Chapter 6

314 4 0
                                    

Adri's POV

TAMA NA

Yan na lang ang nasabi ko. Gusto kong maging masaya ang bestfriend ko at basta masaya siyan sasaya na rin ako.

Di ko man alam kung paano gagawin iyon at gaani man kahirap at kasakit ang dadanasin ko para tumigil ang nararamdaman ko para sa kanya ay gagawin ko pa rin.

Naging tahimik ang pag-uwi namin. Yun na lang ang naisip ko habang naglalakad pauwi.

"Salamat sa paghatid." sabi ko "Ingat sa pag-uwi."

Para akong wala sa sarili. Lutang na lutang ako. Litong lito na ko sa mga dapat kong gawin.

Mayamaya ay may nagmessage sa akin

FROM: Liam

Adri, Nakuwi ka na?

Nagmessage na naman din siya, ikukwento ko na lang din sa kanya. Alam na alam niya naman lahat ito eh. Maliban kay Ian, siya yung lagi kong maaasahan.

TO: Liam

Oo
Tatawag ako sayo
May kukuwento ako

["Ano yung sasabihin mo?"] Pagkakasabi niya sa call namin. Grabe. Wala man lang hello.

["Ganto nga kasi yan..."] Ikinuwento ko sa kanya lahat lahat.

["Ang tanong, kakayanin mo ba? Araw-araw kayo magkikita, Adri. Pati sa pag-uwi makikita mo pa rin siya. Sa mga bakasyon mo. Siguradong kasama ang pamilya ni Ian niyan."] Napaisip ako sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung kakayanin ko pero kailangan ko. Para na rin sa kaligayahan ni Ian at Belle. ["Pero kung ano mang gawin mo, susuportahan kita."]

Sobrang thankful alaga kay Liam. Actually, sobrang thankful ko sa lahat ng mga kaibigan ko, Naging mas matatag ako dahil sa kanila.

.

.

.

.

.

.

.

.

2 days left. Dalawang araw na lang FS night. Naeexcite ako pero kinakabahan at the same time. Wala pa rin kasing nag-aaya sa akin eh diba required na may partner.

Wala naman kasi akong pasok ngayon. Sabi ni Ms. Hannah excused daw kami dahil participants kami ng Battle Of The Bands. Gamitin na daw namin itong time na ito para makapagprepare at magpractice pa.

Pupunta daw sila dito mamaya. May nakita daw kasi silang parang studio. Pwede namin gamitin yun para makapagpractice at marining ang ginagawa namin. Dito na lang daw kami magkikita sa bahay.

Tumingin ako sa orasan at 7:30 pa lang pala. Mamaya pang 10 yung usapan namin eh.

FROM: Ian

Adri
May hihingin sana akong favor

TO: Ian

Ano naman yun?

FROM: Ian

Sasabihin ko sayo mamaya
Puntahan kita mamaya diyan sa inyo

Siguro may itatanong lang siya tungkol sa lessons namin. Sasabihin din naman niya mamaya kaya ngayon mag-aayos muna ako.

Matapos kong maligo ay dumiretso na ako sa sa baba upang kumain ng almusal.

Laking gulat ko ng makita ko si Liam dun. Ang aga aga pa ah. Bakit nandito na siya? Mamaya pang 1 yung usapan namin.

Secretly Crushing On My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon