Kabanata 14

51 6 0
                                    

[KABANATA 14]

Nasasaktan ako. Nasasaktan ako habang tinatanaw si Ghazi na humahakbang palayo. Hindi rin siya lumilingon, patuloy lang siyang naglakad palayo habang nakasunod naman si Rhazi sa kaniya.

"I love you, mahal", bulong ni Third sa'kin. Napalunok ako. Pinapalibutan na kami ng mga pamilya at kakilala niya, kaliwa't kanan naman ang pagbati nila sa'min. Naging busy si Third sa pakikipag-usap sa mga kakilala niya kaya hindi niya namalayang umalis ako kaso hindi pa ako nakakalayo, humarang sa harap ko si Bernard.

Ibang-iba ang itsura niya ngayon kompara noong araw na nakita ko siyang natutulog sa OR. Ang dungis niya sa araw na 'yon pero ngayon, para siyang nag-evolve. Nakasuot siya ng itim na tuxedo at nakatayo rin ang buhok niya.

"He trapped you", pambungad niya saka ininom niya ang champagne na laman ng wine glass na hawak-hawak niya. Sinubukan ko siyang lagpasan kaso humarang siya uli.

Tangina talaga ang epal. Kailangan ko pang habulin si Ghazi.

"Alam kong napilitan ka lang. Marry me, at makakawala ka na kay Third"

Taimtim na tinignan ko siya sa mga mata at pinanliitan kaya tumawa siya sabay lagay ng wine glass sa mesa na malapit lang sa kaniya.

"Just kidding, asawa ko", ngumiti siya saglit, "But not really kidding"

Mas lalong kumunot ang noo ko dahil ang gulo niya. Nilagpasan ko uli siya kaso humarang na naman siya.

"Ano ba?! May hahabulin ako! Tangina mo Bernard! Sabihin mo na ang kailangan mo!"

"Whoa, chill asawa ko"

Huminga ako ng malalim at tinignan ko siya sa mga mata. Nakangiti lang siya at hindi siya nagsasalita kaya nilagpasan ko siya uli kaso humarang na naman siya sa dinadaanan ko.

"Thank you, kasi ginampanan mo ang role mo", sabi niya at ngumiti uli samantalang mas kumunot ang noo ko.

"Anong role? Bilang mabuting anak ng parents ko? Tama ka, napilitan lang ako dahil sa parents ko--"

"Role as my wife", putol niya sa sinasabi ko na lalong ikinagulo ko. Mula sa likuran niya ay natanaw ko si Ghazi na hinila ni Rhazi pabalik. Nagpumiglas ito, mukhang galit yata. May sinasabi rin si Rhazi sa kaniya, mukhang galit rin.

"Alam kong pinuntahan mo ako sa OR the day na natapos ang surgery na ginawa namin--"

"Hindi ako pumunta sa ospital. Wag kang mag-assume", pagsisinungaling ko saka nagsimula na akong maglakad papunta sa kinaroroonan nila ni Ghazi kaso napahinto ako nang mapansin kong sumasabay si Bernard sa bawat hakbang na ginagawa ko.

"I'm not assuming. I am certain na pinuntahan mo ako. 100% sure"

Hinarap ko siya at tinaasan ko siya ng kilay na lalong ikinangiti niya.

"Tinanggal mo ang gloves ko, ang mask, ang cap, pinunasan mo rin ang mukha ko at kinumutan mo ako.......ng kurtina sa OR"

Bahagyang natawa pa siya sa huling sinabi niya. Gising ba siya ng mga sandaling iyon? Baka nagpapanggap lang na tulog ang mokong na 'to sa mga oras na 'yon.

"Baka nanaginip ka lang Bernard"

"I'm not, asawa ko. In fact, hiyang-hiya akong harapin ka ngayon kasi nakita mo akong ganoon ang itsura. Pero masaya rin ako dahil dumating ka para sa husband mo, inalagaan mo ako"

Parang tangang pinagmasdan ko siyang napangiti nang dahil sa sinabi niya saka napakamot siya sa batok niya. Namumula ang pisngi niya, parang kinikilig. Ulol talaga.

"Nanaginip ka lang. Maniwala ka sa'kin", confident na sambit ko.

"During the operation, naka-on ang video recorder at hindi pala napatay hanggang sa nakatulog ako doon. While we are having a meeting that day on the afternoon, pinanood ng lahat ng doktor ang video para ma-assess namin ang ginawa naming pagtanggal sa tumor at nagulat na lang kami nang nakita ka namin sa video na pumasok sa loob ng OR"

Chasing Fourth [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon