[KABANATA 13]
'Ikaw ang hiling ko.'
Hindi makapaniwalang napatitig ako kay Ghazi na nakangiti ngayon sa'kin. Nabibingi ako. Nabibingi ako sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Ako ba ang tinutukoy niyang hiling niya? Baka si Rhana, kasi nga sinabihan niya ang babaeng 'yon ng 'Mahal kita'. Ayokong mag-assume.
"Ang ganda ng tanawin dito", aniya habang nakatingala na sa ngayon at tinitignan ang mga lanterns na lumulutang sa ere. Paminsan-minsan ay sinasalo niya ang iilang mga talulot ng rosas na bumabagsak mula sa itaas at pinapalutang niya ang mga iyon sa ilog. Nang makontento na siya sa ginagawa niya, naisipan na niyang mag-sagwan pabalik sa flower market. Isang oras na kasi kaming nagpapalutang-lutang sa ilog habang non-stop naman ang pagtugtog ng violinist sa musikang River flows in you ni Yiruma. Naawa na nga ako sa violinist eh, siguradong nangangawit na siya. Pero ang sarap niya ding tadyakan, nakiki-third wheel eh.
Nang dumaong kami sa daungan ng flower market, ako ang umalalay kay Ghazi na bumaba sa bangka. Mukhang ako yata ang lalaki sa'ming dalawa.
"Nag-enjoy ka ba, Ghazi?"
"Oo, lalo na't ikaw ang kasama ko sa mga sandaling iyon ng buhay ko"
Bahagyang sinapak ko siya sa braso at napayuko ako kasi naman eh, hindi ko na mapigilan ang ngiti ko. Ang korny ng sinabi niya pero bakit tumatalab sa'kin? Huhuhu.
Habang binabayo namin ang daan palabas ng flower market, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Third na may binibiling something sa mga flower vendors.
"Ghazi, sandali", ika ko sabay hawak sa wrist ni Ghazi na alam kong ikinagulat niya. Sampong hakbang ang layo ni Third mula sa'min at malalagot ako sa oras na malaman niyang nandito ako kasama si Ghazi.
"Bakit, binibini? May nais ka pa bang bilhin?"
Halos atakihin na ako sa puso ko nang lumingon si Third sa direksyon namin, buti na lang at agad na humarang si Ghazi sa harap ko.
Nakita niya kaya ako? Sigurado akong nagtagpo ang paningin namin eh.
"Binibini? Ayos ka lamang ba?"
"Ha? Ano ulit ang sinabi mo?"
"Tinanong kita kung marahil ay may bibilhin ka pa sa pamilihan niyo"
Agad na umiling ako at sinubukan kong sumilip ng konti kung nakadako pa ba sa direksyon namin ang paningin ni Third kaso bumilog ang bibig ko nang mapagtanto kong nakatingin pa rin siya sa'min. Na para bang sinusuri niya kung tama ba siya na ako ang nakita niya.
Sabi na eh, nakita niya talaga ako! Nagkatitigan pa nga kami saglit eh.
Mabilis na nagtago ako sa harap ni Ghazi, buti na lang at matangkad siya. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya na ikinalaki ng mga mata niya.
"Ghazi, makinig ka. Hindi muna tayo lalabas sa flower market, mas mabuting magtago muna tayo"
"Bakit--"
"Makinig ka na nga lang sabi eh!"
Hinatak ko siya palayo sa mga flower vendors. Ramdam na ramdam ko pa rin na nakatingin pa rin si Third sa'min kaya kinaladkad ko si Ghazi sa likod ng mga maliliit na stores at nagtago kami. Kitang-kita ko sa mukha ni Ghazi na naguguluhan na siya sa ginagawa ko. Sinubukan kong sumilip mula sa kinaroroonan ko ang pwestong kinaroroonan ni Third kanina pero wala na siya. Umuwi na ba siya?
"Magkano po 'to?"
Muling nanlaki ang mga mata ko at kumarera ang puso ko nang marinig ko ang pamilyar na boses ng lalaki. Ramdam ko na ang panlalamig ng pawis ko sa noo ko at nabibingi ako dahil sa sobrang kaba. Sobrang lapit lang ng boses na narinig ko. Boses 'yon ni Third.
BINABASA MO ANG
Chasing Fourth [COMPLETED!]
ФэнтезиAileia Laforteza is the youngest daughter of one of the richest family in San Valmonte. She is already bethrothed to someone her heart doesn't want. In fact, she doesn't want anyone else, not until she met a guy named "Fourth". She fell in love to...