Hinala

44 0 0
                                    

Chapter 8

(NP: I'M WITH YOU by Avril Lavigne)

PATRICIA ASHWILL'S POV

What the heck was that? I don't know kung ano ang nangyari basta ang alam ko andito ako ngayon katabi ni Kegan habang yakap niya ko. Yung kaninang inis ko bigla na lang nawala , napalitan ng kilig.

"Are you okay?"

"Yes."

Pagtataray ko sa kanya. Umiling siya at bumuntong hininga matapos niyang masiguradong wala ng nagpapaulan ng bala. Umupo siya sa tabi ko at sinuyo ako.

"Sorry na. Guwapo lang talaga tong boyfriend mo pero huwag kang mag-alala sayo lang naman ako."

Awww. Kinikilig naman si ako sa mga sinasabi ng lalaking to. Tiningnan ko siya sa mata at ngumiti. Nginitian niya din ako at inakbayan sabay kuha sa ulo ko at inihiga niya sa dibdib niya.

"Pasalamat ka maganda ako! Subukan mo lang talagang mambabae , ako mismo sisira sa mukha nang kung sino man yun."

Hinalikan niya ang buhok ko at niyakap pa ako ng mahigpit tsaka nagsalita ng pabulong.

"Ikaw lang naman talaga at kung mayroon mang dumating sigurado akong hindi ko siya mahal. Ikaw lang."

Hindi ako nagsalita at dinama ang lahat ng nangyayari. Sa ngayon paniniwalaan ko muna ang mga bagay na kaharap ko at hindi maniniwala sa mga bagay na hindi ko pa nakikita ng personal.

"Clint! Are you okay?"

Napatayo ako dahil sa sigaw ni Chantelle. May daplis ng bala si Clint sa kaliwang braso at dumudugo ito. Meron din akong napansin halos sa direksyon ni Clint napunta ang mga bala ng baril. Hindi kaya?!

"Let's go to the clinic. Kailangan yang magamot. It's so... Yuck!"

Sasabihin ko pa sana kay Kegan na buhatin na si Clint kaso naunahan na kami ni Grae. Wala namang arte si Clint dahil kung meron ako mismo ang magtutulak sa kanya pababa!

"What was that! Kailangan maimbistigihan yung nangyari. It's not normal at maaaring may balak manakit kay Clint."

"I think you're right Chantelle pero sa tingin mo ba sino ang makagagawa nun kung may bantay naman sa loob ng university na to."

"Maybe nandito lang din siya. Nasa loob siya ng university at isa siyang kaaway."

Kinilabutan ako sa narinig ko. Is that possible that this place is so dangerous and we , students are in danger too?

"Don't worry about that. I'm here no matter what. Hindi kita pababayaan."

I looked at him. Dalawa na lang kami dito sa loob ng canteen dahil naghanap yung mga lalaki sa posibleng may gawa nito at yung mga babae naman ay pumunta at sinundan si Clint samantalang si Chantelle ay walang kibo at nakatunganga sa kawalan.

"Hey , Chantelle. What is your problem?"

"Nothing. Una na ko sa inyo."

And she walked away. I don't know kung bakit ko nakasundo ang isang tulad niya. She is so weirdo and mysterious. Napakadami niyang alam na nakatago at hindi namin alam. Tanging siya lang ang may alam ng lahat.

"Let's go?"

Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kaming dalawa. Ngayon naman bakas sa mukha niya ang lungkot na hindi ko maintindihan.

"Kegan , do you have a problem?"

"Nothing. Don't worry."

Ngumiti siya sa akin at ganun din ako sa kanya. Hinawakan niya ng mas mahigpit ang mga kamay ko at hinalikan ako sa noo at pinaglapat ang mga mukha namin at tumingin siya sa akin ng diretso.

"Promise me , you will be happy no matter what. Promise me."

Parang may kung ano na tumusok sa dibdib ko. Parang may kurot akong naramdaman. Iiwanan niya ba ako? May mahal na ba siyang iba?

"Bakit Kegan? Iiwan mo ba ako?"

"No. I will never do that. Ayoko lang makita kang malungkot. Yun lang yun. Huwag kang mag-alala."

Hindi ako kuntento. Pakiramdam ko may mali. Pakiramdam ko may mangyayari. Kung ano man yun , kinukutauban ako na hindi yun maganda at kailangan kong mapigilan yun.

"Promise me."

"Promise."

Kinurot niya ang ilong ko tapos ang pisngi ko. Inakbayan niya ulit ako at dumiretso na kami kay Clint. Pinagmasdan ko siya at naaalala ko ang sinabi ni Chantelle. Hindi kaya?! Hindi Patricia. Hindi.

"Ingat ka , balik na ko sa room at ikumusta mo na rin ako kay Clint."

Naglakad siya pero hinila ko yung braso niya. Para bang nag-aalinlangan ako sa mga nangyayari. Bakit ganun? Nanghihinayang na agad ako wala pa namang nangyayari.

"Kegan , mahal mo pa ba ako?"

"Oo mahal kita at kahit kailan di yun magbabago."

Niyakap niya ako. Tumulo yung luha ko pero agad kong pinunasan. Nagpaalam na ulit siya at pumunta na ako kay Clint.

Sana nga mali ang hinala ko.

DARKER THAN BLACK (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon