Chapter 3
“Oh don’t open your eyes. Wag kang sisilip.” Sabi ng Mama ko habang nilalagay ang kamay nya sa mata ko para di ko daw makita yung surprise nila sa akin. Hahaha. Ang corny no? Pero sanay na ako. Nung humingi ako ng laptop last year, piniringan din nila ako tapos sinurprise nila ako. Same din nung nagpabili ako ng shoes, ng cellphone, ng bag, nung pinadecorate yung kwarto ko, at marami pang iba. Pero excited ako, kasi alam ko maganda tong ireregalo nila sakin. Kotse na ba to? Hahahaha. Shet ang laking pogi points pag may kotse. My god!! Lord, ibigay mo po yung kotse!! Please lord. Hanggang sa pinabukas na nila yung mga mata ko.
“Charaaaan!!” sabay sabi ng Mama at Papa ko tapos nakisali narin si Trevor. May isang paper box ng Globe cellular at isang susi.
“Anak, congrats sa graduation mo. You’re ready to face the real world. So alam namin na kelangan mo nitong postpaid plan sa Globe. At matagal narin naming pinag ipunan ng Papa mo ang condo unit sa Eastwood. Sayo na to.” sabi ng mama ko.
Oh my god!!! Oh my god!! Post paid sa globe? Sheeeett!! Ang yaman ko na lord!! Shet thank you lord!! Hahahaha. Sa school kasi namin, yung sukatan ng pagiging mayaman is either may postpaid plan ka or may kotse ka. Ehh wala ako nung both before so di ako mayaman. Isa lang akong commoner. Pero shet, may postpaid plan na ako? Isn’t it amazing? Isn’t it surprising? Isn’t it? Hahahahahaha. Tapos may condo pa? Bwahahahaha. Actually wala akong pakialam sa condo. Hahaha. Sa postpaid talaga ako naexcite. LOL. “Wow Ma, Pa, salamat po talaga. Sobrang saya ko po. Salamat po talaga!”
Sabay tingin kay Trevor na syempre masaya din sakin. Kasi may pantawag na ako. Wala na akong reason para di makareply sa mga texts nya. At syempre may bago na kaming “party party spot”, yung condo. Haahahaha. Di halatang ang saya ko no?
After nung maliit na salu-salo, umuwi na si Trevor. Ako naman tumambay sa kwarto ko. Well, ako yung taong lagi mong makikita sa kwarto. Basta may internet tsaka computer, kompleto na araaw ko. Masaya na ako sa pagbabasa ng mga facebook status ng mga kaibigan ko. Nakakatuwa lang kasi sa pamamagitan ng status nila eh makikilala mo yung mga ugali nila.
May mga taong araw araw pinoproblema yung pagiging single nila, yung tipong di mabubuhay ng walang lovelife. Yung mga posts na “Kelan kaya ako magkakalovelife?”... “Single is sexy”.... “Single ako, sinong pwede jan?”... “jujujuju. Bakit lahat sila may jowa? Samantalang ako wala”...
May mga tao din namang emotero/emotera. Sila yung araw araw broken hearted? Di ka na nagsawa teh? Broken hearted araw araw? Maintain? Slow clap!! Hahahaha. Sila yung may mga posts na “batet mo ko iniwan?”... “Ang sakit sakit.”.... “Paano ako mabubuhay kung wala ka?”... “Bumalik ka na bhente syete ko. Mehel ne mehel kita. Pero ang shekit shekit na”...
Well, aside sa mga jan eh meron din naman proffesional kung magpost, yung tipong may mapupulot kang impormasyon na bago. Actually marami ka pang mapapansin na ugali ng mga friends mo sa facebook. Try nyo maglogin. Go!!
Pero may napansin akong nakabukas na isang tab sa browser na ginagamit ko. Yung babaeng pinakita ni Trevor kanina. Nakalimutan yata ni Trevor isara yung page nya. Habang tinitingnan ko yung profile nya, medyo nakakaaliw kasi in fairness maganda naman talaga sya. So tiningnan ko pa lalo yung mga pictures nya. Ayyyy, may picture sya na sobrang photoshopped. “Ayyy pangit to. May photoshop” bulong ko sa sarili ko. “Yung itsura siguro nito madaming butas, jusko may sexy lips pa na filter si ate.” Natawa nalang ako mag isa. Well, sa unang picture maganda sya pero di naman talaga pag tiningnan mo lahat ng pictures nya. Hahahaha. Napaisip tuloy ako kung i-aadd ko ba sya o hindi. Sige wag nalang.
Click!! Tunog ng mouse ko. Okay, fine! Pinindot ko na yung Add as a Friend na link. Friend request sent. Well, malay mo diba magkita kami one of these days. Mabuti na yung ready. Hahahaha.
Minsan talaga magulo akong kausap. Halata naman diba? Minsan ayaw ko, minsan hindi. Parang alarm clock lang yan sa umaga, di mo alam kung gigising ka or matutulog ka pa. That’s life.
BINABASA MO ANG
Ang Story ni Lucas
RomanceThis is a tagalog-english romantic/comedy (drama in the future) story about a young boy named Lucas. He is about to enter the real world after graduation and is excited to face a new chapter of his life. He is a happy go lucky kid that enjoys playin...