[KABANATA 25]
Mahigit isang taon na ang lumipas simula ng ipanganak ko si Zephaniah. Mahigit isang taon ko na siyang inaalagaan. At of course, dahil pink ang mga binili ni Kuya Azali at Third para sa baby ko, halos dalawang buwan ko ipinasuot ang mga iyon kay Zeph bago napag-desisyunan ni Mommy na ipamigay sa mga katulong namin na may kakilalang may baby. Namili uli kami ng mga bago, intended for a baby boy.
Dahil may dugo siyang montesam, napapansin ko ang kaibahan niya mula sa mga normal na bata. Si Zeph, six months pa lang siya, natuto na siyang banggitin ang salitang "mama" at natuto rin siyang umupo. Tuwang-tuwa pa nga siya nang makaupo na siya. A week later, nagsimula na naman siyang matutong tumayo at maglakad ng mahina habang nakakapit sa kung ano-anong pwede niyang makapitan.
Ngayon, medyo nakakapagsalita na siya ng konting words at nakakapaglakad na rin ng hindi hinahawakan pero kailangan pang gabayan dahil baka madapa.
Naiiyak ako minsan habang minamasdan siyang matulog. I almost killed him when he was still in my womb, at nagsisisi ako sa desisyon ko sa tuwing nakikita ko siyang nginingitian ako.
He looks like Ghazi a lot. Maputi rin ang balat niya. Malalaki at mapupungay na mga mata. Ang kakapalan ng kilay niya. Ang medyo brownish na buhok niya. Ang nunal niya. Ang ilong niya at lalo na ang ngiti niya. Naaalala ko si Ghazi sa tuwing nakikita ko siya. Of course, ang best asset ni Zeph ay ang
mapupula niyang pisngi. Ang sarap nga kurutin pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Ang tanging namana niya ata sa'kin ay ang mahahabang pilik-mata ko. Hayys.Sobrang dami na ang nagsabi na sobrang pogi raw ng anak ko, na para siyang isang anak ng royal bloods. Kung alam lang nila.
Marami din ang kumukuha ng picture niya kapag dinadala ko siya sa mall saka nag-viral na rin ang photos niya online ng maraming beses. Sobrang dami ng nag message sa'kin na gusto raw nila ampunin ang baby ko. Hell, not happening.
Ngayon, month of February 20XX, engagement party ni Thea at ni Kuya Azali. It's not arranged, unlike what happened between us ni Third. Kasalukuyang hinihintay ko si Third dito sa bahay namin kasi hindi pa siya bumabalik. Dinala niya si Zeph at ang paalam niya sa'kin ay mamamasyal lang sila sa park pero almost 2 hours na, hindi pa rin sila bumabalik.
"Mommy, wala pa ba si Third?!" sigaw ko pagkababa ko ng hagdan.
"Baka pauwi na sila. Wag kang mag-alala, alam mo namang hindi niya pababayaan si Zeph"
Napakamot ako sa ulo ko. Hindi ako mapakali. I wanna see my son so bad.
Muli kong tinawagan ang number ni Third ngunit hindi pa rin niya ito sinasagot. Nakailang dial muna ako bago niya sinagot.
"PESTE THIRD! NASAAN KA NA?! SAAN MO DINALA ANG ANAK KO?! ANONG ORAS NA?!"
Tumawa siya sa kabilang linya.
"Chill, mahal. Why so overprotective? Zeph is okay" tumawa siya saka mukhang kinausap ang baby ko. "Right, baby? I think mommy is missing you right now. Say 'mommy' "
"Mummy, he he he"
Idiniin ko ang cellphone ko sa tenga ko upang mas marinig ko ang boses ng Zeph ko. Ang cute ng tawa niya.
"Oh diba, he's perfectly fine with me mahal" sambit ni Third.
"I-uwi mo na si Zeph. I wanna see him"
"Yes ma'am! We're on the way na nga diyan eh. Nagmamaneho ako ngayon"
Idiniin ko uli ang cellphone ko nang marinig kong nagsalita ang baby ko.
"Mummy! Mummy! Mummy!"
"You wanna talk to mommy?" sambit ni Third sa kabilang linya. Bahagyang umingay dahil siguro iginalaw ni Third ang phone upang mailapit kay Zeph.
BINABASA MO ANG
Chasing Fourth [COMPLETED!]
خيال (فانتازيا)Aileia Laforteza is the youngest daughter of one of the richest family in San Valmonte. She is already bethrothed to someone her heart doesn't want. In fact, she doesn't want anyone else, not until she met a guy named "Fourth". She fell in love to...