Chapter 13
THIRD PERSON'S POV
One week ang ibinigay sa mga estudyante para paghandaan ang magaganap na masquerade ball. Lahat ay excited sa selebrasyong ito gayunpaman may nakaplano nang mangyari sa araw na iyon.
"Naisaayos niyo na ba ang mga gagamitin? Naihanda niyo na ba ang sorpresa?"
"Naisaayos na po namin lahat boss ang mga bagay na yan."
"Kung ganon , that night will be a blast."
Isang malakas na tawanan ang umalingawngaw sa buong lugar. Para silang mga taong walang kaluluwa. Masaya sila sa masamang mangyayari.
"Dapat ngayon pa lang , naalarma na ang babaeng yun. Babala na ang mga bala ng baril para sa kanya. Kasalanan niya , nabuhay siyang may alam sa mundo."
"Hindi niya po naaalala diba?"
"Sa ngayon , pero sa takdang panahon lalabas na ulit ang katotohanan dahil sa anak ng isang tao mula sa aking nakaraan."
"Dapat po ba nating bigyan din ito ng babala?"
"Hindi. Gagamitin natin siya sa eksperimento. Gagamitin natin siya sa pagpatay sa kanya."
Hindi makapaniwala ang tauhan niya sa narinig na mga salita mula sa kanya. Talagang halang na ang bituka nito , kaya niyang gawin lahat pati ang pumatay para sa sariling luho.
"Anak po siya ng babaeng minahal ninyo."
"Anak lang siya ng babaeng minahal ko. Hindi siya ang minahal ko. Anak siya ng babaeng hindi sinuklian ang pagmamahal ko kaya siya ang magiging kabayaran."
"Hindi lang po siya ang anak diba?"
"Ang 5 buwan na bata ay madaling mawala kung walang tagapangalaga. Sigurado akong wala na ito dahil ipinatapon ko sa malayo."
Isang maling kilos lamang nila siguradong hindi pa sila nakakalayo may nakabaon ng bala sa mga katawan nila. Tanging pagsunod ang kaya nilang gawin.
"Napakawalang kwenta niyo talaga! Hindi kayo maging masaya sa kung anong meron kayo ngayon. Masyado kayong ganid!"
Isang galit na mukha ang tumambad sa nagsalita. Isang galit na parang tatapos ng buhay anumang oras.
"Wala kang karapatang husgahan ako! Tandaan mo , anak lang kita!"
"Anak niyo man ako masasabi ko pa ring wala kayong kuwenta! Ikinahihiya at kinasusuklaman ko kayo?!"
Malutong na suntok ang natanggap ng binata sa kanyang ama. Nakangisi naman ang binata sa ginawang yun ng kanyang ama.
"Ngayon natamaan na ba kayo? Natauhan na ba yang makitid niyong utak? Lumawak na ba yang pang-unawa niyo?"
Ngayon isang baril na ang nakatutok sa sintido ng binata. Hindi pa rin maalis ang ngisi niya. Hindi siya natatakot kung mamatay man siya ngayon. Para sa kanya mas mabuti ng mamatay ngayon kesa mabuhay na kapiling ay demonyo.
"Papatayin niyo ko? Alam niyo ba na it would be a best gift that I will have kung gagawin niyo yan kasi I can't take all the things that you're doing. You're a devil. Dadating ang araw na kayo ang masusunog sa sariling apoy na nakapaligid sa inyo."
Ngayon inihampas ng kanyang ama ang baril sa batok ng binata. Nawalan ito ng malay pero bago siya tuluyang pumikit nagbitiw siya ng salita.
"You will never win this game."
At tuluyan siyang nawalan ng malay dahil sa muling paghampas ng baril sa kanyang mga batok. Nakangiti itong pumikit na parang sigurado sa lahat ng kanyang sinabi. Halata mo naman ang galit na mukha ng ama ng binata. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa kanyang anak. Sa ngayon umiikot na din sa isip niya ang mga salitang PATAYIN KO NA RIN KAYA SIYA PARA WALA NG HADLANG. Sarili niyang anak ang pinag-uusapan dito pero para sa nais niya , para sa sarili niya wala siyang pakeelam. This is the game that I want to play , you're the player and I'm the ruler. Motto na pinanghahawakan niya. Tanging salitang inaasahan ng kanyang utak para makuha ang bagay na gusto niya.
"Dalhin mo yan sa kuwarto niya. Ihiga mo sa kama at pagpahingahin. Pasalamat siya hindi ko tinuluyan. Anak ko lang siya , kahit na anong suklam ang sabihin at ibato niya sa akin , anak ko siya , kadugo ko siya. Ang dugong dumadaloy sa kanya ay katulad ng sa akin. Masama , dahil ako ang ama niya."
Nagbow lang ang inutusan niya at dinala na ang binata sa kuwarto nito at sa isang panig naman nandun ang isang babaeng nakatuklas sa lahat. Agad siyang naglakad ngunit tinawag siya ng kanilang amo.
"Ana , bago ko makalimutan sumunod ka sa kuwarto niya at sabihin pag nagising siya na Mahirap magtago , siguraduhing hindi mabubuking."
Kinilabutan ang babae sa sinabi ng amo nila. Pabulong itong sinabi.Para sa binata ba ang banta o para sa kanya? Para ba sa binata na mahirap itago na anak siya nito kaya siguraduhing hindi mabubuking o dahil sa baka may alam na ito tungkol sa pagpapanggap niya bilang isang kakampi.
"Opo , masusunod po."
Isang malakas na tawa ang narinig niya. Sa tawang yun , mas lalo siyang kinilabutan. Kung para kanino man ang banta na yun , kailangan niyang mag-ingat dahil sa ngayon isa lang ang sigurado niya. Mapanganib at nanganganib siya.
SUMUGAL NA AKO DITO KAYA KAHIT NA ANONG MANGYARI ITUTULOY KO KAHIT NA MISMONG MASIRA AY ANG BUONG LARO. KALIGTASAN LANG ANG KAILANGAN KO.
"Maiwan na kita dito. Mag-ingat ka sa maaari niyang magawa."
"Ano ang iyong ibig sabihin?"
"Alam kong hindi ka kakampi , nandito ka tulad ko para pigilan ang kasamaan."
Hindi makapaniwala ang babae sa narinig niya. Hindi lang siya ang sumusugal sa larong ito. May kasama siya ngunit ano ang kanyang dahilan para gawin ito?
"Ang anak ko ang dahilan ko."
Lumabas ang babaeng kausap niya at siya ay naiwan sa kuwarto ng binata. Sinong anak? Anong ginawa nila sa anak niya? Magulo ngayon ang pag-iisip ng babae. Talagang masama ang amo niya. Sobrang sama.
"Kung siya para sa anak niya ang laban na ito , para sa akin ang laban na ito ay para sa lahat dahil ipinagkatiwala sa akin ito ng dati kong amo."
"Hindi ka kakampi?"
Nagulat ang babae sa nagsalita. Ang binata na ngayon ay nakahawak na sa kanyang mga braso. Hindi niya masabi. Hindi siya makapagtiwala. Anak pa rin ito ng masamang amo niya.
"Mapapagkatiwalaan ako. Ama ko siya pero hindi ko hahayaang may mga taong mapahamak. Ama ko siya at ayoko din siyang mapahamak pero hindi dahilan yun para kunsintihin ko ang kasamaan niya. Baliw ang ama ko. Baliw."
Hindi alam ng babae ang nangyari dahil kusang tumango at sumangayon ang katawan niya sa tanong ng binata. Nasabi niya ang lahat. Ngayon , tatlo na silang may alam. Katrabaho , siya at ang anak ng baliw.
"Hindi mo sasabihin kahit kanino ang nalaman mo."
"Pangako. Hindi ko man natupad ang isa kong pangako na panghabuhay , kahit dito man lang gagawin kong hindi mapako ang lahat ng ito."
Hindi naman masamang magtiwala , kung minsan kailangan mo rin ng taong dadamay sayo para mas madaling malutas ang problema.
"Salamat."
Magulo man ang sitwasyon ngayon naniniwala ang babae na darating ang araw na maaayos lahat at magkakaroon ng masaya at mapayapang buhay ang bawat isa.
There is always a WATER for a FIRE.
--------------------------------------------
AN:
Thanks sa nagbabasa! XD
One bad move by Haveyouseenthisgirl!
©CIARA LEYNES
~COOL NI MEMO
-GOT7 <3
BINABASA MO ANG
DARKER THAN BLACK (ON-GOING)
Mystery / ThrillerA story about facing a problem together. Story of trust and friendship against the dark.