ADRI'S POV
Maaga akong nagising ngayon. Naalala ko nandito nga pala si Ian. Hay...di ko pa rin nakakalimutan yung mga titig niya sa aking mga mata. Kinikilig pa rin ako! Hanggang panaginip nakikita ko pa siya.
Lumabas na ako ng kwarto at kinatok ang pinto ng kwarto ni Ian. Sunday ngayon baka pwede pa siyang bumawi sa ginawa niya kahapon.
"IAN!!" May narinig akong parang nahulog sa loob ng kwarto. Siguro si Ian yun. Bahagya naman akong natawa.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at nakita ko si Ian na hinahawakan ang kanyang ulo. Nagniningas na yung mga mata niya. Naku, patay na ko.
Kaya naman tumakbo na ako at hinabol naman niya ako. Nagtakbuhan kami dun hanggang sa napagod na kaming dalawa. Napa-upo kami sa sofa at natawa. Naalala ko tuloy nung mga bata pa kami, yung kaming dalawa lang yung lagging magkasama.
"Adri, sorry talaga kahapon. Lika, gala tayo. San mo ba gusto pumunta? Kahit san mo gusto, libre ko." sabi ni Ian. Ano ba magandang puntahan?
"Punta tayong mall?" Pagkakasabi ko habang nakangiti. Antagal na rin nga kasi simula nung kaming dalawa lang yung umaalis.
Nagbihis na kami at nag-ayos para makaalis na at nang matapos na kami ay bumaba na kami sa sala.
Sumakay na kami sa kotse at dumiretso na ng mall.
"Dun tayo sa arcade." Sabi ko habang nagpapacute. Feeling ko kasi baka umayaw siya eh.
"Sige ba pero gusto ko may challenge tayo. Kung sino may pinakamaraming tickets panalo. May concequence pag natalo. Game?"
Tumango ako at sinabing "Game."Bumili si Ian ng tokens at tig 100 kami. Inisa-isa namin yung mga laro dun. Hanggang sa naubos namin ang tokens namin.
"Pano ba yan, Adri? Ako yung nanalo." Pagmamayabang ni Ian. "Ano kaya pwedeng concequence?" Sana hindi mahirap.
"Wala pa ako maisip eh. Sa susunod na lang yun, Adri." Buti naman. Pagod pa ako ngayon kakalaro. Mga 2 oras din siguro kami dun.
"Kain muna tayo, Ian. Gutom na ako." Nakita ko namang tumawa si Ian.
"Ikaw talaga lagi ka na lang gutom." Kasalanan ko ba yun? "Halika na nga. Baka magutom pa ang baby ko." Ano daw?! Baby?!
Feeling ko namumula na ako dito ng sobra. Hay nako, Ian. Lagi na lang. Nakakahiya, ang dami daming tao dito.
Napagdesisyunan namin na sa Korean restaurant kami kumain. Favorite kasi namin ang Korean foods. Matagal ko na ngang gusting pumunta ng South Korea eh kaso hindi pa rin kami natutuloy.
Pumasok kami sa isa sa mga paborito kong Korean restaurant. Nag-order kami ng mga paborito naming dalawa: Samgyeopsal(삼겹살), Bulgogi(불고기), Japchae(잡재), Tteokbokki(떡볶이), tapos may kasama ring mga side dishes(반잔).
"Ang dami naman ng inorder natin." Nang sabihin iyon ni Ian, napagtanto kong ang dami pala naming inorder pero uuwi na lang namin yung matitira.
Busog na busog kami pagkatapos. Napagdesyunan naming umuwi na dahil may pasok pa kami bukas.
.
.
.
.
.
.
.
.
"I'm not sure if you're aware of this but the FS Night is near." sabi ni Ms. Hannah.
Yearly ginagawa ang Freshmen-Sophomore Night sa school namin para iwelcome ng Grade 8 ang mga Grade 7. Para siyang mini prom. Mas less formal siya kaysa sa prom. May kainan, mga performance at sayawan.
BINABASA MO ANG
Secretly Crushing On My Bestfriend
Novela JuvenilA girl who hides her feeling towards her bestfriend. Will she just accept the fact that they are not for each other? or Will she confess her feeling to her bestfriend? ~~~~~ Language: Taglish Started: June 13, 2018 Ended: ~~~ Cover by: xangientx