Adri's POV
Habang naglalakad kami papuntang classroom namin, napatigil sa paglalakad si Ian. Tiningnan ko siya at napansin kong may tinitingnan siya. Sinundan ko ang tingin niya at isang babae ang tinitingnan niya. Di ko pa siya nakikita ditto sa school baka transferee.
"Ian, sino yung tinitingnan mo?" Para kasing matutunaw sa tingin yung babae.
"Wala yun. Halika na." Pagkasabi niya nun ay hinila niya na ako.
Naging tahimik yung pagpunta namin sa room. Simula nung nakita niya yung kanina, nagging seryoso na siya. Ewan ko kung ano nangyari dun.
Pagdating namin sa classroom, medyo marami na ring tao. Marami sa kanila hindi ko namumukaan kaya baka mga bago sila.
Umupo kami sa mga vacant seats na nahanap namin. Babaguhin din naman mamaya kaya dito na muna kami.
"Huy, Ian. Ano ba kasi nangyari sayo?" Para kasing ewan. Kanina di napakaseryoso tapos ngayon nakatulala naman.
"Para kasing kilala ko yung babae kanina. Pero baka kamukha lang. Wag mo na isipin yun." Pagpapaliwanag niya.
Nagbasa muna ako ng libro habang hinihintay kong dumating yung homeroom adviser namin. Matatapos na ako dito sa libro ko. Mga 3 chapters na lang naman. May 15 minutes pa naman bago magstart ang class kaya baka matapos ko na ito.
"Umm, excuse me. May nakaupo na ba dito? Okay lang ba ako umupo dito?" Nagulat ako. Paglingon ko nakita ko may lalaki. Mukhang kararating niya lang.
"Wala naming nakaupo diyan. Okay lang din kung uupo ka diyan." Pagkasabi ko nun ay agad niyan nilapag ang bag niya at naupo na. Bumalik na lang ako sa pagbabasa.
"Di pa naman ako late diba?" Pagtatanong niya.
"Hindi ka pa naman late. May 10 minutes pa." Kahit nagbabasa ako sinagot ko pa rin siya. Ayoko naming maging rude.
"Ahh. Ako nga pala si Liam." Pagpapakilala niya sa kanyang sarili.
"Ako naman si Adri." sabi ko.
Maya-maya ay dumating na ang adviser namin. Since 1st day ngayon, siya lang ang teacher na makakasama namin ngayon.
"Goodmorning class! Ako nga pala si Ms. Hannah Dela Cruz but pwede niyo na lang akong tawagin na Ms. Hannah." Matapos niya sabihin yun, isa-isa kaming nagpakilala. Kailangan sabihin mo ang name, nickname, and something you like.
May mga naunang studyante kaysa sa akin. Konti na lang kaming di pa nagpapakilala. Nang bubunot na si Ms. Hannah ng susunod na magpapakilala, biglang may pumasok na studyante. Mukhang na-late ata siya.
"Sorry I'm late ma'am. Naligaw po kasi ako." Sabi nung babae.
"It's ok. Nag-iintroduce your self pa lang naman kami. Find a seat." Agad na naghanap ng mauupuan ang babae. Umupo siya dun sa vacant seat sa harap ni Ian. Napansin kong medyo natulala na naman si Ian. Teka, siya ba yung babae kanina? Kakausapin ko na lang mamaya si Ian.
Sunod na tinawag si Ian. "Goodmorning everyone! My name is Christian Aiden Villanueva. You can call me Ian. I like to play basketball."
Matapos niyang magpakilala ay tinawag naman si Liam. "Hello everyone, I'm Liam Clark Mercado but you can call me Liam and playing sports is what I like." Yun pala yung full name niya at mahilig din pala siyang maglaro ng sports. Siguro magkakasundo sila ni Ian.
Ako naman ang sunod na tinatawag ni Ms. Hannah. "Hi and goodmorning everyone! My name is Adrienne Claire Lopez. You can call me Adri and I like music."
Yung huling magpapakilala ay yung girl kanina. "Hi. I am Ysabelle Madison Bautista. Just call me Belle. I like designing."
Matapos namin magpakilala sa isa't isa. Diniscuss ni Ms. Hannah ang student handbook. Since matagal na ako dito sa school alam ko na yun kaya medyo nakakaboring na.
After madiscuss lahat yun pinagbreak muna kami ni ma'am. Inayos ko na yung gamit ko.
"Ian, halika na." pag-aya ko kay Ian. Sabay kaming lumabas ng building. Dumaan muna kaming canteen.
"May bibilhin ka ba Adri? Isasabay ko na sa akin."
"Brownie na lang tsaka tubig." Ianbot ko rin sa kanya yung pera. Paborito ko talaga ang brownies. Lalo na yung crunchy yung labas tapos chewy sa loob. Pinag-aaralan ko nga kung paano yun. Mahilig din kasi ako mag bake at magluto.
Mamaya ay bumalik na si Ian dala yung pagkain namin. Inabot niya sa akin yung pinasabay ko tapos ay naglalakad na kami papuntang garden. Dun kami pumupunta kasi wala masyadong pumupunta dun.
"Ian! Ian!" Nagulat kaming dalawa ni Ian nang may tumawag ng pangalan niya. Napatingin kami sa likod namin at Nakita namin si Belle yung babae na tinititigan kaninang umaga ni Ian.
"Maddie?" Huh? Maddie?
"Natatandaan mo ko? Grabe! Ang tagal nating di nagkita. Kamusta na?" Magkakilala sila?
"Oo nga. Halos di na nga kita nakilala. Ok naman ako. Ikaw?" Nakalimutan niyo na ba na nandito ako?
"Okay lang din ako. Akalain mo noh. Dito pa pala tayo magkikita." Na-a-out of place na ko.
"Nga pala, si Adri. Bestfriend ko. Adri si Maddie kaibigan ko." Kala ko nakalimutan niya na ako.
"Hello. Adrienne pero Adri na lang." Nginitian ko siya.
"Ysabelle Maddison pero mas gusto ko pag Belle na lang ang itawag mo sa akin." Nginitian niya rin ako. Mukha naman siyang mabait. "Mas higit pa sa kaibigan lang si Ian sa kin dati. Para ko na siyang kapatid pero nung lumipat sila nawalan na kami ng communication." Ahh. So magkaibigan na sila bago pa man siya lumipat sa lugar namin.
"Ahh ganun ba." Yun na lang yung nasabi ko. Di ko kasi alam kung ano pa ang dapt kong sabihin.
"Mag-t-time na. Punta na tayo ng building. Baka ma late pa tayo." Pag-aaya ni Ian.
Medyo na-aw-awkwardan kami habang naglalakad. I mean, ako lang pala. Kasi sila magkatabing naglalakad habang nagtatawanan. Hay! Ganto pala yung pakiramdam pag-nakita mo siya na may kasamang ibang babae tapos masayang masaya sila.
*****************
Pasensya na po nataglan sa pag-u-update. Medyo busy na kasi sa school.
-Aly
BINABASA MO ANG
Secretly Crushing On My Bestfriend
Novela JuvenilA girl who hides her feeling towards her bestfriend. Will she just accept the fact that they are not for each other? or Will she confess her feeling to her bestfriend? ~~~~~ Language: Taglish Started: June 13, 2018 Ended: ~~~ Cover by: xangientx