Kabanata 16

62 5 0
                                    

[KABANATA 16]

Patuloy na hinimas ni Zedro ang likuran ko hanggang sa tumahan ako. Kalaunan ay kumalas ako mula sa yakap niya.

"Salamat, Zedro. Nakakahiya naman", ika ko sabay punas ng mga sipon ko na lumabas sa ilong ko. Nakangiti lang siya habang pinagmamasdan ang ginagawa ko.

"Walang anuman, binibini. Para sa iyo, lahat hahamakin ko"

Lilingon sana ako ulit sa kinaroroonan nila Ghazi ngunit mabilis na pinigilan ako ni Zedro sabay iling. Makahulugan ang tingin na ginagawad niya sa'kin, na para bang naiintindihan niya ang nararamdaman ko kahit na wala akong sinabi sa kaniya, na para bang pinipigilan niya ako na huwag lingunin sila sapagkat alam niyang masasaktan lamang ako.

"Tayo na binibini. Masyadong maraming nakamasid sa atin. Natatakot ako at baka makarating kay ama na ikaw ay kasama ko ngayon. Ayokong maulit ang kapahamakang dinanas mo binibini", patuloy niya at pinasunod niya ako upang makalabas kami sa kantong iyon ngunit napahinto kami sa paglalakad nang biglang may humarang sa harap ni Zedro na isang espada. Nakatapat iyon sa leeg niya.

"Huwag kayong umatake. Ayos lamang ako", sambit ni Zedro habang nakagawi sa isang direksyon kaya napalingon rin ako doon at saka ko pa napansin na nakamasid pala sa amin ang mga tagabantay ni Zedro. Nakapuwesto na sila at nakatutok na rin ang palaso nila sa taong nasa sulok na nagtatago.

Dahan-dahang lumabas sa sulok ang nagmamay-ari ng espada na nakatapat sa leeg ni Zedro. Si Rhazi.

"Rhazi, ano ba! Gago ka ba?! Ilayo mo nga 'yan kay Zedro!", bulyaw ko ngunit tinapunan lang niya ako ng sandaling tingin saka ibinalik niya ang tingin niya kay Zedro.

"Saan mo dadalhin ang aking prinsesa? May balak ka na naman bang siya ay dukutin?", panimula ni Rhazi.

Hindi sumagot si Zedro at pinili nitong manahimik kaya inulit ni Rhazi ang sinabi niya sa tonong galit sabay diin sa espada kung kaya't dumaplis ito ng konti sa leeg ni Zedro.

"Rhazi!", hiyaw ko. Napalingon ako sa kung nasaan ang mga tagabantay ni Zedro at titirahin na sana nila si Rhazi, mabuti na lang at agad na sumenyas si Zedro sa kanila na huwag umatake.

"Ibaba mo 'yan! Ibaba mo sabi!", utos ko pero hindi pa rin nakinig si Rhazi. "Isa...dalawa...". Hindi pa rin niya ibinaba. Tanaw ko na ang unti-unting pag-agos ng dugo ni Zedro mula sa maliit na sugat na natamo niya. "Kapag aabot sa tatlo, magpasensyahan na lang tayo Rhazi. Sasabihin ko ang totoo sa iyong ina. Isa...dalawa...dalawa't kalahati...tatl---"

Ibinaba niya ang espada nang hindi pa umabot sa tatlo ang bilang kaya agad na kumapa ako sa sarili ko kung may dala ba akong panyo, tissue or facial wipes pero wala. Hinawakan ko ang sugat ni Zedro gamit ang kamay ko upang tumigil kahit papaano ang tuloy-tuloy na agos ng kaniyang dugo.

"Huwag na binibini. Ayos lamang ako. Kaya ko ito", ani Zedro.

Hinila ko ang balikat ni Zedro pababa upang mas maabot ko ang leeg niya. Ang tangkad eh, hindi man lang namigay ng katangkaran sa mga kabus. Nang naabot ko na ng maayos ang leeg niya, hinila ko ang dulo ng saya na suot ko (nakuha ko ito sa loob ng closet sa palasyo. I know, so girly. Ugh)  saka pinunas ko ito sa leeg niya.

"Aray"

"Sa una lang 'yan masakit, Zedro. Mawawala din 'yan"

"Kagaya ba ng nararamdaman ko para sa iyo? Sa una lamang ba ito masakit?"

Natigilan ako sa sinabi niya at napatingin ako sa kaniya. Nakangisi siya sa'kin at jusko, ang puti ng ngipin niya! Model ba siya sa toothpaste dito?

"EHEM!"

Sabay na napalingon kami kay Rhazi na mukhang naiinis na saka sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya pero hindi ako gumalaw. Pinandilatan niya ako at tinuro niya ang pwesto sa tabi niya pero hindi pa rin ako lumapit sa kaniya.

Chasing Fourth [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon