Kegan

24 0 0
                                    

Chapter 21

THIRD PERSON'S POV (AUTHOR)

Sa isang mansiyon sa gitna ng kagubatan. Isang dalaga ang humarap sa kanyang mga paniniwala. Paniniwalang nakaraan at kinahaharap nilang magkakaibigan ngayon. 4 na buwang pananatili sa loob ng eskwelahang tanging mayayaman lamang ang nakakapag-aral. Masasabing hindi pa ganoong nahihimay ang bawat bagay na nakatago sa likod ng malaki at magarang paaralang ARCANA UNIVERSITY. Sa likod ng bawat pader may kinalaman at konektado sa bawat pangyayari , bawat tao sa likod nito ay maaaring kasabwat sa bawat larong nilalaro. Ganon ang buhay sa likod ng lahat , wala kang magagawa kundi ang suungin bawat parte para maliwanagan ka sa mga bagay bagay.

"Kamukhang kamukha mo si Elisa , walang pinagkaiba ang bawat parte ng inyong mukha. Di na ko magtataka kung bakit tila napakapapel mo , ina mo siya. Ina mo si Elisa Fervia. Ang babaeng sa sobrang pagmamahal sa akin ay nakipagtulungan para masira ang pamilya ng mga Pendleton."

Tumigil ang lalaki sa pagsasalita. Tila ba tuwang tuwa siya sa nakikita. Parte kasi ito ng nakaraan niya.

"Naaalala ko pa noon , sinabi niya sa aking gagawin niya lahat ng bagay para mahalin ko siya. Ang tangi kong hiniling ay ang kuhanin niya ang loob ng babaeng pinakamamahal ko na si  Victoria Cramer Pendleton. Hindi ko alam kung ano ang meron sa Eduardo na yun na wala sa akin. Ginawa niya yun , kinuha niya ang loob nito at ako na isang matalinong tao , ginamit ko para mapalapit ko sa kanya at alam mo ba? Iniwan ko sa ere ang ina mo. Hindi ko siya minahal. Minanipula ko lamang siya na naging dahilan para mauwi ang lahat sa pagkamatay ng mag-asawang Pendleton at siyempre pati na rin ng pagkamatay niya."

Inisip ng lalaki ang mga nangyari ng gabi pang iyon. Napatawa siya at hinawakan ang mukha ng babae sabay bitaw dito ng marahas. Sinampal niya pa ito dahilan para dumugo ang gilid ng labi nito.

"Hindi ako minahal ng babaeng mahal ko kaya nararapat lamang na patayin ang tulad nila at yang nanay mo , ako din ang pumatay sa kanya. Yung ama mo? Wala naman akong pakielam dun pero sige isasama ko na siya sa listahan ko ng SOON TO BE WELCOME BY DEATH. Sa ngayon , tama na muna ang laro lang dahil masyado pang naghahanda ang inyong yours truly. Kamatayan. Huwag kayong mag-alala para lang kayong mga pagkain sa kalsada , ako ang stick na tutuhog sa inyong lahat , iba't ibang uri mas masaya. Hmmm, gamit ang kemikal , mas makulay. Madali lang naman ito , you should escape from the dark. Oh! You should not enter the darkness because there's no assurance that you will find the light."

Tumawa siya ng halos umalingawngaw sa buong lugar.

"And one more thing! Ang batang lalaking Pendleton , limang buwan noong aking ipinatapon. Dalawa lang silang magkapatid. Lalaki at babae."

Muli tawa lamang ang kanyang ginawa habang ang dalagang si Chantelle ay halos patayin na sa titig ang lalaki sa harap niya. Lumapit dito ang lalaki at hinawakan sa baba. Dinuraan ito ni Chantelle sa mukha sabay sabi ng mga salitang ito:

"Demonyo ka! Wala kang puso! Napakasama mo! Wala kang kuwenta! Tarantado ka! Walanghiya! Madungis! Bali------"

Isang malakas na sampal ang kumawala sa mukha ng babae. Hindi siya nagpatinag at nakipagtitigan pa ng mahigpit sa lalaki. Isang malakas na sampal ulit ang ginawa nito. Halos mamula na ang mukha nito hindi dahil sa sampal kundi dahil sa dugo mula sa gilid ng labing pumutok.

"Pasalamat ka kailangan pa kita."

Agad na lumabas ang lalaki sa bodega sa loob ng mansiyon. Maya maya pa ay isang yabag ng mga paa ang naririnig niyang papalapit sa kinaroroonan niya at hinawakan nito ang makakapal na lubid na nakatali sa mga kamay nito.

"Sino ka?"

Tinanggal ng bagong dating ang lubid at nagtungo sa mga paa ng dalaga sabay sira ng kadena. Hinawakan niya ang babae at hinila ito palabas ngunit tumigil ang babae at muling nagtanong.

"Inuulit ko , sino ka?"

Agad na tinanggal ng lalaki ang maskara niyang suot at nagulat si Chantelle sa nakita niya.

"Kegan?"

------------------------------------------------------

AN:

Super late update XD XD XD

Sabaw na yung brain sa isusunod na chapter! XD Thank you sa mga nagbabasa!

Anong ginagawa ni Kegan sa mansiyon sa kagubatan? Paano siya nakapunta don?

Next Chapter: Why?

DARKER THAN BLACK (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon