Kabanata 19

26 3 0
                                    

[KABANATA 19]

"Ayos ka lamang ba binibini?" tanong ni Zedro sa'kin upang mabasag ang mahabang katahimikan na namayani sa aming dalawa.

Nandito kami ngayon sa bundok at may ilog na malapit lamang sa pinagpahingahan namin. Narating namin ito matapos ang halos dalawang oras na paglalakad.

Madilim ang paligid, tanging liwanag mula sa mundo ko ang nagbibigay liwanag sa paligid. Ang dilim ay lalong nagpatingkad sa kulay ng mga alitaptap na namamahay sa puno na sinisilungan namin.

Nakaupo lamang kami sa ilalim ng puno habang pinagmamasdan ang ilog sa tapat namin, nagre-reflect rito ang ilaw ng aking mundo.

"Hindi ko alam, Zedro"

Hindi siya sumagot, mukhang naintindihan niya yata na hindi pa ako ganadong makipag-usap. Maya't-maya ang pamumuo ng mga luha ko sa tuwing naiisip ko ang itsura at mga sinabi ni Ghazi kanina ngunit pinipigilan ko ang sarili ko na huwag maiyak. Mas mabuti pang lumayo ako sa kaniya, para sa kaniya rin naman ito eh.

"Kailan ba tayo pupunta sa mansion niyo? Doon ba tayo magpapalipas ng gabi?" tanong ko saka nilingon ko siya. Nakatingin siya sa'kin habang nakakunot ang noo niya.

"Hindi tayo pupunta roon binibini. Hindi ka ligtas doon. Mahahanap ka ng mga kawal doon kaya mas mainam na lumayo muna tayo sa lahat"

"Mabuti naman at pumayag si Fernando--"

"Walang alam si ama na lumisan ako sa aming tahanan upang ligtasin ka. Bukas, panigurado, malalaman niya na ang pagkawala ko ngunit huwag mo ng alalahanin iyan, handa akong makipaglaban para sa iyong kaligtasan"

Hindi ako kumibo at ibinaling ko na lamang ang tingin ko sa ilog.

Parang kailan lang. Sumasakay pa kami ni Ghazi ng bangka doon sa mundo ko pero ngayon, heto ako sa tapat ng ilog ng Montesawa at iba ang kasama ko.

Muli akong napalingon kay Zedro nang tumayo siya at kinuha niya ang espada niya.

"Kukuha muna ako ng dahon upang makahiga tayo sa lupa binibini" anito saka nakangiting umalis dala-dala ang espada.

Oo, bahagyang lumundag ang puso ko sa perpekto niyang ngiti pero ba't hanap-hanap ko pa rin ang mga ngiti ni Ghazi?

Gaano ba siya kahirap mahalin? Kahit anumang pilit kong abot, hindi ko siya maabot. I love him, but loving him is a death sentence to me.

"Binibini, ba't sinabi mo kay Ghazi na ikakasal tayo? Ibig sabihin, tinatanggap mo na ang alok ko?" tanong ni Zedro. Nakabalik na siya at may pasan-pasan siyang mga dahon ng saging at iilang mga kahoy.

"Hindi noh. Assuming mo"

He flashed a smile at nagsimula na niyang ilapag ang mga dahon. Umupo siya doon saka tinapik niya ang espasyo sa tabi niya.

"Halika, dito ka binibini" nakangiti niyang sambit.

Kahit sa kabila ng lahat ng pinagdadaanan ko, ang kilalang masama pa sa mundong ito ang nagpakita sa akin ng kabutihan. Hindi ko makita sa kaniya ang kasamaang sinasabi ng lahat. Mabait si Zedro, sobra.

Tumabi ako sa kaniya at muling namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Tanging tunog ng mga insekto at pagdaloy ng ilog naririnig namin. Pansin ko naman ang pagtingin ni Zedro sa kalangitan --nakatingin siya sa buwan nila na siyang mundo ko.

"May nabubuhay kaya roon? O hindi kaya'y iyan ang mundo ng mga tinatawag na tao? Katulad lang din ba sila sa atin?" sunod-sunod na tanong niya. Nasorpresa ako sa mga tanong niya. Ibig sabihin, wala siyang alam na nagmula ako sa mundong iyon?!

Chasing Fourth [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon