[EPILOGUE]
"Oh God! Ba't sobrang tagal mong nagbihis?! May ginawa kang iba ano?!" sigaw ko kay Ghazi nang tumabi siya sa'kin sa buhanginan.
Kakarating lang niya galing sa bathroom ng resort na kinaroroonan namin. We're in Bohol for a family outing.
"Ha? Wala pa ngang limang minuto mahal eh. Binilisan ko na nga ang pagbihis"
Pinanlisikan ko siya. "Siguro may na-meet kang babae doon noh?!"
"Hindi mahal, wala!"
Tumayo ako sa kinauupuan ko saka iniwan ko siya. Naiirita ako sa itsura niya.
Napalingon ako sa dalampasigan at doon ko nakita si Zeph habang naglalaro kasama si Third. He's already three years old. Napalingon ito sa'kin saka kinawayan ako.
"Hi mum!"
He looks dashing in a black shirt. Tuwang-tuwa siya habang naglalaro sa dalampasigan with Third.
Nako, nakaka-nosebleed kausap si Zeph. Mostly, he speaks in English. Si Third kasi ang kasama niya lagi kaya hasang-hasa siya sa pagsalita in english."Ghazi, pakibantayan muna si Zeph. I'll just go to the bathroom for a minute. Babalik lang ako" ani Third kay Ghazi. Tumango si Ghazi saka lumapit siya kay Zeph.
Aalis na sana ako nang mapansin kong may grupo ng mga kababaihan na lumapit sa mag-ama ko.
"Hi. Is he your son?" tanong ng babaeng naka-one piece. Inayos niya pa ang bra niya at halatang sinusubukan niyang pansinin ni Ghazi ang boobs niya.
I think I might kill her any second from now.
"Uhh, oo. Siya si Zeph"
Bumaling ang tingin ng mga babae kay Zeph saka hinaplos nito ang buhok ng anak ko.
WHAT THE FUCK!!! GET YOUR HANDS OFF MY SON'S HAIR!!!
"Hello there sweetie pie! You look dashing, just like your dad"
Hindi kumibo ang anak ko. Tumitig lang ito sa kaniya.
"I can be your mom if you like" patuloy nito.
What a bitch.
Huminga ako ng malalim at sinubukan kong i-compose ang sarili ko. She's just talking with Ghazi and Zeph. Wag pairalin ang selos, Ayeya. They're yours. Yeah, they're yours.
"What if I don't want you to be my mum?" tanong ni Zeph na ikinagulat ng mga babae.
"Zeph, be a good kid" sambit ni Ghazi.
Tama lang 'yan Zeph. Ipamukha mo sa kanila na ako lang ang mommy mo.
Gosh, I feel so terrible. Ano ba 'tong mga iniisip ko?!
BINABASA MO ANG
Chasing Fourth [COMPLETED!]
FantasiaAileia Laforteza is the youngest daughter of one of the richest family in San Valmonte. She is already bethrothed to someone her heart doesn't want. In fact, she doesn't want anyone else, not until she met a guy named "Fourth". She fell in love to...