Chapter 8

295 5 3
                                    

Liam's POV

Siguro hindi niyo inaasahang POV ko ang lalabas noh? Well salamat kay author at pinagbigyan niya ako ngayon. Wag muna kayong umangal.

FS night ngayon at nagsasayawan pa rin sila ngayon pero di katulad kanina na slow dance. Nagpaparty-party na sila ngayon dun.

Pero ako hinahanap ko si Adri ngayon. Hindi ko na kasi siya nakita after siyang isayaw ni Ian. Pakiramdam ko talaga may ginawa na naman yung lalaking yun eh. Lagi niya na lang pinapaiyak si Adri. Oo, magkaibigan kami ni Ian pero naiinis talaga ako sa kanya pag nakikita kong umiiyak si Adri dahil sa kanya. Sinasabi ko sa inyo, kung hindi lang kami magkaibigan nun ay matagal ko nang nasuntok iyon.

Pumunta ako sa labas ng venue at nakita ko si Adri. Nasa isang bench siya. Nakatingin siya sa mga bituin. I can tell na malungkot na naman siya.

Palapit na ako sa kanya nang marinig ko siyang magsalita, "Bakit ko ba pinapahirapan ang sarili ko para sayo? Bakit di na lang iba yung nagustuhan ko?"

Bigla akong napahinto. Oo nga, Adri. Bakit hindi na lang yung taong magugustuhan ka rin? Bakit ba hindi na lang ako yung nagustuhan mo?

Kung alam mo lang, Adri. Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal. Hinding hindi kita iiwan at sasaktan. I will always be here for you.

Adri's POV

5 years later

It's been 5 years since that night. Grade 12 na kami ngayon. Akalain niyo nga naman diba, graduating na kami! Ang bilis talaga ng panahon.

Nandito ngayon ang tropa sa tambayan namin a.k.a. yung bahay namin. Sina Alyssa, Kaleb, Brian, Liam, at ako ang nandito ngayon. Marami at masarap daw kasing pagkain dito kaya laging dito tumatambay.

Speaking of food, nandito ako sa kusina at kinukuha ang brownies na ginawa ko kanina. Syempre susulitin ko na yung time na may mga taste testers ako kung okay ba yung recipe na ginawa ko.

Alam niyo bang sobrang busy at stressed namin last week at ngayon week kaya ngayon lang ulit kami ngayon makakapagbonding. Last week ay pasahan ng mga projects at nung mga nakaraang araw naman ay exams. Buti na nga lang at nasurvive namin iyon.

Kung nagtataka kayo kung nasaan si Ian at Belle, magkasama pa rin sila. Syempre ano pa bang ieexpect niyo kay Ian at Belle? Nagdadate yata.

Ay, nakalimutan ko sabihin sa inyo na nililigawan na ni Ian si Belle. Amazing right. Grabe talaga. Tuwang tuwa nga ako. (Take note nung sarcasm)

It happened last week. Ewan ko nga ba kung paano namanage ni Ian na magkaroon ng time para sa panliligaw niya eh puro projects kami. Ang lala rin ng magaling kong bestfriend eh. Paano nangyari yun? Ikukuwento ko sa inyo.

FLASHBACK

Kasalukuyan kaming nasa garden ni Ian. Well, napagisipan niya kasing kailangan niyang bumawi sa akin. Dapat lang talaga.

Nakahiga ako sa lap niya habang siya naman ay nakaupo sa damuhan habang nakasandaal sa puno.

"Adri, may naisip kasi ako at gusto ko ng permisso mo para magawa yun."pagtatanong ni Ian. Ano na naman kaya ito?

"Ano yun? Bakit kailangan pa ng permisso ko?" Nagtataka kasi talaga ako.

"Gusto ko kasing ligawan si Maddie. 17 na naman siya tapos ako 18 na. I mean sa tingin ko pwede na naman, diba? And I am asking your approval kasi bestfriend kita and I want to here your opinion tungkol dito." Bigla naman akong napaupo. Ano?! Liligawan niya na si Belle. Seriously?! "Ikaw nga unang nakaalam nito eh. Kaya sana please secret muna natin toh."

Secretly Crushing On My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon