gustong sabihin pero wala ehh. Mental block ako.
“Huwag ka ngang magmalinis na di mo alam eh kagabi lang tinikman mo ako. Wag ka nga jan!” nakatawa niyang sabi sa akin. Nilapag niya narin yung plato niya kasi tapos na siyang kumain.
“Ginugulat mo naman kasi ako sa mga tanong mo. Hinay hinay lang.” sabi ko.
“Okay. Anyways, thank you for the food Mr Lucas.” sabay lapit sa akin. Nakatingin lang siya sa mukha ko. Yung tipong may balak na kung ano. Pero kung ano man yun, parang gusto ko yun. “Actually, you’re cute.” sabi niya sa akin.
“I know.” sagot ko sa kanya. Nakipagtitigan narin ako sa kanya. Sige Lucas!! Fight fight fight sa titigan challenge.
“I like you. I mean..... I like your fighting spirit.” nakangiti niyang sabi sa akin.
“Well, a pretty girl like you deserves a pretty boy like me.” sabi ko habang nakatitig parin sa kanya.
Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Yung tipong 1 inch away yung pagitan ng mukha namin. Yung halos magkalapat ng yung labi namin. Yung abot kamay mo na yung langit. INTENSE!!
“A pretty girl like me, wants a pretty boy like you.” sinabi niya yun in her sexiest way. Huwwwwwwaaaww!! Yung feeling ko tumayo lahat....... ng balahibo ko. Sabay hawak sa abs ko, okay sige tiyan ko, at unti unti niyang nilalapit ang mga labi niya sa...... cheeks ko. Huh? Bakit sa cheeks? Sabay bulong sa akin ng “Magto-toothbrush muna ako. Hehehe.”
Napangiti ako. Alam mo yung hanggang tengang ngiti? Yun na yun. Anyways, pumunta na nga sa rest room niya si Andrea. Ako naman eh dumiretso na sa kwarto niya. Siguro naman alam niyo na yun. Matatanda na tayo guys. So alam niyo na yun. You know. Hehehehe.
Pero bakit ganun? Parang mali pero gusto ko parin. Totoo nga yatang masarap ang bawal. Haaaaaaaay. Kasi yung gusto ko is yung may getting to know ach other stage muna tapos mag-dedate, manonood ng sine, kakain sa labas, holding hands while walking, mag PDA sa kung saan saan, yung parang alam mo na yun. Another Rhiane lang ba si Andrea sa buhay ko? Pero hindi eh. Iba kasi yung nararamdaman ko kapag si Andrea ang kasama ko. Alam mo yung feeling na kapag si Rhiane eehh ang tingin ko lang sa kanya is a sex buddy, no commitment, friends, yung parang ganun lang? Pag si Andrea ang kasama ko eehh may excitement palagi. Yung tipong gusto mo siyang makita or makasama palagi. Yung nakikita mo yung future mo with her. Alam mo yun? Haaaaaaaaaay
Naging ganun yung setup namin ni Andrea. Tumagal ng 1 week, 2weeks, 3 weeks, 4 weeks and almost a month now. Nagkakatext kami, nagkikita sa unit niya, lumalabas din kahit paminsan minsan pero sobrang dalang lang. Most of the time is nagkikita lang kami sa unit niya. Parang hindi okay pero okay lang kasi yun ang gusto niya. Wala naman akong magagawa kasi hindi naman kami. Pero ano nga ba kami? Alam mo yung nagugulohan ako kung kami na ba o hindi o talagang we’re just young people playing around each other. Alam mo yun? Pero ang tanong ko din sa sarili ko is “Niligawan ko ba siya?”.
Oo nga no. Niligawan ko nga ba siya? Paano magiging kami kung di ko siya tinatanong kung pwede akong manligaw sa kanya? Ang tanga tanga ko talaga. Okay, this is it. I’ll ask her. Nagmamadali kong kinuha yung phone ko at nagtype ng message....
~Hi Aning! :) ~ paunang text ko sa kanya. Yun na yung endearment ko sa kanya. Hehehehe. Kasi naman yung tawag niya sa akin is....
~Yes Timang?~ reply niya sa text ko. Ohhh, alam mo na?
~Magkita naman tayo later?~ sabi ko sa kanya.
~Magkita na tayo ngayon. :)~ sabi niya. Medyo nagulat naman ako ng konti. Agad agad? Habang nagtatype ako ng reply ko sa kanya eh nakareceive ulit ako ng text from her.
~Puntahan mo ako dito sa megamall. Magkita tayo. Tapos lets drink later jan sa unit mo, you want?~ pagyaya niya sa akin. Wow. Want na want.
~Sure. Magbibihis na ako at pupuntahan kita jan.~ reply ko sa kanya.
Nagmadali na nga ako. Naligo, nagbihis at nagpagwapo siyempre. Nag ayos narin ako ng mga gamit sa loob ng unit ko kasi alam kong pupunta si Andrea later sa unit ko.
Nung naayos ko na lahat ng dapat ayusin eeh lumabas na ako ng unit ko. Pagbukas ko ng pintuan ko eh nagulat ako kasi andun yung Mama ko. May dalang maliit na bag at parang wala sa sarili.
“Ma? Bakit ka nandito?” tanong ko sa kanya na medyo gulat.
“Anak, pwede bang dito na muna ako sayo?” sabi ng Mama ko.
“Ma, uuhhhmmm. Ano. Uhhhhmmmmm bakit?” ooohhh no. Paano na to? Pupunta si Andrea later eehh. Haaaaay naku. Medyo nairita ako ng konti.
“Basta anak, dito muna ako matutulog sayo tonight. Please?” sabi niya.
“Ma, hindi pwede. Ano uuuhhhhhm. Umuwi ka na muna ma. Please, pwede ka naman dun matulog sa bahay aahhh.” sabi ko sa kanya.
“Kahit ngayon lang nak. Pagbigyan mo na ako.” sabi niya.
“Ma, may lakad ako ngayon. Di kita maaasikaso. Umuwi ka na muna.” sabi ko sa Mama ko.
Nung nakikita kong papasok na siya ng unit ko eehh hinarang ko siya. “Ma, umuwi ka na. Please Ma.” sabi ko sa kanya tapos pinagsarhan ko siya ng pintuan. Nilock ko yung pintuan ko habang may sinasabi siya sa labas na di ko masyadong narinig. Basta alam ko eehh gusto niyang pumasok. Pero hindi eehh, hindi talaga pwede kasi pupunta si Andrea later. Yun ang mas importate ngayon.
Naghintay ako ng mga 20-30 minutes sa loob ng unit ko. Pinapakiramdaman ko sa labas kung andun pa ang Mama ko. Nung sure na akong wala siya eh lumabas na ako at pumunta sa Megamall.
Sabi nila lahat ng tao nagkakamali. Pero pag sinabi nilang mali ako dahil pinili kita eh manahimik nalang sila. Mas gugustohin ko pang mabuhay ng mali na kasama ka kaysa tama na wala ka.
BINABASA MO ANG
Ang Story ni Lucas
RomanceThis is a tagalog-english romantic/comedy (drama in the future) story about a young boy named Lucas. He is about to enter the real world after graduation and is excited to face a new chapter of his life. He is a happy go lucky kid that enjoys playin...