Chapter 9
(NP: AKO'Y SAYO AT IKA'Y AKIN LAMANG by Daniel Padilla)
KEGAN ECHO SCHATZ'S POV
This is the day. One week na rin after nung nangyaring pagpapaulan ng bala sa may canteen. The investigation is still on going. I'm here at the rooftop at kasama ko ang mga kaibigan ko.
"Are you sure about that?"
Yes. I am really sure about this. Wala na tong urungan dahil sa tuwing naaalala ko ang lahat , bumabaligtad ang sistema ko at ayokong may mangyaring masama sa kanya.
"Tandaan mo , siya ang mahihirapan kung hindi mo susundin ang gusto ko."
"Mas magandang masaktan siya dahil sayo kesa masaktan siya ng dahil samin."
"Alam kong ayaw mong makitang nasasaktan siya kaya gawin mo ang gusto ko."
"One week left. Lubusin mo na lahat dahil bilang na ang oras mo."
Yan lang naman ang pumasok na dahilan sa utak ko para magawa ang bagay na to. Ayoko siyang mawala pero ayoko siyang mapahamak.
"Bro! So after all those years , niloko mo lang siya? Pinaasa? Pinaglaruan?"
I stayed cool. Magaling naman ako diyan. Magsinungaling at magtago ng damdamin.
"Yes. Hoes before her. It's all just a bet at hindi ko na kasalanan kung masyado siyang nagpadala."
"Masasaktan yung tao."
"That's my goal. To let her fall in love with me and to let her heart broken at the end."
"Tss. You never changed."
"Ace , there's no reason to change. It's me , the handsome playboy. So , why should I have to change if I'm happy for what I'm doing."
Hindi na siya nagsalita pa. It's too hard to see her hurting but I need to do this. Not for myself but for her.
"This will be her last memories with me and this day will be her first heartbreak. Papuntahin niyo siya dito."
This will be my last time being with her. It's the end.
I prepared everything and I prepared myself. Inalala ko lahat ng nangyari , kung paano kami nagsimula at tumagal ng ganito.
FLASHBACK:
I am here at the victory party para sa pagkapanalo ng basketball team. Maraming invited kaya wala ako sa mood para magsaya. Naglakad lakad lang ako hanggang sa may nabunggo ako.
"Sorry Miss."
"Sorry?! Look at my dress! It's ruined! Alam mo bang pinasadya ko pa ang damit na to para lang sa party na to?! Then you came at natapunan lang ako ng shake?! Heck!"
"I can buy you a dress or whatever. Yung mas mahal pa diyan kahit ilan pa."
"What? Mahal tong damit na to kesa sa mga nabibili diyan sa mga mall! Nag-iisa lang to at ako lang ang may ganito! Tss."
Ang arte arte niya. Halata namang siya lang ang may ganoong dress kasi may diamond na nakapaligid sa may dibdib nito at above the knee pa na color black at ukab ang likod. I admit it she's sexy and too beautiful sa itsura niya kaso ang sungit.
"Tss. Get out of my sight!!"
Dahil na rin sa inis ko , hinila ko siya , 6:30 pm pa lang. We went to the mall at pinamili siya ng mga damit kahit ilan. Pumili siya at puro mahal talaga. How nice?
"I'm not going to thank you for this kasi ikaw naman may kasalanan. Goodbye."
Isang linggo matapos nun , nagkita ulit kami sa Arcana University. I transferred at this school. Aso't pusa kami nung simula at dun ko siya nagustuhan. Masungit siya pero mas lalo siyang challenging. Niligawan ko siya for 7 months at sinagot niya ko August 14 , dahil sa kanya nagbago ako.
She has a big impact in my life.
END OF FLASHBACK
"Kegan?"
Nataranta ako sa narinig ko. She's here. Eto na yung time. Kinuha ko yung flowers at sinalubong siya sabay abot ng bulaklak.
"Happy 1st Anniversary babe."
Hinalikan ko siya sa noo at inalalayan sa pag-upo sa ginawa kong surprise date. May table for two dito sa rooftop at may mga petals ng red roses sa sahig at pag tumingin ka sa taas may red lanterns na lumulutang at may inarkila ako na tagakanta sa gabing to. May balloons din na kulay pula at heart shape tapos may pangalan niya.
"Thanks for this babe. I love it , Happy Anniversary too."
May inilabas siya na isang kahon at binuksan niya ito. Isang relo ang regalo niya. Bigla akong may naalala dahil sa relo bilang na ang oras ko na kasama siya. Bigla siyang sumimangot.
"You don't like?"
"I like it pero nag-abala ka pa."
"Ofcourse. This day is so memorable."
Bigla na lang akong suminghap at tinanggap ang regalo niya. Maganda siya at halatang mamahalin.
"Let's eat."
While she's eating nakatitig lang ako sa kanya. Memorizing every inch and edges of her face. I will miss this girl. She is everything to me kaya gagawin ko ang lahat even my own happiness , I can sacrifice.
"I'm done. May dumi ba ako sa mukha?"
"Nothing. You're just beautiful. May I have a dance with you?"
"Why not?"
Hinawakan ko siya sa bewang at ang mga kamay niya ay nasa balikat ko. Magkalapit ang aming mga mukha at nakangiti sa isa't isa.
Ikaw na ang may sabi na ako'y mahal mo rin
At sinabi mong ang pag-ibig mo'y di magbabago
Ngunit bakit sa tuwing ako'y lumalapit ika'y lumalayo
Puso'y laging nasasaktan pag may kasama kang iba
Di ba nila alam , tayo ay nagsumpaan
Na ako'y sayo at ika'y akin lamang
"I love you Patricia."
"I love you too , Kegan."
And then we kissed under the fireworks.
BINABASA MO ANG
DARKER THAN BLACK (ON-GOING)
Mystery / ThrillerA story about facing a problem together. Story of trust and friendship against the dark.