GRAE KYBER'S POV
Dadalhin ko dapat siya sa kuwarto niya kaso may narinig akong yabag ng paa. Nagtago ako sa isang sulok pero sa hindi sinasadyang pagkakataon nagbukas ito , Secret wall? Nasa loob na kami , nagsarado ang wall at inihiga ko si Clint sa may mahabang upuan. Binuksan ko ang ilaw at tiningnan ang buong paligid. Nagulat na lamang ako sa nakita ko at napaupo ng bigla.
"Denver Montreal"
Bakit nandito ang bangkay niya , limang araw bago ito nawala at ipinawalang bahala lamang iyon ng buong paaralan. Sinabing walang nangyari at maaaring umalis na ito pero sa nakikita ko ngayon , pinatay siya , pinatay ng walang awa.
"Sino yang taong yan? Bakit siya walang malay? Pinatay mo ba siya?! Sino ka?!"
Nagising na pala si Clint. Agad ko siyang hinawakan sa kamay at pinakalma. Nilalayo niya ko sa kanya pero hinigpitan ko pa lalo ang hawak.
"Makinig ka , hindi ko siya pinatay at wala akong pinatay. Nakita ko lang ang katawan niya dito ng ganyan at kung ngayon ko siya pinatay , dapat hindi ganang kabaho ang amoy."
"Kung hindi ikaw , Sino?!"
"Hindi ko alam kung sino ang gumawa niyan pero sa ngayon kailangan ko ng patunay."
"Kung ganon , alam ko na din naman ang mga bagay na to at sabi mo wala kang ginawang masama. Sasama ako."
"Bahala ka."
Sa totoo lang , gusto ko lang siya makasama. Mula kasi ng nangyari noon hindi ko na siya nakakasama at tanging pagtitiwala lang kay Francis ang kaya kong gawin. Pinababantayan ko siya kay Francis at dahil sa nangyari noon ako lang ang nakalimutan niya dahil ako mismo nasaksihan ang nangyari.
"Good. Wala kang angal! Magaling!"
I took a picrures of Denver's body at diretsong sa pulis ko to irereport at hindi sa eskwelahan namin dahil sigurado akong mapapawalang bahala lamang ito at pakiramdam ko may isang kasabwat sa kanila.
"Ano tong tatak na to? Rosas na may kutsilyo at kulay itim pa?"
Agad akong lumapit kay Clint. Rosas at kutsilyong kulay itim? Isa lang ang organisasyong may-ari nito. Pero , hindi maaari ang mga ito. Paanong nangyaring sila ang may kagagawan?
A BLACK ROSE WITH A KNIFE is a logo from the ...
PENDLETON'S.
Sila lang ang mayroong ganang logo , pamilya ni Clint lang. Bakit ito ang logong nakita ko sa dibdib na may tama ng saksak kay Denver?
"Hindi ko alam kung ano iyan."
Natatandaan ko lang noon ay ang sinabi sa akin ni tita bago siya namatay.
"May traydor. May sisira sa pamilya ko. Ingatan mo si Clint sa taong yun."
Sinong tao yun? Sa dami ng Pendleton na kilala ko , hindi ko na alam kung sino pa sa kanila. Ang Pendleton ang may hawak ng chemical na scentia de amor kung saan ito ay kanilang eksperimento na nakakakontrol ng tao sa oras na maamoy ito. Sekreto lamang ang kemikal na ito pero dahil sa isang tao , napagtangkaan ang pamilya ng Pendleton. Namatay si tita dahil binaril ito at nasaksihan ni Clint ang buong pangyayari. Noong mga oras na iyon ay gumuho ang mundo niya , kaya niyang pumatay dahil nagawa niya na ito noon sa isang tao. Ginamit ni tita ang scentia de amor kay Clint at ipinaamoy dito.
"Kalimutan mo lahat ng nangyari ngayon anak. Wala kang maaalala at sa tamang panahon babalik ang lahat. Sa paghihiganti niya."
Noon , hindi ginagamitan ng teknolohiya ang pagkontrol ng tao dahil pang-isahan lamang ito ngunit dahil sa taong nasa likod ng lahat lumago ito.
"Gamitin niyo ang likidong ito para maiwasan ang chemicals na maaaring lumason sa buong sistema ng inyong katawan kapag nasobrahan."
Yun nga ang Madamoiselle's gift. Antedote para sa scentia de amor. Pagmulat ng mata ni Clint noon ay wala na siyang naalala pa , kahit ako hindi niya naalala kaya sabi ko kay Francis na sa kanya ko ipinagkakatiwala si Clint at nung mga oras na yun ang kilalang ama ni Clint ay si Tito Alendro Pendleton. Kapatid ni Tito Leon na ngayon ay wala na kaming balita pa. Nawala si Tita Sandra pero may dalawa siyang yamang naiwan at ito ay ang kanyang mga anak.
"Ano bang iniisip mo?"
"Wala."
Oo may kapatid si Clint. Limang buwan lang ang bata nun ng nawala si Tita Sandra. Itinago niya ito sa panganagalaga ni Adriana Pendleton , ang kapatid na babae ni Tito Leon.
"Dito muna ako , pahinga lang dahil sabi mo bawal lumabas. Tss."
Alam niyang lahat ang katotohanan. Alam niyang kapatid siya ni Clint at kung bakit niya itinago? Siya lang ang makakasagot niyan dahil wala rin akong alam. Basta ang kapatid ni Clint ay isang babae mula sa Emperors University.
The famous racer , SHIANNA PENDLETON is Clint's sister.
BINABASA MO ANG
DARKER THAN BLACK (ON-GOING)
Mystery / ThrillerA story about facing a problem together. Story of trust and friendship against the dark.