Kabanata 5

118 22 15
                                    

[KABANATA 5]

Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Nanlaki ang mga mata ko habang inililibot ko ang paningin ko sa lugar na kinaroroonan ko.

Imposible! Nasaan ba ako?

"Tinatanong kita binibini. Paano mo nagawang sumama sa amin?", tanong ni Ghazi mula sa likuran ko. Hindi ko siya nilingon pero naitakip ko ang mga palad ko sa bibig ko. Sa tingin ko, nasa loob ako ng isang malaking palasyo. Nakatayo ako sa gilid sa likod ng malaking concrete na parang poste at mula dito, may mga babaeng nakasuot ng mahabang damit na hanggang sa talampakan nila at may suot silang kwintas na diamante na kulay asul. Busy sila sa paglilinis ng sahig at paglinis sa mga alikabok sa isang carpet na kulay pula at may gold sa gilid. May isang sosyal na upuan sa ibabaw ng hagdan na sa tingin ko ay trono ng kanilang hari. Teka, ang kwintas na suot nila ay kagaya rin sa kwintas na suot-suot ni Felicio at ng mga kasamahan niya.

So ibig sabihin, nasa mundo nila ako?!

"Oh my gosh!", medyo hysterical na sabi ko at napahawak ako sa buhok ko. Nagsisimula na akong ma-frustrate. Hindi maari. Paano ako makakauwi?!

Sisigaw na sana ako ulit kaso naramdaman ko na lang na may humigit sa'kin at tinakpan ang bibig ko kaya pinagsikapan kong makita kung sino. Si Rhazi.

"Kung ako sa iyo binibini, ititikom ko ang aking bibig. Hindi mo batid kung gaano nanganganib ang buhay mo dito sa aming mundo", banta ni Rhazi sa'kin at itinapat niya ang kaniyang kanang index finger sa labi niya na para bang sinasabi niyang 'sshh'. Dahan-dahang tumango ako at saka napatingin ako kay Ghazi na walang expression na nakatingin sa'kin. Ini-alis ko ang kamay ni Rhazi sa bibig ko at saka sumilip ako sa espasyo na nililinisan ng mga babae at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Felicio at ang dalawang kasamahan niya. May hawak na patalim si Felicio at may bahid ito ng dugo. Ang dugo na mula sa braso ko.

Binigyan ko ng tingin ang braso ko na dumudugo at saka bumaling ang paningin ko kay Felicio. Ang sarap niyang sakalin. Ang kapal niyang sugatan ako. What the hell!

"¿Viste eso de otro mundo para venir a nuestro palacio?!" (May nakita ba kayong binibini na mula sa ibang mundo na pumarito sa ating palasyo?!), galit na sigaw ni Felicio. Agad na yumuko ang mga babae at umiling. Nanggi-gigil ako ah. Bukod sa wala akong naintindihan sa sinabi niya, kung makasigaw siya para siyang isang hari dito.

"Tara na binibini, sumama ka sa amin", malamig na tugon ni Ghazi sa'kin at tumango siya na para bang sinasabi niyang 'sumama ka sa'min bitch'.

Agad na sumunod ako sa kanilang dalawa habang patago-tago kami sa gilid upang walang makapansin sa amin.

"Pwede naman tayong mag-teleport eh. May power naman kayo--"

"Limitado ang aking kakayahan binibini. Tanging si Rhazi lang ang may kakayahang gawin ang lahat", aniya habang hindi ako nililingon.

"Ha? Akala ko ba king ka? You are supposed to be the most powerful--ay teka. Hindi ka pala nakakaintindi ng ingles", sabi ko saka pinaikot ko ang eyeballs ko.

"Excuse me? Don't you dare belittle my abilities. You don't know who I am", sagot niya na ikinalaki ng mga mata ko. Tinaasan pa niya ako ng kilay. Edi wow.

Biglang tumawa ng mahina si Rhazi at saka tinitigan niya ako pero pinanlakihan ko siya ng mga mata kaya mas lalo siyang natawa.

"Kami ay pinag-aral sa lahat ng wikang ginagamit sa inyong mundo pero mas ginagamit dito ang wikang Filipino at wikang espanyol", aniya saka hinawakan ang braso ko at ang braso ni Ghazi.

"Tenez-moi une dame" (French - Hahawakan kita binibini), dagdag niya at sa isang iglap, may parang humatak na naman sa'kin at nang imulat ko ang mga mata ko, nasa loob na kami ng isang malawak na silid at may mga gold designs sa wall. Ang laki rin ng kama, parang higaan ng royal families. Agad na nilapitan ko ang mga gintong disenyo sa wall. Omg, kung kukuha ako nito, mas yayaman ako. Makakapag-travel ako kahit saan!

Chasing Fourth [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon