[KABANATA 12]
"Mahal din kita, aking Ghazi", sambit nito sabay pulupot ng mga kamay niya sa leeg ni Ghazi at hinila niya ito palapit sa kaniya saka hinalikan.
Bakit......bakit ang sikip sa dibdib?
Nanatili akong nakaupo doon habang tinatanaw ang isang nakakasabik na eksena ng isang teleserye habang nagbabagsakan ang mga luha ko sa hindi ko malaman na dahilan. Oo, masakit ang braso ko at nanghihina na ako pero walang-wala ito sa kirot na nararamdaman ko sa puso ko.
Saksi ang buwan at ang bituin sa nararamdaman kong sakit sa damdamin ngayon.
Alam kong hindi ko dapat nararamdaman 'to. May sira siguro ang puso ko. Bahagyang pinunasan ko ang mga mata ko gamit ang palad ko samantalang nakayakap pa rin si Rhana sa kaniya ngunit natigilan ako nang gumawi sa direksyon ko ang paningin ni Ghazi at unti-unting nanlaki ang mga mata niya. Bumaba ang mga tingin niya sa braso ko at akmang gumalaw siya upang malapitan ako kaso biglang lumitaw si Rhazi sa pagitan namin.
Nakakawindang! Pinalibutan siya ng ilaw nung una pero nawala na lang bigla. Hindi ba siya tao?
"Magkakasakit yata ako sa puso nang dahil sa sobrang pag-aalala sa'yo binibini!", pambungad na sambit niya sa'kin saka umupo upang mapantayan ako. Mabilis na hinila niya ang braso ko upang matignan niya. Medyo nangingitim na ang balat ko na nakapalibot sa palaso--wait. Mamamatay na ba ako?! Oh my gosh, Lord please wag muna ngayon. Please.
Mas lalo akong kinabahan nang tumitig si Rhazi sa mga mata ko habang nanlalaki ang mga mata kaso naputol ang titig niyang iyon nang malakas na hinila siya ni Ghazi upang tumayo.
Magkakilala sila?! Connected ba kaming tatlo? Ugh. Talaga bang may mga ala-ala akong nawala?
"Bakit mo kasama ang binibini?", malamig na tanong ni Ghazi kay Rhazi. Umigting naman ang panga ni Rhazi nang marinig niya ang tanong na iyon samantalang nakatayo si Rhana sa likuran ni Ghazi at hindi maipinta ang reaksyon niya.
"Bakit kailangan mong malaman?"
"Bakit kasama mo ang binibini?!", ulit ni Ghazi pero sa pagkakataong ito, may bahid na ng galit ang boses niya.
"Hindi mo na dapat malaman ang sagot, kamahalan", sarkastikong sagot ni Rhazi at hinarap niya ako kaso hinila siya ulit ni Ghazi. Tsk. May nabubuo ng tensyon sa pagitan nilang dalawa.
"Tinatanong kita bilang iyong hari hindi bilang iyong kapatid. Bakit kasama mo si binibining Aileia?!"
Whuut?! HARI? AS IN KING?
Sandaling nagtaka ako nang tumawa ng mahina si Rhazi sabay tapik sa balikat ni Ghazi. "Hindi mo na nararapat pang alamin kamahalan sapagkat umalis ka na sa kaniyang buhay nang binura mo ang mga ala-ala niya tungkol sa mga Montesam at ang Montesawa. Kaya kung maari, huwag mo na kaming abalahin ng mapapangasawa ko sapagkat kailangan niyang malunasan"
Naikuyom ko ang mga kamao ko kahit na masakit ang braso ko saka pinanlisikan ko ng mga mata si Ghazi.
"Ahh. So ikaw pala ang walanghiya na nangialam sa mga ala-ala ko! Ganon rin ba ang ginawa mo kay Third?"
Imbis na sagutin ni Ghazi ang paratang ko sa kaniya, mabilis na hinila niya ulit si Rhazi at sinuntok sa mukha na parehong ikinagulat namin ni Rhana.
"Kamahalan!", sigaw ng babae.
"Bakit ka nagkakaganiyan, aking kapatid? Dahil ba sa binibining ito?!", itinuro ako saglit ni Rhazi at bakas sa mukha niya ang galit. "Ano?! Siya na ba talaga ang nakatakda sa propesiya?! Kaya ko siyang paslangin ngayon din upang maibalik ka sa iyong sarili!"
BINABASA MO ANG
Chasing Fourth [COMPLETED!]
FantasíaAileia Laforteza is the youngest daughter of one of the richest family in San Valmonte. She is already bethrothed to someone her heart doesn't want. In fact, she doesn't want anyone else, not until she met a guy named "Fourth". She fell in love to...