ASL Chapter 9

116 3 2
                                    

Chapter 9

“So tell me something about yourself Mr Lucas.” sabi nya. Napapansin ko na talaga ang pagiging tipsy niya. Medyo pabalang na kasi yung way ng pagsasalita niya. So ano to? Question and answer portion or maybe getting to know each other stage. Wow aahh. Ang bilis naman. Pero gusto ko to.

“Uhhmmm, I just finished school this year. Tapos I moved here in eastwood more than a week ago. Hoping na makapagwork na. And finally hinihintay ko nalang ang starting date ko. “ sabi ko in a very pleasant way.

“Wow aahh. A bachelor.” sabay kindat sa akin. Napangiti ako sa kindat nya na parang may sinasabing kung anong masama/magandang balak. Pero gusto ko to. Sige paaaa!!!!!

“I think you’re drunk na?” curious na tanong ko sa kanya.

“A bit. Siguro oo. Sarap magpakalasing kasi.” nakatingin ako sa mga mata niya habang sinasabi niya iyon. Malungkot ang mga mata niya. Yung tipong may sinasabing kakaiba na ~please help me~.

“Uhhhhmmmm, may problema ka ba?” nahihiyang tanong ko sa kanya. “Lovelife no?”

Napatingin siya sa akin. Blangko lang yung mukha niya pero ngumiti din siya after few seconds. Bakit ganun? Parang pinipigilan niya yung gusto niyang sabihin. Alam mo yung gusto mong magtanong pero nahihiya ka nalang kasi masyado ng personal.

“Masyado ka namang concern. Namimiss ko lang mga kaibigan ko. Sa mga panahong ganito eh kelangan ko sila.” sabi niya na nakatingin somewhere else.

“Bakit ano bang panahon ang nararanasan mo ngayon?” tanong ko.

“Wala. Namimiss ko lang sila.” sagot niya.

“Alam mo, ang isang mabuting kaibigan eh parang mga bituin yan. Di mo man sila nakikita palagi pero alam mong anjan lang sila.” Sabi ko.

Napatingin siya sa akin after kong sabihin yun. “Wow aaahhh. Siguro nga. Pero hindi eehhh, ni wala nga silang time bisitahin ako. Sila kasi yung mga napagsasabihan ko ng mga secrets ko, ng problems ko, and all that.” sabi niya.

“So nagtatampo ka sa kanila ganun?” tanong ko.

“A little bit. Pero sabi nga nila, a life without a friend is like a sky without the sun.” sagot niya. Matalinong bata itong kausap ko. I’m impressed.

“Tama. Kaya huwag ka ng magtampo sa kanila. Siguro may mga valid reason naman sila  kaya wala sila dito ngayon. Hindi kasi tama yung sinasabi nilang ang tunay na kaibigan ay yung nagbibigay sayo ng oras palagi. Siyempre may sariling mundo din sila. Yung tunay na kaibigan eehh dapat umiintindi.” sabi ko sa kanya.

“May point ka nga naman.” sabi niya.

“Kung may problem ka eh pwede ka naman mag open sa akin eeh.”  Nasabi ko din sa wakas. Medjo nakakalahati na ako sa beer na iniinom ko. Umeepekto narin yung tama sa akin.

“Hahahahahahahahahahaha.” Natawa nalang siya bigla. Ayyyyyyyy. Ano ba yan? Aning aning yata itong magandang kausap ko. Bigla nalang natatawa eehh ang seryoso ng tanong ko. Napangiti nalang ako sa kanya habang nakatawa siyang nakatingin sa akin. Yung tingin na parang kakainin ako ng buo. Siguro inoobserbahan niya din ako. Nagwagwapuhan din kaya siya akin? Tanong ko sa isipan ko.

“Ano ba yan, pinagtawanan mo pa talaga ako. Ano bang nakakatawa dun sa sinabi ko?” Nakangiting tanong ko.

“Wala. Parang kang timang.” Sabi niya na nakatawa.

“Para ka ngang aning jan eehh.” sabi ko. Di ako papayag na di bumawi sa sinabi nya. Ako? Timang? NOOOO!!

“Ano!!!???? Aning!!?? Sinong aning!!?? Timang timang timang!!!! Hahahahaha.” nakatawa niyang sabi in a very tipsy way.

“Ikaw ha. Wag kang aning jan. Hahahahaha.” nakatawa ko ding sagot sa kanya.

Natawa kami pareho na parang baliw sa sofa niya. Well, in fairness mas maganda siya pag nakatawa. Alam mo yung parang nakatingin ako sa anghel ngayon? Shit ang ganda ganda niya talaga. Mula sa mga mata niya hanggang sa matangos niyang ilong hanggang sa kissable lips nya. Ang kinis pa ng mukha niya na parang ang sarap kurot kurotin. Pucha naman bakit ang perfect mo?  Yung moment na sana ganito araw araw. Yung feeling na masaya ka kasi kasama mo si crush mo at magkainuman pa kayo.

“Gutom ka na ba? Meron akong pagkain dito.” nakangiti niyang tanong sa akin. “sabi mo kasi kanina eh lalabas ka sana para kumain. Pero dahil crush mo ako ehh nakuha ko yung attention mo. Hahahaha.” Nakatawa na sya after niyang sabihin yun. Lasing na nga siguro to. Di na niya mapigilan yung  mga pinagsasabi niya.

“Wag ka ngang makipagflirt sa akin. Hahahahaha.” Presko kong sabi sa kanya.

“Ayyy aayyyy aaayyyyy. Ansabe ng flirt? Hahahaha. Tigilan mo nga ako Lucas ha. Di kita piniflirt.” Sabi niya.

“Flirrrrrttttt!!!” sabi ko sa kanya in a joking face.

“Hahahahahaha. Ewan ko sayo!!” sabay hawak sa ilong ko at pinisil niya. Nakatawa lang siya habang ginagawa niya iyon. Ako naman eehhh nakatingin lang sa kanya habang pinipisil niya yung ilong ko. Hindi ko alam pero bigla ko nalang hinawakan yung mukha niya. Alam mo yung moment na nagfreeze yung buong mundo mo? Yung moment nakatingin ka sa isang diyosa. Napatingin narin siya sa akin. Gusto ko siyang halikan. Hinihintay niya bang halikan ko siya? Hahalikan ko na ba siya? AWKWARD!!!!!

Ang Story ni LucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon