[KABANATA 4]
Nawindang ako sa nabasa ko. Parang ayaw i-absorb ng utak ko ang nalaman ko. Hindi ko nga alam kung maniniwala ako eh. Kung totoo man ang nakasulat, sigurado akong hindi ako ang babaeng tinutukoy sa propesiya nila. Like hello? I am not a girl.
Napabuntong-hininga ako at saka tumayo ako mula sa sidewalk at nagsimulang maglakad. Hindi ko na rin hinanap pa si Fourth, hindi ko na siya nakita eh. Napapasipol naman yung mga lalaking nakakasalubong ko kaso itinaas ko lang ang middle finger ko at hindi ko sila pinansin. Kapag mga sexy na babae naman ang nakakasalubong ko, napapasunod ang paningin ko sa kanila.
Bigla akong napatigil nang may sasakyang bumusina sa gilid ko at dahan-dahang bumukas ang bintana nito. Tumambad sa harapan ko ang mukha ni Third at bakas sa mukha niya ang galit.
"Oh, ba't ka nandito? Anong ginagawa mo dito? May kailangan ka?", tanong ko na parang wala akong ginawa sa kanya. Unti-unting namula ang mukha niya at tinaliman niya ang tingin niya sa'kin.
"Diba dapat ako ang nagtatanong sa'yo kung bakit ka nandito? You left without telling me!", galit na sabi niya kaya pinaikot ko lang ang mga mata ko at iwinagayway ko ang kamay ko saka ginaya ko ang sinabi niya in a pabebe mode.
"You left without telling me. Nyenyenye", pang-aasar ko sa kanya at saka tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad pero hindi pa ako nakakalayo, naramdaman kong may humigit sa braso ko at agad na binuhat ako na parang isang sako. Agad na nagpumiglas ako habang minumura siya.
"This is what you want huh? Gusto mong magalit ako? Edi fine!", matigas na sambit ni Third habang pasan-pasan niya ako at saka sapilitang isinakay niya ako sa sasakyan. Tinadyakan ko ang kung anong bagay na pwede kong matadyakan sa loob ng sasakyan niya at minura ko siya ng minura hanggang sa tumahimik ako nang biglaan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko na para bang hahalikan niya ako. Nanigas ako at mas umayos ako ng upo upang kahit papaano ay mailayo ko ng konti ang mukha ko sa mukha niya pero mas lalo lang niyang inilapit tuloy. Unti-unti namang sumilay ang isang nakakalokong ngiti ng gagong 'to. I swear, kung hahalikan niya talaga ako, baka mabugbog ko siya.
"Tatahimik ka o hahalikan kita?", confident na tanong niya habang nakatingin ng diretso sa mga labi ko. Eww, kinikilabutan ako. Sobra.
"Sige, subukan mo kundi hindi ka na sisikatan ng araw bukas", confident ko rin na sagot at saka kinindatan ko siya sabay tulak sa kanya palayo sa mukha ko.
"Yan ang gusto ko sa'yo eh, palaban", aniya habang nakangiti at saka pinaandar na niya ang sasakyan.
"Saan tayo pupunta?", tanong ko at saka ginulo ko ang buhok ko. Nginitian lang niya ako ng nakakaloko at saka pinaharurot ang sasakyan. Hindi na ako nag-reklamo sa speed niya. Gusto ko naman ang mabilis eh.
"We're here, mahal ko", aniya at saka lumabas at pinagbuksan ako ng pintuan pero tinadyakan ko ang mahiwagang bola niya kaya agad siyang napaupo at namilipit sa sakit.
"Nakakadiri ang mahal ko", sabi ko sa kanya at saka lumingon ako sa kabilang direksyon at halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita ko. Nakatayo ako sa labas ng malaking gate ng hacienda nila na may nakalagay na 'HACIENDA VALMONTE'. First time ko pang makapunta rito kasi sa tuwing sinusubukan akong dalhin ni Third dito, nagda-dahilan ako na masakit ang tiyan ko pero ngayon, naisahan niya yata ako.
"Ang laki pala talaga ng mansyon niyo, eh noh?", manghang-manghang sabi ko saka tumakbo ako papunta sa gate at pinagmasdan ko ang kabuuan ng hacienda nila. Ang front pa lang ang nakikita ko at sobrang ganda ng garden nila.
"Few months to go, makikita mo na ang sarili mo na palakad-lakad araw-araw dito sa garden", sambit ni Third na kakarating pa lang sa tabi ko at nakahawak pa rin siya sa mahiwagang bola niya. Halata rin sa mukha niya na namimilipit pa rin siya sa sakit.
BINABASA MO ANG
Chasing Fourth [COMPLETED!]
FantasíaAileia Laforteza is the youngest daughter of one of the richest family in San Valmonte. She is already bethrothed to someone her heart doesn't want. In fact, she doesn't want anyone else, not until she met a guy named "Fourth". She fell in love to...