Chapter 10

125 1 0
                                    

Adri's POV

From: Unknown

Hindi mo alam kung anong sinimulan mo, Adrienne. Mag-ingat ka na. Hindi mo alam ang susunod na mangyayari.

Bigla may kabang dumaloy sa katawan ko. Anong ibig sahibin nito? Kanino galing toh? Isang threat? Natatakot na ako pero ano namang magagawa ko?

Bigla na lang may umagaw ng phone ko. Si Ian Aagawin ko na sana pero mas nauna niya itong itinaas. Tumalon talon na ako dun pero hindi ko pa rin maabot. Tumigil na ako nung huli na, nabasa niya na.

"Adri, ano toh?" Bakas sa mga mata niya ang pag-aalala.

"Hindi ko rin alam. Bigla ko na lang natanggap yan." Wala naman talaga akong ginagawa eh.

"Hanggat wala pa tayong masyadong nalalaman about this, mas mabuti sigurong lagi kang may kasama. Huwag kang aalis ng mag-isa. Okay?" Tumango ako bilang pagsagot kay Ian.

Ikinuwento niya rin kay Kuya Ace at Liam ang nangyari. Sinabihan niya rin ito na wag muna sabihin sa iba hangga't di pa namin alam kung sino ang nasa likod nito.

"Pag may sinend ulit sayo. Tawagan mo agad kami." Pagsabi ni Ian. "Tandaan mo ang mga bilin namin. Pag aalis ka ng bahay, isama mo ang Kuya mo. Pag-andito ka sa campus, lagi mo dapat kaming kasama. At least isa sa amin."

"Okay. Pero paano naman natin malalaman kung sino ito? Eh kahit nga number tago. Unknown lang ang nakalagay." Wika ko. I mean kahit nga number niya makakatulong na para ma track namin.

"Let's wait a bit. Baka prank lang pala yan. Basta call us if may ginawa na naman yan." Sabi ni Kuya Ace. He' right.

----

Natapos ang araw ng pag-training namin. Pagod na pagod ako pero ang saya rin. Nawala sa isip ko ang threat na naisend sa akin. But I can't help but wonder sino siya?

Ang speaking of. Nagtext na naman siya.

From: Unknown

So nakahanap ka na pala ng mga kakampi. Don't worry. They still won't hinder me from doing anything. Sweetdreams, Adrienne.

Agad-agad kong tinawag si kuya mula sa kabilang kwarto.

"Kuya! Kuya!"

"Oh, Adri? Namumutla ka. Anong nangyari sayo?" Hinila ako ni Kuya papasok sa kwarto niya. Pinaupo niya ako sa kama niya. Tumabi rin siya sa akin.

Inabot ko sa kanya ang phone ko at hinayaan siyang basahin ang nakalagay doon. Kahit nakatingin ako sa sahig ngayon ay nararamdaman ko na nagulat din siya sa nakita niya.

"Kuya, natatakot na ako." Naluluha na rin ang mga mata ko kaya naman yumuko na lang ako habang nakatakip ang mga kamay sa mukha ko.

Nakita ko namang kinuha niya ang laptop niya at nagsimula ng isang group call. Kasama rito sina Liam at Ian.

Agad-agad silang sumagot at kita sa mga mukha nila ang pag-aalala. Alam na siguro nila ang dahilan ng pagtawag namin sa kanila.

"Anong sinabi niya ngayon?!" Bigkas ni Ian na gigil na gigil. Finorward ko sa kanila ang message na mas lalo pa nilang ikinagulat.

"Diba, dapat sabihin na natin toh sa parents niyo?" Suhestiyon ni Liam.

"Guys, naiintindihan ko kayo pero it's too risky. Baka mas lalo pang mapahamak si Adri pag nalam niyan na sinabi natin sa iba." Naiintindihan ko si Liam pero Kuya is right. Tsaka, hindi lang naman ako yung pwedeng mapahamak eh. Kahit sila, pwede.

Nag-usap pa kami ng mas matagal at dahil dun nawala rin sa isip ko yung mga nangyayari ngayon. Sabi pa nga nila, kung pwede lang daw sila pumunta dito sa bahay para bantayan ako gagawin nila kaso masyado na daw gabi para umalis ng bahay nila. And it actually made me feel better knowing that these guys won't leave my side.

Secretly Crushing On My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon