Kabanata 1

388 55 117
                                    

[KABANATA 1]

Itinikom ko ang bibig ko upang walang tunog na lalabas nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko. Nakatalukbong ako ng kumot kaya hindi niya malalaman na gising pa pala ako.

"Aileia? Tulog ka na ba anak? ", rinig kong tanong ni Mommy pero hindi ako sumagot. Hindi niya pwedeng malaman na gising pa ako. Kung mahuhuli niya ako, hindi matutuloy ang plano ko.

"Alam mo anak, sana maintindihan mo ang desisyon namin ng Daddy mo", dagdag ni mommy at naramdaman kong palapit siya sa'kin. Ipinikit ko ang mga mata ko baka sakaling tatanggalin niya ang kumot na nakataklob sa'kin, edi mahuhuli niyang gising pa ako.

Gumalaw ang kama na hinihigaan ko kasi umupo siya sa tabi ko at naramdaman kong ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ko. Napabuntong-hininga siya. Kailan ba lalabas si mommy sa kwarto ko? Male-late ako nito sa party.

"Aileia, sana maintindihan mo kung bakit hindi pa rin namin binabawi ang naging desisyon namin. Mas mabuting ikasal ka kay Third. Masasalba ng pamilya nila ang negosyo natin at saka alam naman natin na mahal ka niya kahit ganyan ka. Magiging ligtas ka sa mga kamay ni Third. Gusto lang naman namin ng Daddy mo na magkaroon ka ng maayos na kinabukasan", sambit ni Mommy. Mas idiniin ko ang pagkakapikit ng mga mata ko. Naiinis ako sa tuwing naalala ko ang kasunduang ginawa nila 3 years ago sa mga Valmonte. Ayokong ikasal sa lalaking 'yon. Mabait naman siya sa'kin pero ayoko talaga sa kanya. Pwede naman akong mag-trabaho para sa sarili ko. Edi mase-save na ang future ko.

"Bakit ko ba ipinapaliwanag sa'yo ang lahat ng 'to? Tulog ka na rin naman eh. Sleep tight my princess, goodnight", dagdag niya saka tinapik ang balikat ko at pinatay niya na ang lamp. Naramdaman kong gumalaw na naman ang kama dahil tumayo siya at ilang sandali pa, narinig ko na lang na sumara na ang pinto.

Ito na ang hudyat.

Agad na bumangon ako sa higaan at kinapa ko ang cellphone ko upang i-on ang flashlight. Ayokong i-on ang ilaw, baka mahalata nila na gising pa ako. Agad-agad akong lumapit sa pintuan at idinikit ko ang tenga ko. Mukhang tahimik na sa labas. Siguro tulog na silang lahat. Dahan-dahan akong nag-tiptoe papunta sa walk-in closet ko upang magsuot ng sneakers. Isang floral dress na rin naman ang suot ko at isang pares ng sandals pero hindi ko gusto ang porma ko kaya papalitan ko ang sandals ko ng sneakers. Kung pwede nga lang na panlalaki na damit ang suotin ko sa party, gagawin ko talaga pero hindi pwede. Baka may makakita sa'kin doon na kakilala ng mommy at daddy ko o di kaya'y kakilala ng pamilya Valmonte. Malalagot pa ako. Ayoko sa mga pambabae na damit pero anong choice ba ang meron ako? Wala. Ang hirap maging unica hija ng isang mayamang pamilya.

Binilisan ko ang pagtali sa laso ng sneakers ko at saka siniguro kong naka-lock ang pinto. Dahan-dahan akong sumampa sa bintana ng kwarto ko at saka pinagmasdan ko muna ang paligid. Walang mga guards na nakatalaga sa bahagi na 'to ng mansyon kaya't dahan-dahan akong bumaba habang nakahawak ako sa maari kong makapitan sa wall. Mas mainam talaga na sneakers ang suotin ko sa oplan takas na 'to. Mahihirapan akong bumaba sa kwarto ko kapag nakasuot ako ng sandals. Nang makarating ako sa baba, inayos ko muna ang damit ko. Ang hassle talaga suotin ang mga dress. Sana nag-jersey na lang ako.

Napalingon-lingon ako sa paligid at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang dalawang guards na mahinang naglalakad papunta sa parteng kinaroroonan ko. Agad na napayuko ako at dahan-dahang naglakad papunta sa puno at nagtago ako roon. Kinakabahan ako kahit na ilang beses ko ng ginawa ang pagtakas. Sumilip ako sa puno upang tignan ang mga guards pero takte, saktong tumigil pa sila sa tapat ng bintana ng kwarto ko at napatingala doon.

"Bakit palaging nakabukas yata ang bintana ng kwarto ni miss Aileia?", rinig kong tanong ng isang guard sa kasama niya. Shit, ang sarap nilang batuhin ng malaking bato sa ulo.

Chasing Fourth [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon