Chapter 1

889 15 0
                                    

Adri's POV

"Goodmorning Mom! Goodmorning Dad! " Bati ko sa parents ko. Nasa lamesa na sila, hinihintay ako para kumain kami. First day kasi ngayon ng school. First day din ngayon ng pagiging high school student ko kaya na-e-excite ako pero kinakabahan din ako.Same school pa rin naman ako papasok pero sabi kasi nila iba na daw pag-high school ka na. Mas maraming responsibilities at tsaka sabi ng adviser namin dati sigurado daw na marami kaming magiging bagong kaklase. 

"Goodmorning din, anak. Halika na kumain na tayo para hindi tayo ma-late." Sabi sa akin ni mommy. Papasok din kasi sa work si mommy at daddy. sila kasi ang nagmamay-ari ng isa sa mga kilalang restaurant dito. Minsan nga sobrang busy na nila sa work kaya madalas ko na lang sila nakikita. Pero syempre alam ko naman na ginagawa nila yan lahat para sa akin. 

*KNOCK* *KNOCK*

Tumayo ako at binuksan ang pinto. Nagulat ako nung si Aiden ang nandun. Ang bestfriend kong si Christian Aiden Villanueva. Ang lalaking lahat ng sikreto ko alam niya...maliban sa isa. Ang sikretong matagal ko nang tinatago sa kanya, siya ang crush ko. Siya ang lalaking nagustuhan ko. Tandang-tanda ko pa yung araw na nagkita kami. It was February 28.

Flashback

Nandito ako ngayon sa park, umiiyak at nalulungkot. Nag-aaway na naman kasi sina mommy. Ayoko sa bahay kaya tumakas ako. Napapadalas na kasi ang pag-aaway nila. 

Mayamaya biglang bumuhos yung malakas na ulan. Feeling ko sinasabayan ako ngayon ng mga ulap sa pag-iyak. Pero laking gulat ko nung bigla na lang akong hindi nababasa.

Tumingin ako sa tabi ko at nakita ko ang isang batang lalaki, mga kasing edad ko sigura siya, pinapayungan niya ako. Di ko siya masyadong makita dahil medyo nanlalabo yung paningin ko kakaiyak. Nakatingin lang siya sa akin na para bang nag-aalala siya. Umupo siya sa tabi ko pero di ko siya pinansin. Nilagay ko ang mga kamay ko sa mukha para hindi niya makita ang namamaga at namumula kong mga mata.

Tinapik-tapik niya ang likod ko at hinayaan akong ilabas lahat. Medyo gumaan ang loob ko at pinunasan ko ang mga mata ko at hinarap siya. "Thank you." Pagpapasalamat ko sa kanya.

"You're welcome." Nginitian niya ako "Bakit ka nga pala mag-isa dito tapos umiiyak ka pa?" Nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.

"Ayoko muna sa bahay namin. Nag-aaway na naman kasi s ang parents ko. Di ko kayang pakinggan na lang sila habang nag-aaway. Feeling ko kasi ako yung dahilan kung bakit sila nag-aaway" Nagsisimula na naman akong maluha. Minsan naiisip ko, pabigat na ba ako sa kanila?

Siguro naramdaman niya na naiiyak na naman ako kaya niyakap niya ako. "Sabi ng parents ko kapag daw may umiiyak, dapat yakapin sila." Niyakap ko rin siya at umiyak ng umiyak. Mga 5 minutes siguro din kaming magkayakap nun. 

"Nag-aalala na siguro yung parents mo. Ihahatid na kita sa inyo." Tumayo na kami at nagsimulang maglakad pauwi. Naging tahimik kami at nagiging awkward.

"Thank you nga pala ulit. Ako pala si Adri, Adrienne Claire. Ikaw?" Mukha naman siyang mabait kaya nagpakilala ako.

"I'm Christian Aiden, but you can just call me Ian." Nakangiti niyang sabi. 

"Bakit parang ngayon lang kita nakita dito?" Hindi ko kasi siya namumukhaan. Kokonti lang namin yung nakatira sa subdivision na ito.

"Kalilipat lang kasi namin dito kahapon. Ikaw pa nga lang yung kilala ko dito." Kaya naman pala.

"Gusto mo friends na tayo. Kung ok lang sayo?" Medyo nag-aalangan kong tanong. Baka kasi naweweirdohan na sakin si Ian.

"Oo naman." Nakangiti niyang sabi. Napansin kong palangiti siya. Ang cute nga niya pag-nakangiti siya eh.

Pagkauwi namin pinasalamatan siya ng parents ko at inimbitahan ang family niya sa bahay para sa dinner

End of Flashback

Simula nung araw na yun, mas naging close ang mga pamilya namin. Halos lahat yata ng family  vacation namin kasama na namin ang pamilya ni Ian. Tinuturing ko nang pangalawang pamilya ang mga magulang ni Ian pati na rin siya.

Okay na rin kami ng parents ko. I found out na hindi pala ako yung dahilan ng pag-aaway nila. They just had a bit of misunderstanding.

"Ian! Hinihintay ka na nila mommy. Halika na. Sabay ka na samin kumain." Hinatak ko na siya papasok sa bahay. Ganto talaga kami minsan.

"Mom, si Ian nandito na." 

"Hi po, tita. Goodmorning po, tito." Sipsip talag tong isang ito. Pero pag-wala sila mom at dad. Feel na feel ang pagiging at home pero syempre mahal ko pa rin. 

"Ian, halika na sumabay ka na sa aming kumain." pag-aaya ni mommy.

Nagsimula na kaming kumain. Nagkuwentuhan din kami sa mga kung ano-anong bagay at nang matapos kami ay kaagad na kaming kumilos upang umalis.

"Mom, Dad, mauna na po kami ni Ian." Malapit lang naman yung school namin kaya sanay na kami ni Ian na naglalakad na lang papuntang school. Dati sumasabay ako sa parents ko pero ayoko naman masanay na laging may naghahatid sa akin.

"Bye, anak. Mag-ingat kayong dalawa!" sabi ni mommy.

Habang palapit kami nang palapit, mas lalo akong kinakabahan. Mabait kaya iyong adviser namin o sobrang higpit? Pano pag hindi ako nagustahan nung mga bago naming classmate? Paano pag-

"Adri, okay ka lang ba? Parang takot na takot ka." Sabi ni Ian na dahilan ng pagputol ng mga problemang iniisip ko. 

"Medyo kinakabahan lang ako. Sabi kasi diba marami tayong magiging bagong kaklase. Tapos yung mga teacher natin hindi pa natin kilala." Iba kasi yung teacher ng elementary sa highschool kaya di pa kami familiar sa teachers namin ngayon.

"Relax, Adri. Okay? Wag ka nang mamroblema. Kaya ka nagmumukhang matanda eh." Matawa-tawang sabi niya. Tadyakan kona kaya. Akala ko nag-aalala talagayun pala mang-aasar lang.

"Easy for you to say. Lahat naman yata kasi ng tao sa school natin kilala't gusto ka eh. Sino ba naman kasing di magkakagusto sayo. MVP sa basketball nung elementary tayo, magaling kumanta, magaling sumayaw, magaling tumugtog ng intruments, matalino, at gwapo. "  

"Adri, marami rin kayang may gusto sayo. Remember, ikaw ang valedictorian ng batch natin, mabait, maganda, talented, magaling ka rin sa sports. For sure, they will like you." 

'Eh, bakit ikaw, Ian, bakit di mo ako magustuhan? Bakit hindi mo maramdaman na gustong-gusto kita?' gustong gusto kong sabihin yan pero bakit hindi ko magawa. Instead, I said this, "Thanks, Ian."

Kaya ka nasasaktan, Adri. Ang torpe mo kasi. Tandaan mo, Adri, kasalanan mo rin yan

~~~~~~~~~

AUTHOR'S NOTE

Thank you po sa pagbabasa ng story ko. Sana po patuloy niyong subaybayan ito. I am still trying to get the hang of it. First book ko po ito kaya medyo magulo pa. Again, Thank you for reading and please enjoy the story.

           -Aly







Secretly Crushing On My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon