Adri's POV
Lumipas ang mga buwan at lalong pang naging close sina Ian at Belle. Lagi na siyang sumasabay sa pagkain namin, sa pag-alis namin pati na rin sa bonding time dapat namin ni Ian.
Nasa bahay lang ako ngayon. Wala akong magawa since wala naman akong kasama dito. Wala rin kasing kaming katulong or kasambahay kasi ayaw ni mom. Para daw matuto kaming wag umasa sa iba.
*KNOCK* *KNOCK*
Sino kaya yun?
Tumayo ako at binuksan ko ang pinto. Pagbukas ko si Ian pala.
"Ian. Buti na lang dumating ka. Wala akong kasama dito anh boring. Bilisan mo. Pumasok ka na."
"Wala rin kasi ang parents ko may business trip sila mga isang linggo din silang wala. Kaya dito muna ako." Wala pala sina tita at tito. Palagi naman silang may business trip. Kaya feel at home talaga tong si Ian dito.
"Sige. Mamaya lilinisin ko yung kwarto mo. Mamaya kunin mo na yung mga kailangan mo. Tapos ilagay mo na dun." Nag thumbs up lang sa kin si Ian. Dahil nga wala lagi ang parents ni Ian, may sariling kwarto na si Ian dito. Diba, parang kapatid ko na rin. Daig pa nga yata yung kapatid ko.
"Nga pala Ian, may gagawin ka ba mamaya?" Since Sabado naman ngayon, gusto kong ayain si Ian magbonding ulit tulad ng dati. Yung kaming dalawa lang.
"Wala naman. Bakit?" Sabi ni Ian.
"Gusto ko lang sanang ayain ka mamaya. Lunch tayo. Treat ko." Sana pumayag ka, Ian.
"Sige ba. Libre mo eh. San ba?" Yes! Pumayag siya. Bestfriend ko talaga basta libre.
"Kita na lang tayo sa restaurant namin. Dun na lang natin pag-usapan kung saan. Wag kang ma-l-late ah. Sige na. Bye na. Ayusin mo na yung mga kailangan mo at pati na rin yung sarili mo." Ayoko na kasi muna sa restaurant namin. Hindi naman sa hindi masarap pero dahil araw-araw ko nang natitikman yung pagkain dun. Ang parents ko kasi ang nagluluto dun kaya isipin niyo simula umaga hanggang gabi yun na yung kinakain ko.
"Sige. Text na lang kita pagmalapit na ko dun." Naeexcite na ko mamaya. Tagal na rin namin ito hindi ginagawa.
*11:30 AM*
Nandito na ako sa restaurant namin. Hinihintay ko na lang si Ian. Papunta na rin siguro yun. Makapagbasa nga muna ng wattpad.
Asan na yun?! 1 oras na yata akong naghihintay dito. Naka 30 chapters na ako ng story na binabasa ko. Maitext nga.
TO: ❤MY BESTIE❤
Ian! Asan ka na? Kanina pa ko dito.
Ano kayang nagyari dun? Oo, laging late yun pero di ganito na 1 oras na wala pa rin siya.
~~
FROM: ❤MY BESTIE❤Sorry, Adri. Nakalimutan ko sabihin sa iyo. Inaya kasi ako ni Maddie sumama sa kanila. Nag lunch kami kasama ng parents niya. Sorry talaga, Adri.
~~
Ganun na ba talaga ako kadali palitan. Sa dami ng taon na pinagsamahan namin, ganun ganun na lang. Mas mahalaga ba para sa kanya si Belle (si Belle at si Maddie ay iisa.).
Pinuntahan ko na lang muna si Mom. Siguro nasa kitchen siya. Baka may maitulong ako sa kanya.
"Oh, Adri. Kala ko aalis kayo ni Ian?" Hay nako ma. Kung alam mo lang.
"Di daw pala po siya pwede. May pinuntahan po kasi siyang iba. Pwede po bang tumulong na lang muna ako sa inyo?" Tumalikod na lang ako baka sakaling di mahalata ni mom na malungkot ako.
BINABASA MO ANG
Secretly Crushing On My Bestfriend
Ficção AdolescenteA girl who hides her feeling towards her bestfriend. Will she just accept the fact that they are not for each other? or Will she confess her feeling to her bestfriend? ~~~~~ Language: Taglish Started: June 13, 2018 Ended: ~~~ Cover by: xangientx