Adri's POV
"Anong meron tungkol sa akin?"
Gulat na gulat kaming lahat sa pagsasalita ni Ian. Kanina pa ba siya diyan? Narinig niya kaya yung mga sinabi namin?
"Uy, par. San ka naggaling? Kadarating mo lang?" Pagchange topic ni Brian. Buti na lang talaga at maasahan din itong si Brian. Kahit parang nakalunok minsan ng megaphone, sobrang loyal nito.
"Hinatid ko si Belle sa bahay nila." Yan na naman siya eh. Lagi na lang si Belle. "Kadarating ko nga lang eh." Well, at least, wala siyang narinig. Sana.
.
.
.
.
.
.
After that little incident, syempre kailangan na naman naming pumasok sa school.Sabi nila, wala naman daw kaming teacher sa 1st period kaya naggala na lang kami ni Alyssa sa campus.
"Bes, may tanong lang ako. Paano mo nakaya na tiisin yung ilang taong pagsasama ni Ian at Belle?" Biglaang tanong ni Alyssa.
"Di ko nga rin alam eh. Siguro sanayan na lang rin. Pero di naman ibig-sabihin nun, di ako nasasaktan." Pagsagot ko sa kanya.
"Grabe, Bes. Nagpapaka-martir ka diyan. Bakit ayaw mo na lang kasi umamin, diba?" Di ko muna pinansin ang tanong niya at umupo ako sa bench sa may garden ng school.
Huminga ako ng malalim. "Ayoko kasing masayang ang pagkakaibigan namin dahil sa akin. Dahil lang sa feelings ko."
"Bes, hindi mo nga alam kung anong mangyayari sa hinaharap eh. Malay mo, di pala katulad ng iniisip mo." Humarap siya sa akin at sinabi ito.
"Kaya nga. Hindi ko nga alam yung mangyayari kaya mas nakakatakot." Oo, alam kong gusto niya lang ako tulungan pero di niya naiintindihan.
"Sometimes kailangan mong gumawa ng mga risks. Hindi pwede na buong buhay mo ay matatakot ka sa mangyayari pa lang. Hindi ka naman siguro manghuhula para malaman ang hinaharap. Kailangan mong gawin muna ang mga bagay na ito para makita mo ang epekto. Kung ano man ang mangyari, kailangan mong i-accept yun. Kung okay yung kinalabasan, eh di maganda. Kung hindi naman, maraming paraan para maayos yun at kung hindi na talaga kaya, kailangang mag-move-on." Alyssa's words really hit me. Minsan kailangan ko kumawala sa mga barriers ko at sa limitations ko. "Pag-isipan mo rin yan."
"Okay pero paano si Belle?" Hindi naman tamang agawin ko si Ian sa kanya.
"Well, si Ian na ang may hawak ng desisyong iyon." Napaisip na naman ako at baka ito na nga ang solusyon. Pag wala na talagang pag-asa, titigil na ako. Mag-momove-on na ako. Kailangan ko lang ng konti pang panahon para maihanda ang sarili ko. "And speaking of..."
Naglalakad si Ian papunta sa direksyon namin at mukhang galing training ng basketball. Foundation Week na kasi next month kaya todo practice ang boys para dun. Ayaw na daw kasi nilang maging kulelat. Wala rin silang klase kasi excused sila. Daya nga eh. Kaming girls, since every regular naman daw kasi kaming nagtraining okay na daw yun at kami rin ang nagchampion last year.
"Nandito ka lang pala, Adri. Kanina pa kita hinahanap." Hinahanap? Ako? Anong kababalaghan toh? "Sabi ni coach, sumama ka daw sa amin mag training." Kasasabi ko lang na pahinga kami eh.
"Bakit naman ako?" Parang pakipot pa eh gusto rin naman sumama. Ewan ko pero pinipigilan ko talagang kiligin ako.
"Naisip ko kasi na ikaw ang pinakaclose sa amin.. Tsaka, wala si Sean. Ikaw muna pumalit ngayon. Kulang kami isa para makabuo ng dalawang team."Pano yun eh, di naman ako excused, diba? "Wag ka mag-alala, ipinaalam ka na namin kay Ma'am." Wow. So alam niya na talagang papayag ako.
"Okay, game. Magpalit lang ako ng damit. Hintayin mo ako." Pumayag din naman ako. Nagpaalam ako kay Alyssa. Binilisan ko ngang magbihis para makalaro agad kami.
Paglabas ko hinila na agad ako ng magaling kong bestfriend at tumakbo kami papuntang gymnasium.
"Oh, eto na pala sila." Banggit ni coach ng matanaw niya kami.
"Adri!" Nagulat ako ng may yumakap sa akin mula sa likod. Si Miel nga pala. Mas matanda siya sa akin ng ilang buwan pero sobrang sweet at cute nito. "Namiss kita."
"Hoy, Miel! Layuan mo kapatid ko." Rinig naming sigaw. Napatawa kami. Kuya ko yun. Si Kuya Ace. Tanda niyo dati sinabi ko sa inyo uuwi siya. Well, ayan na siya. May college na rin kasi dito sa school namin. 2nd year college na siya ngayon. Super protective pa rin.
Nagsimula na rin kaming maglaro. 5v5. Nung una ay malumanay lang ang laro namin pero habang tumatagal mas nagiging intense. Siguro mga 2 oras din kami naglaro bago kami tumigil muna.
"Tara lunch tayo, mga pre. Gutom na ako." Wika ni Kuya Ace.
"Lagi ka namang gutom, kuya." Sagot ko sa kanya. Napatawa naman ang iba
"At least pogi pa rin." Napakaconceited din nito eh. Pero I admit totoo iyon. Ewan ko kung bakit wala pa nga rin siyang girlfriend eh.
Bigla naman akong nakatanggap ng isang message.
From: Unknown
Hindi mo alam kung anong sinimulan mo, Adrienne. Mag-ingat ka na. Hindi mo alam ang susunod na mangyayari.
--------
Sorry ang tagal ng update ko. Pero don't worry, babawi ako. Hintay hintay kayo ng kaunti at iuupload ko ang sunod nito as soon as I can.-Aly
BINABASA MO ANG
Secretly Crushing On My Bestfriend
Teen FictionA girl who hides her feeling towards her bestfriend. Will she just accept the fact that they are not for each other? or Will she confess her feeling to her bestfriend? ~~~~~ Language: Taglish Started: June 13, 2018 Ended: ~~~ Cover by: xangientx