Kabanata 9

91 9 1
                                    

[KABANATA 9]

"G-ghazi...", utal na sambit ko at nagbagsakan ang mga luha ko habang nakatitig ako sa mukha niyang walang nakatakip na maskara.

Napatitig siya sa'kin at unti-unting gumuhit sa kaniyang mukha ang gulat. Muling tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Bumuka ang bibig niya na para bang may sasabihin siya pero hindi niya itinuloy.

"G-ghazi...", ulit ko.

"I-ikaw si... "

Napahikbi ako at naitakip ko ang palad ko sa bibig ko. Bakit hindi ko napansin? Bakit hindi ko siya nakilala?

Bakit kailangan niyang ikubli sa akin ang katotohanan sa kaniyang katauhan?

"Bakit, binibini? Ngayon mo lamang ba nasilayan ang mukha ng kamahalan?", nakangising tanong ni Zedro sa'kin at saka itinago niya ang espada niya sa lalagyan na nasa gilid ng kaniyang baywang.

"Hayaan mo akong magpaliwanag". Nagsusumamo ang mga tingin niya nang binanggit ang mga salitang iyon sa'kin habang hawak-hawak niya ang sugat sa tagiliran niya na natamo niya mula kay Zedro.

"Ibig kong itago sa iyo kung sino ako upang ang iyong pamamaraan sa pag trato sa akin ay naiiba hindi tulad ng mga nakakakilala sa akin bilang Ghazi! Nakita mo mismo kung paano natakot sa akin ang aleng nagtitinda ng mga damit sa makalumang pamilihan nang makita niya ang simbolong suot ko. Ayokong matakot ka sa'kin. Ayokong tignan mo ako gaya ng kung paano tumingin ang iba sa'kin--"

"What the hell! Hindi naiba ang pag trato ko sa'yo kahit na alam kong hihirangin kang hari sa mundo mo--"

"Hindi mo ako naiintindihan binibini!"

Binalot kami saglit ng katahimikan habang nagtititigan kami. Nagsisimula ng magbagsakan ang mga luha niya samantalang nakangisi naman sa gilid si Zedro na animoy nanonood ng teleserye.

"Kaya pala alam mong nahulog ako sa ilog Demad, kaya pala pareho kayong may tuldok na nunal sa mga mata, kaya pala sinabi mong inakala mo akong si binibining Rhana kahit hindi ka si Ghazi ng mga oras na iyon, kaya pala sinabi ni Tatang Tirso sa'kin na anak ni Renara Monteressi ang nakita niyang dumating sa gubat nang sinaktan ako ni Felicio, kaya pala umiba ang tingin ni Rhazi nang ipinakilala kita sa kaniya bilang si...bilang si Fourth. Kaya pala...kaya pala... "

Kaya pala tumitibok ang puso ko sa iyo gaya ng kung paano ito kumabog kapag si Fourth ang kasama ko .

Huminto ako saglit sa pagsasalita at napapikit dahil sa galit na umaalab sa loob-loob ko.

"Si Fourth at si Ghazi ay iisa lamang pala. Inuto mo ako. Galing mo noh? Bigyan kita ng jacket dyan eh. Sarap mong hambalusin", sarkastikong sagot ko.

Nakangiting sumakay sa karwahe si Zedro at sumaludo pa ito kay Ghazi na nakatayo sa tapat ng karwahe at taimtim na nakatitig sa'kin.

"Nakaligtas ka ngayon", wika ni Zedro habang nakapaskil sa kaniyang mukha ang nakakalokong ngiti. Tinignan ko si Ghazi na hawak-hawak ang dumudugong tagiliran niya pero diretso siyang nakatingin sa mga mata ko na ikinatigil ko.

Ang mga tingin na iyon ay punong-puno ng kalungkutan na animoy nagsusumamo siya--teka. Hayaan na natin 'yan Ayeya. Inuto ka niya eh.

"Tayo na... Zedro"

Kasabay ng pagbigkas ko ng tatlong salitang iyon ay ang sunod-sunod na pagbagsak ng mga luha sa mga mata ni Ghazi--ni Fourth. Naramdaman kong tumakbo na ang kabayo palayo pero nilingon ko pa rin si Ghazi at nanlaki ang mga mata ko nang bumagsak siya sa lupa.

Anong nangyari sa kaniya?! Ayos lang kaya siya?!

Tiningnan ko si Zedro na nakatingin sa kawalan at may simpleng ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto ko siyang sabihan na babalikan ko si Ghazi saglit pero baka ma-beastmode siya at mag-transform pa into hulk.

Chasing Fourth [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon