ASL Chapter 6

149 4 2
                                    

Chapter 6

“Congratulations Mr. Pangilinan. You passed the final interview.” sabi ng recruitment officer na nag final interview sa akin.

Ang bilis naman ng mga pangyayari sa buhay ko. Parang kahapon lang ako lumipat sa bago kong bahay tapos ngayon meron na akong job offer. Sabi nga nila, mabilis daw ang panahon sa mga taong tapos na sa pag aaral. Parang totoo nga no. Nung nag aaral ako parang naka slowmo lahat. Pakshet, yung tipong sukang suka ka na pero sige suka pa. Nung naisuka na, gustong isubo ulit. Buhay nga naman, pag naka slow motion gustiong i-fast forward. Pag naka fast forward naman, gusting naka slowmo. Adik lang diba? Pero is this a sign of ageing? Hindi din. 21 palang ako. Fresh na fresh pa.

Pauwi na ako ng condo nang bigla akong gutomin. Naisip ko agad yung McDonalds sa Eastwood City Mall. Wala lang, naalala ko lang yung nangyari kagabi. Sobrang amazing lang kasi 1st time kong nastarstruck sa isang babae. Anyways, Andrea daw yung pangalan nya. Sayang talaga, di ko nakuha yung last name. Di ko tuloy sya masearch sa facebook.

Habang naglalakad ako papunta ng McDonalds, pumasok lang sa isip ko na parang familiar yung itsura ni pretty girl Andrea.

“Parang nakita ko na sya dati. Parang familiar yung itsura nya.” Sabi ko sa sarili ko. Oo nga no. Parang nakasama ko na sya before or nameet somewhere else. Baka artista sya? Andrea? Hmmmmm.

“Andrea del Rosario?” bulong ko sa sarili ko.

“ Aayy, parang hindi. Hmmmm. Andrea Bocelli?  Sige ipush mo yan Lucas!!” natatawa kong bulong sa sarili ko. Di ko namalayang sa harap ko na pala yung McDo.

“Sana andito ulit sya.” bulong ko. Hopya mode.

So umorder na ako ng favourite kong chicken fillet. Halatang di pa ako nakakaget over sa pagiging estudyante ko. Syempre pag estudyante ka eh limited lang yung pera, bibili ng mas murang pagkain para may pang gimik pa. O kaya hindi kakain ng lunch para may pang inom. Di naman ako mapili sa pagkain so kaya kong araw arawin ang chicken fillet ng McDonalds o yung 39ers ng Jollibee.

“Sayang, wala sya.” sabi ko sa sarili ko. Feeling disappointed kasi wala si pretty girl. Pero okay lang. Sabi nga ni Trevor, maraming isda sa dagat.

Masyadong maaga natapos yung interview ko. Ineexpect ko pa naming gagabihin ako pero no sweat lang pala.  Konting kindat at pogi points lang, boom pak, may job offer agad. Medyo excited narin ako na medyo natatakot kasi 1st time kong magwowork sa isang call center. Di ko alam kung mag eenjoy ba ako o hindi. Pero tingnan natin. Haaaaaaaaaaaay, ang aga pa talaga. Pero sige, uuwi nalang ako sa condo.

~“Baby baby baby ooohhh I’m like baby baby baby ooooohhh”~ haaaaaay nakakaumay na yung kanta ni Justin Bieber.  Yan pa talaga yung kantang sumalubong sa akin sa lobby.  May mga kabataang nasa 12 or 13 years old ang sumusunod sa kanta ni Bieber, nakakainis na ewan. Yung mga kabataan ngayon, kung sino pa ang may bad image eh siya pang iniidolo lalo. Yung common sense nga naman eh parang deodorant, kung sino pa ang mas na may kelangan eh sya pa ang hindi gumagamit. Ano daw? Nakadrugs ba ako?  

Pero anyways, epekto lang siguro to ng matagal na paghihintay sa elevator. Pero ayan na, 2nd floor na yung sign. Ayan na... ayan naaa... 1st floor na..... Ayyyyy bumaba pa ng basement.  Alam mo yung hopya? Hehehehe.

Sa wakas!! 1st floor going up!! Pumasok na ako sa loob ng elevator at pinindot ko na ang 21st floor.

“Sandali!! Wait!! Going up.” sigaw ng isang babae.

Alam mo yung moment na may tumatakbo palapit sa elevator tapos alam mo na nagmamadali  sila tapos pindot ka ng pindot ng close button para sumara na at para maghintay din sila ng matagal sa elevatorl? Yun na yun!! Hahahahaha. Ang evil ko ba? Hahahaha. Pero sorry ako, naabutan ako. Ok fine, bumukas ulit yung elevator na sinasakyan ko.

Habang unti unting bumubukas ang elevator, gumuguhit ang isang matangkad na babae sa harapan ko. Maputing babae na kulot ang buhok at walang kupas ang ganda. Pucha ang ganda!! At shet mukhang familiar. Oh my god!! Lord, destined ba talagang magkita kami ulit? Shet, tadhana nga naman parang elevator lang, kelangan mo lang maging patient sa paghintay kasi makakasakay at makakasakay ka din in the right time. At heto na nga, makakasakay ko na sya in the most perfect time.

“Gotcha!! Pasakay po.” sabi nya.

“Andrea right?” bati ko sa kanya na nakangiti.

“Huh? How did you know my name?” tanong nya na medyo natakot.

“Uhhhm, I mean we saw each other last night sa McDonalds. Remember nakiplug ka ng saksakan ng laptop mo.” sabi ko.

“Ohhh yeah, I remember you. The cute.......uhhmmmm.” natigilan sya.

“So cute pala ako ganun?” sabi ko na medyo nakangiti. Hahahahaha. Cute ko guys. OMG!!

“Well.... So sa 21st floor ka din pala?” tanong nya.

“Yep. Ikaw din ba?” please say YES. Please say YES!!!!

“Yes. Sa 21st floor din ako.” YESSSSSSSSSSSS!!!!! Bwahahahahaha.

Tadhana nga talaga ohhh parang panahon sa Pilipinas. Minsan tag ulan, minsan tag init. Pag tag ulan eh basa, pag tag init eh mas lalong basa. #MedyoBadBoy

Ang Story ni LucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon