Chapter 14

95 2 0
                                    

Adri's POV

*Flashback*

"Promise yan ah."

"Syempre naman. No matter what happens, we will always be there for one another." Ian assured me na we were bestfriends kahit anong mangyari.

"Ay! Oo nga pala." Kinuha ko ang dalawang maliit na box sa backpack ko.

"Pinacustomize namin toh ni Mom." Matching na adjustable ring yun na may pangalan naming dalawa sa loob. Simple lang and design nito kasi may knot lang siya sa gitna. Yung kanya may nakalagay na 'Adrienne' at yung akin na may 'Christian'. "It'll be our friendship charm. As long as we wear it, our promise still stands." Sabi ko habang sinusuot namin ito sa daliri namin.

""

"Adri, Ian, tara na't kumain!" Sigaw ni Dad kaya kami ay pumasok na.

*End Of Flashback*

It's been years since that happened. Suot pa rin namin ito hanggang ngayon kahit na ang laki ng away namin.

Ibig sabihin there's still hope. Maybe I just need to give him some time.

I thought swimming would clear my mind but it just made me think of it more.

"Hey, anong ginagawa mo? Gabi na ah"

"Nag-iisip-isip lang. Kasi ito talaga ang pinakamalaking away namin ni Ian. Dati pag nag-aaway kami tinitingnan ko lang itong charm namin ni Ian and somehow nagkakaroon ako ng hope na baka dahil sa promise namin magkakaayos din kami even though it's childish." I smiled even though I was feeling terrible inside.

Umupo siya sa tabi ng pool habang nakikinig siya sa akin.

"Pero those were all just some silly little fights compared to this. The truth is wala akong pake na hindi siya naniniwala sa akin pero yung malaman kong ganun lang yung tingin niya sa akin. He didn't even let me explain. Well, at least nalaman ko kung ano lang talaga ang tingin niya sa akin. Now, he probably thinks that I'm that desperate lying little girl who would do everything to have him. I just can't p-" I was startled nung lumapit siya sa mukha ko and placed his hands on my cheek...

"You're crying." He stated as he wiped my tears. Umiiyak na pala ako hindi ko man lang napansin.

"Adri, nandito kaming mga kaibigan mo. You don't need Ian." Pagsasabi niya ng malumanay ang boses.

"Yeah, alam ko. Lagi kayong nandito para sa akin. Pero may kakaiba kasi kay Ian. Maybe it's because we were inseperable since we were little. Nasanay na ako na sa kanya lagi umaasa."

"Then let me do all of those things you did when you're with him. I'll make you forget the hurtful times. I won't hurt you like he did. Just let m-" Hindi ko na siya pinatapos at agad-agad ko siyang niyakap.

I feel thankful kay Liam. Lagi na lang siya ang sumasalo sa akin. Laging siya ang tumatabi sa akin. I don't even know how to pay him back for all his done.

----------

"Shushhh! Ang ingay mo Brian."

"Ikaw kaya yun. Pabulong bulong pa ang lakas din naman."

"Tumigil na nga kayo. Pareho lang kayo eh."

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Wait...bakit nasa sala ako? At bakit nandito sa harap ko ang tropa? At sino tong nahihigaan ko?

Napatayo na lang ako bigla ng mapagtanto ko kung anong nangyayari. Nakaupong natutulog si Liam tas ako ay nakahiga sa lap niya.

"Hahahahha." Napatawa ang tropa dahil sa akin. Ang bait kasi nila tinawanan nila ako sa halip na tulungan eh. Paano ba naman, sumabit yung paa ko sa coffee table namin.

Dahil sa ingay na ginawa ko nagising na rin si Liam. Tiningnan niya muna ang paligid at nahalata kong pareho kami ng reaction pero di ko naisip ang sunod na nangyari...

"Hey, Adri, are you okay? May masakit ba?" Awtomatikong tumabi sa daan ang tropa para magbigay daan kay Liam na parang mas mabilis pa kay Flash na nakarating dito sa akin.

Napatulala na lang din ako dahil di ko alam kung ano bang dapat kong gawin.

"Aray!" Waw, Alyssa. Ikaw yung nahulog? "Ang sakit. Kinakagat ako ng langgam ang tamis tamis kasi eh. Hahahahha." Parang timang si Alyssa tumawa eh. At nakisali pa itong tropa.

Tiningnan ko siya ng masama pero nagkibit balikat lang ito. Lagot talaga kayo sa akin mamaya.

Tinulungan na akong makatayo ni Liam kasi sabi ko na okay naman ako. Sadyang natisod lang ako.

"Bakit nga pala nandito tayo?" Tanong ko. Ang alam ko nanonood kami ng Coco tas wala na kong matandaan.

"Ummm..." Napansin kong nagkapot siya ng ulo niya. "Nakatulog ka kasi habang naonood tas nung iaakyat na kita ayaw mo kong paalisin. Lagi mong sinasabing 'wag mo kong iwan' kaya ayun." Wika niya nang hindi makatingin sa akin.

Napa internal face palm na lang ako sa sarili ko. Seryoso ba yun? Nakakahiya!

"Bes, nagawa mo talaga yun? Hahaha! Hindi ako makahinga!" Nakakailan na talaga tong si Alyssa ah.

"Ang landi nga naman talaga." Bigla na lang sumabat itong si Belle sa usapan. That face really disgust me. Ang mukha ng isang plastic.

"Watch your mouth, Belle." Madiin sa sambit ni ko. Porket nasa side niya si Ian, eh ang tapang na.

"Baka putulin ko pa yang dila mong babae ka." Dagdag ni Alyssa. "Sarap mong kutusan."

"Bakit? Tinatamaan ba kayo?" Nanghahamong sabi ni Belle sabay tawa.

"Maddie, stop." Aba buti naman at naiisipan mong patigilan yang girlfriend mo. Akala ko tatayo ka na lang diyan at hihintaying magpatayan kami.

"What?! Sinasabi ko lang naman ang totoo." Umakma pa itong susugurin ako pero nahawakan agad ito ni Ian.

"Ayoko na ng away, Maddie. Tama na." Bigkas niya na parang napapagod na.

At di pa nagpakabog itong si Belle sa pag walk-out niya. Kailangan may pa hair flip pa at irap ng mata.

Ang drama talaga kahit kailan. So irratating.

Yeah, maybe I used to treat her like one of my sisters but nagbago yun nung malaman kong ganun lang pala ang pakay niya at yung pagtingin niya sa akin.

--------

Napatagal po ang break ko. Hehehe. Sorna

-Aly






















Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secretly Crushing On My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon