Chapter 22
(NP: WHY by Secondhand Serenade)
CHANTELLE'S POV
"Kegan?"
Tama , si Kegan ang naririto sa harap ko at hawak ang aking mga kamay. Hindi ako nagtanong at nagpatianod sa bawat galaw niya. Nagtataka man ako sa ngayon pero alam kong malalaman ko rin ang kasagutan. Hindi ko namalayang nasa pinto na kami sa likod ng pinanggalingan namin. Paano niyang nalaman ito?
"Itatakas mo ang isa sa mga best player ng larong ito? Are you going to betrayed me? How come? I'm so disappointed."
Napatigil kami sa pagbukas ng pinto dahil sa isang kakilakilabot na boses. Hindi nga ako nagkamali sa mga hinala kong siya ang may pakana ng lahat ng ito. Agad akong itinago ni Kegan sa likod niya.
"Huwag kang lalapit dito. Leave us alone!"
"Why? She's my player and you're my follower. Well , let's just make it easy. I want to play a game."
At agad namang dumilim ang paligid , namalayan ko lang ay ang isang turok na nagpamanhid ng katawan ko. Wala akong maramdaman , tila ba paralisado akong tao na kailangan ng gabay para makagalaw. Madilim pa rin ang paligid. Ang alam ko lang ay nakabitin na ako habang nakatali ang mga kamay at may busal ang bibig.
"Chantelle!"
Nabuhay ang mga ilaw at bumalik ang wisyo ko. Eksperimento na naman ang ginamit sakin. Tumingin ako sa sumigaw na si Kegan , nakagapos ang mga kamay at mga paa niya. Napakakapal ng lubid na nakagapos dito at halata mong mahirap ang gumalaw. Malayo siya sa akin at doon ko lang napansin ang nasa ilalim ko , ang mga nag-aabang na piranha sa tubig. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng takot. Anong gagawin ko sa panahong ito? Kahit mag-isip ako kontrolado pa rin ang pinagbibitinan ko ng isang machine at baliw ang taong nagpapagana nito. Hindi sigurado kung ligtas ako o magiging hapunan ng mga piranhang lumalangoy.
"Pakawalan niyo siya diyan! Wala siyang kasalanan at huwag niyo siyang idamay sa larong ito! You , hopeless idiot guy! Let her go!"
Isang hampas ng upuan sa ulo ang natanggap niya at ang unting pagbaba ng tali ko. Nagtalunan naman ang mga halimaw na isda.
"Mag-ingat ka sa pananalita mo. Isang pindot ko lang dito hulog ang babaeng yan sa mga kaibigan kong maaasahang tunay. Ang kailangan mo lang namang gawin kung gusto mong makaalis siya diyan ay ang kunin ang controller na hawak ko...."
Naglakad siya sa isang hagdan at naglabas naman ang kanyang mga alalay ng isang malaking box na yari sa salamin na puno ng blade at itinapon ang controller sa loob nito sabay hinalo ng isang makinang kamay para mas lalong lumalim ang paglagyan nito.
"diyan sa dagat ng blade . Languyin mo lahat yan , mapapansin mo walang tubig diba? Sarili mong dugo ang magiging pinakatubig sa bawat galaw na gagawin mo. Kasalanan mo , padadaliin ko sana kaso masyadong matabil yang dila mo kaya MAGHIRAP KA! Uupo lang ako doon at panonoodin ang nangyayari. Be a superhero for this night but wait! Can you save her within 2 hours?!"
Ang sama ng tingin ni Kegan kay Mr. S at alam ko na kung ano ang gagawin niya sa pagtayo niyang yun. Tatanggapin niya ang hamon. Ungol ang nagawa kong paghindi. Hindi siya nagpatinag!
"Fine! I will risk my life just to save my friend from a demon like you!"
"Well , let's start the game! Timer starts ...... wait! walang kalasan ng lubid sa katawan! Alam mo ba ang thrill? .... NOW!"
Napakadaya niya maglaro! Nahihirapang gumalaw si Kegan pero pinipilit niya at ang matandang yun naman nagawa pang kumain ng popcorn at makipagtawagan!
BINABASA MO ANG
DARKER THAN BLACK (ON-GOING)
Mystery / ThrillerA story about facing a problem together. Story of trust and friendship against the dark.