Chapter 2
Tss. Nandito kami ngayon ng dalawa kong magaling na karoom mates sa may garden. Kaasar! Ano bang hinaing meron sila sa buhay at ang dami nilang inarte?
"Tss. Matagal pa ba tayong tatanga dito? Nasa finish line na yung nagrerace."
I'm so bored that's why I walked away. Narinig ko pa silang nagsasabing sandali lang baka mahuli. What the heck? Baka mahuli?! Magyayakag na gumawa ng kalokohan pero takot mahuli. Asan ang thrill? Explain please.
"Shit! Clint may tao!"
Tss. May tao nga. Security guard ng eskwelahan namin. Magaling dahil agad niya kaming sinita pero bago pa siya makapagsalita ulit pinatikim ko na siya ng oh my precious suntok at gorgeous sipa ko at dahil madilim he will never recognize me. Simpleng taong mahina sa laban. How come?
"So , mabubuksan ba yung gate ng hindi kayo kikilos?"
Naupo na ko sa damuhan at hinayaan silang kumilos. May kinakalikot dun si Chantelle at hindi nabuksan yung gate.
"Ang galing ah. May nanalo na sa racing!"
Hindi nila binuksan ang gate at paano kami dadaan? Hinila ako ni Patricia at papunta kami ngayon sa likod ng eskwelahan na ito. Anong gagawin namin dito? Camping?
"Do you have any tent? Let's sleep kasi wala naman mangyaya----"
Huh? Paanong nangyari ang isang bagay na tulad nito? A wall opened in front of us. A secret wall na diretso sa labas ng eskwelahan. Nakita ko namang ngumisi sakin si Chantelle.
"Amazed?"
"A little bit pero dahil mabagal ka kumilos it's nonsense."
Lumabas na kaming tatlo. May hawak si Chantelle na isang ballpen na may kulay pulang pindutan at nung pinindot niya ito nagsarado ang wall. Walang nakakita kasi likod na to ng eskwelahan pero paano niya to nalaman?
"Kinuha ko to para magamit sa pagtakas at ipinalabas na nawala pero tinago ko talaga. I just went to the entrance para ideactivate ang CCTV dito."
Ngayon naliwanagan na ako. She is so mysterious at madami talagang alam pero I like the way she did it pero still I don't like her. Why? Trip ko lang.
"Malayo pa dito ang racing event , Don't tell me na lalakadin natin mula dito hanggang don!"
"Ofcourse not! It's my turn.DUH!"
Naglakad si Patricia papunta sa isang motor. Kitang kita siya dito , nanood lang ako sa kanya. Hinila niya yung kuwelyo nung lalaki at itinulak.
"Go away! Gagamitin namin motor mo! Pumapatay nga pala kami ng kahit ano , kahit TAO kapag di namin nakukuha gusto namin. Ikaw din , sayang ang buhay."
"Eto na ang susi."
Tss. Bully! Nerd kasi yung lalaki kaya malag! Lumapit kami ni Chantelle kay Patricia at inihagis naman nito ang susi sakin.
"Drive."
Inuutusan ako? Kapal ng mukha nito! Tiningnan ko siya habang inihulog ko ang susi sa sahig. I'm not a driver , it's not my responsibility.
"I can commute."
Naglakad na ako palayo sa kanila at nakakita ako ng isang pamilyar na mukha sa may puno. I'm so lucky! Lumapit ako sa kanya dahil alam kong hindi niya ako matitiis. Kapal face?
"Francis!"
Lumingon siya sa akin and then I smiled at him and gave him a hug. Panguto lang. Makiride na lang kayo. Yung dalawa naman nakatingin samin.
"What's your problem?"
"Sungit mo naman. May pupuntahan ka ba?"
"Wala. Tumatambay lang ako dito."
"So , bakit ka nandito sa likod ng Arcana University?"
"I'm studying here. Tss. Alam kong may gusto ka kaya sabihin mo na! Huwag mo nang patagalin pa. Aish!"
Alam ko namang nag-aaral siya dito kunwari lang hindi para painosente ang dating. Tss.
"Good. Kilala mo talaga ko! Gusto kong pumunta sa racing event nina Shianna kaso wala akong masakyan. So pwede ba akong magpahatid sayo?"
I asked him while clinging on his arms. I smiled and looked straightly at his eyes. Alam kong kahinaan mo ako kaya hindi mo ko matitiis. Kapal face right?
"Fine. Get in."
Papasok na dapat ako ng makalimutan kong may dalawa pala akong kasama kaya naman sumigaw ako.
"Both of you! Tatanga lang ba kayo diyan? Come here at sumakay na din kayo!"
I looked at Francis at umiling na lang siya bago pumasok sa unahan. Yung dalawa ayaw pang pumasok kaya naman nagsalita si Francis.
"Hindi aandar ang sasakyang to kung hindi kayo sasakay."
Agad namang pumasok ang dalawa kong kasama na nagtataka pa rin. Bakit? May mali ba sa nangyayari? Nagsama lang ang isang maganda at guwapo nagulat na sila! Grabe.
"Anong naisipan mo at pupunta ka sa racing event nina Shianna? You don't have any care with other people right?"
"Sometimes my mind changes. What's wrong with that?"
Hindi na siya nagsalita pa at nagdrive na lang. Tahimik yung dalawa sa likod kaya naisipan kong magparinig.
"Patricia, ang galing no? Hindi tayo nahirapan sa sasakyan? Hindi na natin kailangan pang manghila ng kung sino at itulak ito tapos kunin yung susi. Diba?"
"Tss. Shut up! Ako na nga yung walang nagawa diba? Huwag mo na ipamukha!"
Halos matawa na lang ako sa kanya. I like her. Hindi siya pikunin at marunong tumanggap ng kahihiyang ginawa niya. Accept and accept.
"Dahan dahan ka kaya Francis! Mabangga tayo!"
Galit na yung aura niya ngayon at tinigil niya ang sasakyan at bumaba. Bumaba na din ako at sinundan siya pati yung dalawa bumaba na din sa sasakyan.
"Kung magpapakamatay ka barilin mo na lang yang sintido sa ulo mo hindi yung mandadamay ka pa ng iba diyan sa katangahan mo!"
Sabay suntok niya sa lalaki. Pag ganito ang aura niya wala nang makakapigil pa. Galit siya kaya huwag kang haharang kung ayaw mong ikaw ang sumalo ng suntok niya.
"Tss. Pasalamat ka yan lang ang inabot mo! Kung ako sayo huwag ka na magpakita pa sakin kasi sa susunod sisiguraduhin ko ng paglalamayan ka!"
Sinipa niya pa sa tiyan yung lalaki. Hindi talaga siya nagpaawat. Pumasok na ulit siya sa sasakyan pati yung dalawa. Papasok na rin sana ako ng biglang magsalita yung lalaki.
"Magkikita tayong muli."
Hindi ko na siya pinansin pa at pumasok na ako ng tuluyan at wala pang ilang minuto nakadating na kami sa racing event. Bumaba kaming apat at nandun na ang maglalaban laban.
"Asan si Shianna? Parang wala naman dito siya pa naman naginvite. Ksh! That girl!" PATRICIA.
"Tss. Palaging late yun diba? Pa VIP lagi kaya huwag na kayong magtaka dahil may sarili yung oras. Late na sa maraming bagay , late bloomer pa!" FRANCIS.
Tss. Nauna pa kaming audience kesa sa lalaban. What the heck? Asan ba siya? Close nga din pala si Francis sa dalawang yan , actually they're friends , hindi lang inakala nung dalawa na kaclose ko din si Francis. Tss.
"Sorry. I'm late may inasikaso lang na importante. Let's start."
Dumating din sa wakas ang magaling kong pinsan. May inasikaso? Ano naman yun? Ganun ba yun kaimportante? Tumingin ako sa kanya and I saw something.
A blood stain
BINABASA MO ANG
DARKER THAN BLACK (ON-GOING)
Mystery / ThrillerA story about facing a problem together. Story of trust and friendship against the dark.