Kabanata 8

102 11 2
                                    

[KABANATA 8]

"Nasa kanilang dalawa lamang ba ang lalaking iniibig mo?", seryosong tanong niya at bigla niya akong hinigit at saka niyakap niya ako ng mahigpit. Kasabay ng pagyakap niya ay ang pagliparan ng mga bagong alitaptap mula sa mga damong nakapalibot sa'min.

"Dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Nababaliw na ako. Binabaliw mo ako, Aileia", bulong niya sa tenga ko at mas hinigpitan ang yakap niya.

Dugdug. Dugdug.

Malakas na itinulak ko siya palayo sa'kin at saka napasinghap ako.

"Nasasakal mo na ako", palusot ko at saka nagmamadali akong maglakad palayo sa kaniya. Gusto ko pa sanang tignan ang mga alitaptap na kulay asul at dilaw kaso naramdaman ko kasing uminit na ang mukha ko--senyales na namumula na ako. Masyado namang nakakahiya kapag makita niyang nagre-react ang katawan ko sa mga bagay na ginagawa niya.

Ilang sandali pa, narinig ko ang tunog na nalilikha ng mga damo sa bawat pag-apak ni Ghazi sa mga ito. Hindi ko siya nilingon baka kasi namumula pa ang mukha ko.

"Ang iyong kasuotan ay hindi nababagay sa'yo. Ikaw ay isang binibini", rinig kong sambit niya habang nakasunod sa'kin. Napatingin naman ako sa suot kong shirt, jeans, at sneakers. Aba, wala palang pinagkaiba ang lalaking 'to sa mga pamilya ko.

"Oh ano ngayon? Gusto ko eh", sarkastikong sagot ko habang hindi siya nililingon.

"Pupunta tayo sa pamilihan kapag ang araw ay sumikat na. Magpahinga muna tayo doon", ika niya kaya napalingon ako sa kaniya. Nakaturo siya sa isang direksyon kaya napatingin ako sa tinuturo niya. Isang malaking puno na punong-puno ng mga alitaptap na animoy isang Christmas tree.

"Maari tayong sumilong sa ilalim ng puno na iyan", dagdag niya saka humakbang palapit sa malaking puno.  Kahit labag sa kalooban ko, sumunod ako sa kaniya. Pinagpagan niya muna ang mga damo na tumubo sa lupa na parang mga bermuda grass at saka umupo siya sabay sandal sa katawan ng puno. Dahan-dahan rin akong umupo sa tabi niya pero may espasyo pa naman sa pagitan namin.

"Ikaw ba ay nagugutom na?", tanong niya sa'kin habang pahiga na nakasandal siya sa katawan ng puno at inuunan niya ang kaniyang braso.

"Hindi pa noh! Ang tibay ko kaya", sagot ko pero natigilan ako nang tumunog ng malakas ang tiyan ko kaya bahagyang tumawa siya.

What the hell.

"Sige, ako'y maniniwala na hindi ka nakakaramdam ng gutom sa ngayon binibini. Kung ganoon, mag-isa kong kakainin ito", aniya sabay labas ng isang piraso ng tinapay. Mas lalong kumalam ang tiyan ko. Bwisit. Never in my life akong nagutom ng ganito. Na-realize ko bigla kung gaano kahalaga ang bawat piraso ng tinapay. Dati, hindi ko ginagalaw ang tinapay sa mansyon sa tuwing kumakain ako ng umagahan.

May papikit-pikit effect pang ginawa si Ghazi habang sinusubo niya sa ilalim ng itim na telang maskara na nakatakip sa kaniyang mukha mula ilong hanggang bibig ang tinapay. Alam ko ang binabalak niya. Iniinggit niya ako sa tinapay na kinakain niya. Inaasar niya ako kaya tumalikod ako sa kaniya habang nakahiga ako sa damo.

Ilang oras na ang lumipas at mas lalong lumalim ang gabi. Mas lumakas ang tunog ng mga kulisap at sa bawat pagpatak ng segundo, mas lalo namang lumalamig ang ihip ng hangin kaya't napayakap ako sa sarili ko. Siguro natutulog na si Ghazi sa likuran ko. Ayokong lingunin siya, hindi ko alam kung bakit. Pinagmasdan ko na lang ang kakaibang buwan nila, ang planetang Earth. Nasa mundong iyan ang pamilya ko, si Fourth, at si Third. Naiiyak ako. Sobrang layo ko kasi sa kanila. Nag-aagaw buhay si Third samantalang narito ako sa Montesawa at tinatanaw ang mundong kinaroroonan niya sa ngayon. Nawawala na din naman ako ulit sa mundo ko. Siguradong hinahanap na nila ako.

Chasing Fourth [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon