NOTE:
Pinalitan ko pa yung pangalan ni Xander (Keyboardist) and ni Jason (Bassist). Si Xander ay nagging Brian at si Jason nagging Kaleb.
ADRI'S POV
Buong maghapon akong wala sa sarili. Paulit-ulit ko lang naririnig yung mga sinabi sa akin ni Ian.
Alam kong di dapat ako magpaapekto dun. Kasi bestfriend niya lang ako. Dapat nga matuwa pa ako sa kanya.
Pinatawag na kami ni Ms. Hannah sa AVR. Sabi ni Ian kanina sabay daw kami pero ayoko muna. Makikita niya ako na ganto ang itsura.
"Liam" pagtatawag ko ng atensyon niya. "Sabay na tayo pumunta sa music room. Pahintay lang saglit." Aayusin ko lang muna yung mga gamit ko.
Tinulungan ako ni Liam bitbitin yung mga dala ko. "Okay ka na ba talaga?" Pagtatanong niya sa akin.
"Sa totoo lang hindi ako okay pero kakayanin ko. Ayokong makita niya na ganito ako. Sigurado mag-aalala yun. Di ko naman pwede sabihin sa kanya itong nadarama ko." Sambit ko. "Kapag sinabi ko ito ay siguradong mawawala ang pagkakaibigan namin."
Pagpasok namin sa AVR ay umupo muna ako dun sa may platform. Tinabihan naman ako ni Liam.
"Stay strong, Adri. Huwag mo hayaang makaapekto iyan sayo. Kasi tandaan mo na pinahihirapn mo lang din yung sarili mo." Sambit niya.
Ilang sandali pa ay nagsimula na ang meeting. Pinag-usapan lang naman yung mga songs para sa performance namin. Ito na rin daw yung time para makilala namin ang isa't isa.
"Adrienne!" Sigaw ni . Siya yung kaibigan ni Ian na keyboardist din. Medyo close din kami. "Nakita mo ba si Ian? Kanina ko pa kasi hinahanap." Saan naman kaya nagpunta yun? Kanina nandyan lang siya eh.
"Hindi ko rin alam Xander. Tulungan na lang kitang hanapin siya." Nag hiwalay kaming dalawa para hanapin si Ian. Kailangan din kasi siya ngayon.
Hinanap ko siya sa mga classrooms pero wala. Pumunta ako sa 3rd floor at chineck sa hallways.
At nandun nga siya. I mean sila. Kasama niya si Belle. May binibigay siyang bulaklak at letter. Niyakap naman ng mahigpit ni Belle si Ian.
Since medyo madilim na sa floor na ito ay hindi na siguro nila ako masyadong makita. Alam kong di ko dapat ito makita pero di makagalaw ang mga paa ko. Nagsisimula na naman magtubig ang mga mata ko. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi nila marinig ang hikbi ko.
Nagulat na lang ako ng may humila sa akin at niyakap ako. Si Liam. Umupo kami sa tabi ng mga locker at hinayaan niya akong umiyak sa balikat niya.
"Pasensya ka na talaga, Liam. Palagi na lang ikaw yung naaabala ko tuwing may problema ako." Wika ko habang nakagingin sa ibaba.
Itinaas niya ang mukha ko. "Kahit kailan ay hindi ka naging abala sa akin. Gusto ko nga na tinutulungan ka eh." Sambit niya habang nakangiti. Ang cute niya pala pag nakangiti.
Bumalik na kami sa AVR at nandun na pala si Ian. Siguro ay nasa students' lounge si Belle.
"Adri!" Sigaw ni Ian. Lumapit naman siya akin. "Hindi mo ito aakalain." Ano naman kaya yun? Malamang tungkol ito kay Belle. "Umamin na ako kay Belle." Bigla na lang nalambot ang mga tuhod ko.
"Ano naman sabi niya?" Sabi ko. Nakita ko naman siyang namumula ang mga pisngi at napapangiti.
"Gusto niya rin daw ako. MU na kami." Tuwang tuwang niyang sambit. "Approve naman sayo si Maddie diba?"
"Oo naman." Hindi okay. Kasi sobrang sakit na. Kunikirot na yung puso ko. Ganito pala yung sinasabi sa mga librong binasa ko.
"Thank you talaga. Ikaw talaga yung best friend ever." Yan. Yan yung tandaan mo, Adri. Para sa kanya bestfriend ka lang.
BINABASA MO ANG
Secretly Crushing On My Bestfriend
Teen FictionA girl who hides her feeling towards her bestfriend. Will she just accept the fact that they are not for each other? or Will she confess her feeling to her bestfriend? ~~~~~ Language: Taglish Started: June 13, 2018 Ended: ~~~ Cover by: xangientx